CHAPTER NINE

253 7 1
                                        


PUYAT SI VEATRICE kinaumagahan. Her mind keeps thinking about the kiss she shared with Thomas last night.

Everytime she'll close her eyes the kiss keeps playing like a fvcking powerpoint slides that she couldn't pause or stop. Her heart beats erratically.

She stood up on her bed and descended on the long stair of Scott's mansion.

She saw Thomas in the living room sipping his coffee while reading a newspaper. She couldn't look at Thomas that long so she went to the kitchen to take her breakfast.

May omelet at fried rice na ang nakahain sa mesa. Mukhang maagang nagising si Thomas. Walang ibang pwedeng magluto sa mansyon. Sila lang namang dalawa ang naroroon ni Thomas.

"Magandang umaga po sa inyo Sir Charles" bati ng kung sinong nasa likuran niya kaya nabitawan niya ang babasaging plato na hawak hawak niya sa gulat.

"Fvck! Shit! Damn!" sunod-sunod niyang mura "Manang naman! ginulat niyo po ako" anas niya nang nilingon ang taong nasa likuran niya at napagtantong ang kasambahay lang pala iyon ng mansyon "Pasensya na po kayo at namura ko po kayo manang, nagulat lang po" kaagad hingi niya ng pasensya sa may kaedarang kasambahay.

"Ayos lang po sir, pasensya na rin po  at mukhang nagulat ko po kayo" ginulat mo talaga ako, shit! Nanginginig pa rin ang binti ko sa gulat. The heck!

Ngumiti siya ng matipid sa matanda "Okay lang, akala ko po ba sa susunod na linggo pa ang balik niyo sa trabaho manang?" tanong niya

"Napaaga po sir e, ipinapabalik po kami ng Don dito dahil nag-aalala daw po kasi ito sa kalagayan niyo po" sagot ng matandang kasambahay sa kaniya "Si Rogelio at Virginia, mukhang paparating na rin po ang mga iyon dito, nauna nga lang po ako"

"Ganoon po ba, kayo po ba ang nagluto ng mga ito manang?" tanong niya sa matanda saka itinuro ang mga pagkaing nakahain sa mahabang mesa.

"Opo sir" tango nito "Si Sir Thomas po, pinakain ko na po kanina kaso mukhang hindi pa po gutom iyon" saad nito saka tinitigan siya

Naiilang naman siyang tumawa sa uri ng titig nito wari ba'y pinag-aaralan siya "Bakit po manang, may dumi po ba ako sa mukha?"

"Wala naman po sir, pansin ko lang po, mukhang nangangayayat po kayo, ilang linggo lang po kaming nawala rito sa mansyon mukhang nabawasan kaagad ang timbang niyo po"

"Ahh wala po ito manang, stress lang po sa trabaho" mahinahong sagot niya

"Ho? Trabaho? Pinapatrabaho po kayo ni sir Thomas? Pinapahirapan po va kayo ni Sir dito Sir Charles habang wala kami dito?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ng matanda habang may pag-aalalang tinitigan ang kabuuan niya

Iniling niya ang ulo "Naku po, hindi po ganoon manang, ang trabahl po na itinutukoy ko ay sa kompanya po ng mga magulang ko, ibinilin po kasi ng mga magulang ko na paminsan minsan ay titingnan ko ho dapat ang kompanya dito sa bansa dahil abala sila ngayon sa Germany sa iba pa po naming firm, iyon po iyon, kaso may problema lang po ng kaunti" pagpapaliwanag niya, ayaw naman niyang maiba ang pagkakaintindi ng kasamgbahay sa kaniya at baka kung ano ano pa ang maireport nito sa Don, tiyak gulo nanaman ang dadalhin niyon sa pagitan nila ni Thomas.

"Ganoon ho ba" ani ng matanda saka tumango tango. Pakiwari man niyang hindi lubusang naniniwala sa kaniya ang matandang kasambahay pero hinayaan niya na lamang.

"Magpahinga po muna kayo manang, tiyak pagod po kayo mula sa biyahe"

"Ahh sige po sir, kumain na rin po kayo diyan ng marami" nagpaalam sa kaniya ang matandang kasambahay na siyang tinanguan niya na lamang, nang tuluyan itong nakaalis ng kusina saka niya nilantakan ang mga pagkaing nakahain sa mesa.

The "SHE" GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon