LONG CHAPTER AHEAD, PENS
NAG-UNAT si Thomas nang magising. It's already seven in the morning. Naligo siya atsaka isinuot ang uniporme.
Pagkababa niya sa kusina nadatnan niya si Charles na naghahanda ng pagkain. His forehead creased seeing that all the food in the dining table are all deserts. Iba't ibang klase ng matatamis na pagkain ang nakahain sa mesa. May dalawang chocolate cake, cookies at brownies.
"Ano 'to?" tanong niya nang makalapit.
Lumingon sa kaniya si Charles at ang nakakapagbigla sa kaniya ay ngumiti ito "Surprise!"
Hindi nawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo. "Hindi ko kaarawan ngayon, bakit may cakes?. Is it your birthday?"
Charles chuckled "Hindi mo kaarawan, aba malay ko kung kailan ang kaarawan mo at mas lalong hindi ko rin kaarawan ngayon"
"Then why did you prepare all of this?" nagtatakang tanong niya. Isang himala para sa kaniya ang nangyayari ngayon, hindi sila nagsisigawan at nag-aaway ni Charles habang nag-uusap. It was a smooth conversation between the two of them.
"It's a thank you breakfast, it is my way of saying thank you sa pagdala mo sakin sa hospital at pagsagip mo sakin kahapon"
"Tss, you don't need to do this" he scoffed "saka mukhang hindi ka nagpapasalamat sa lagay na iyan, papatayin mo ata ako sa diabetes"
Nangunot ang noo ni Charles wari ba'y hindi nagustuhan ang narinig "Alam mo, ako na nga itong nagpapasalamat, kahit napakahirap na mag-bake ng mga iyan gamit ang kaliwang kamay ko lang, pero ginawa ko pa rin" Charles ranted "Hindi mo ba alam kung paano umappreciate man lang!?"
"I didn't order you to do that, so basically it's your mistake"
Padabog na inilapag ni Charles ang isang plato na hawak "Fine! Huwag mo iyang kainin, nagsasayang lang pala ako ng effort dito" nanlilisik ang mga matang anito "Right! Bakit ko nga ba ito ginagawa?"
Padabog na umalis si Charles sa kusina at ilang minuto lamang ay narinig niya ang pagtunog ng kotse nito sa labas senyales na aalis nanaman ito ng mansyon.
Thomas heaved a sigh looking at the deserts on the table. Napakarami niyon at hindi siya mahilig kumain ng matatamis na pagkain, ngunit kahit na ganoon, nakikita niya na lamang ang sarili na nilalantakan ang mga binake ni Charles para sa kaniya.
Napadighay si Thomas sa nararamdamang sobrang pagkabusog. Hindi niya naubos lahat. Ngunit aaminin niyang masarap naman ang mga deserts na binake ni Charles.
Pagkatapos kumain kaagad siyang naghanda upang pumasok sa trabaho. Bago umalis ay nilagay pa niya ang mga natirang pagkain sa refrigirator.
"Magandang umaga sa inyo SPO3 Scott" bati sa kaniya ni SPO1 Mansala
"Magandang umaga rin sa'yo" bati niya pabalik
Pinasok niya ang kaniyang opisina at umupo roon.
Buong araw ay walang ginawa si Thomas kundi ang manatili sa loob ng kaniyang opisina sa estasyon. Nababagot siya sa loob kaya napagpasyahan niyang umuwi na lamang ng mansyon.
Alas-singko na nang hapon, pagpasok niya ng mansyon, bumungad sa kaniya ang nakakabinging katahimikan.
Charles isn't home yet? Tanong niya sarili.
Dumiretso siya ng kusina at binuksana ng refrigirator at nakita roon ang mga pagkaing inihanda para sa kaniya ni Charles kaninang umaga.
For a month na nakakasama niya si Charles sa iisang bubong may napapansin siya sa sarili. Kaya siya umiiwas sa asawa ng kapatid ay dahil nauulol na ata siya. There are times that he thinks Charles is a woman.

BINABASA MO ANG
The "SHE" Groom
General FictionAll that Veatrice ever wanted was to get wed to a man she truly loves in a grandiose church wearing her own designed dream wedding gown. She imagined herself walking in that long aisle towards her groom while tears of joy keeps falling from her eyes...