CHAPTER FIVE

242 11 0
                                        


"CHARLES, wake up" gusto niyang magmura dahil sa sobrang antok na nararamdaman. Umungol siya bilang tugon kay Yna na siyang gumigising sa kaniya ngayon.

"Ten minutes" anas niya

"Okay, after ten minutes kailangan mo nang bumangon diyan dahil may sasabihin raw si lolo satin"

"Hm" tanging tugon na lamang niya

She silently thanked God dahil pinabayaan na siya ni Yna na makatulog.

"You're ten minutes is done, now bumangon ka na riyan" she groaned in frustration. Inaantok pa rin talaga siya.

"Ten minutes"

"Charles, hindi na kita mapagbibigyan, we need to talk with lolo, kanina pa tayo non pinapatawag"

"He'll understand"

"No, kailangan mo nang bumangon riyan at mukhang importante ang sasabihin niya satin"

Napipilitan siyang bumangon at nag-ayos. Namumungay pa ang mga mata niya habang tinutungo ang opisina ng Don sa loob ng mansyon.

Nang makapasok kami sa loob ng opisina, naglaho na parang bula ang antok ni Veatrice nang makita si Thomas na kaharap ngayon ng Don.

Nag-flashback lahat ng nakita niya kagabi sa harap ng mansyon. Pakiramdam niya namumula na ngayon ang kaniyang mukha. Hindi niya matingnan ang binata.

Tumikhim ang Don "Hali kayo at umupo dito sa gilid ko"

Umupo silang dalawa ni Yna sa couch na bakante na nasa gilid ng inuupuan ni Don Henry habang sa katapat naman nilang upuan nakaupo si Thomas na nakadekwatro.

"Bakit nga po pala pinatawag niyo kami dito lolo?" tanong ni Yna sa Don

"May problema sa kompanya" ani ng Don sa bumuntong hininga.

"Po? Bakit? Ano po ang nangyari?" nababahalang tanong ni Yna sa abuelo, nanatili siyang tahimik dahil wala naman siyang alam sa negosyo ng pamilyang Scott.

"Two of our stockholders pulled out their investments from our company and the two of them happen na siyang may pinakamalaking investment sa kompanya"

"Naitanong niyo na po ba lolo kung bakit nila pinu-pull-out ang mga investments nila?" muling tanong ni Yna

"Hindi sila nagsasalita. Sa tingin ko may nag-uudyok sa kanila na gawin iyon, as we all know Yuris Construction Company is our rival"

Yuris? Kilala niya ang may-ari niyon? It was her ex boyfriend's company. Hindi pa rin pala nagbabago ang hinayupak, madumi pa rin trumabaho.

"Are you sating na ang YCC ang dahilan kaya nangyari ang mga ito?"

Hindi sumagot ang matandang Don.

"Ito lang ba ang pag-uusapan dito? Alam niyo naman siguro na wala akong hilig sa kompanya niyo, so why ask me to be here?" gagad ni Thomas

"Kuya! Just this once do cooperate, may malaki tayong problema sa kompanya"

"Tell me, ano ang magagawa ko para sa kompanya?" Thomas scoffed "Don't tell me aalukin niyo nanaman akong pamahalaan yan, hindi magbabago ang desisyon ko. It's still a no"

For the first time umaayon siya sa sinabi ni Thomas, wala nga itong maitutulong sa kompanya, maliban sa hindi talaga ito maaasahan sa anumang bagay, wala rin talaga itong alam patungkol sa kompanya dahil pulis ito, not some kind of a fvcking businessman.

Thomas stood up from the couch at akmang aalis "Thomas" tawag ng Don sa apo "Hindi na kita pipiliting pamahalaan ang negosyo natin, kaya kita pinapupunta dito dahil aalis kami"

The "SHE" GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon