CHAPTER SIX

238 12 2
                                        


NAGMULAT ng mata si Thomas, sapo sapo niya ang kaniyang noo dahil sa pagsigid ng kirot roon. Fvck hangover.

Inilibot niya ang paningin sa kaniyang silid at halos mawalan siya ng ulirat ng napansing hindi niya silid ang kinaroroonan.

He was in Yna's room. Pinilit niya ang sarili na bumangon mula sa kama. Hindi niya alam kung paano siya napadpad sa silid na iyon. Lumabas siya sa silid ng kaniyang kapatid at tinungo ang kwarto niya.

Pagpasok niya sa loob, nag-igting ang kaniyang panga ng nakitang mahimbing na natutulog si Charles sa kama niya.

Walang sinuman ang nakakapasok sa silid niya maliban sa kaniya kaya siya naiirita ngayon. Hindi nga niya pinapalinis sa mga maids ang kwarto.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng lalaki at gamit ang kanyang kaliwang paa, tinabig niya ito ng marahan upang gisingin "Hey! Wake up!"

Nakakunot ang noong nagmulat ng mata si Charles at gumawi ang tingin nito kay Thomas na nasa gilid ng kama "Bakit hindi mo ako gisingin ng maayos, putcha, sa lahat pa ng gamitin mong panggising sakin, iyan pang marumi mong paa" bakas ang pagkairita sa boses nito habang kinukusot ang mata.

"Bakit ka natulog sa kama ko?"

"Hoy pvtanginang damuho! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako napunta dito, kung hindi ka lang naglasing at pumasok ng basta basta sa kwarto ko edi sana nandoon ako natulog sa kwarto namin ni Yna, kaya huwag na huwag mo akong sisisihin, putangina nito" he doesn't know this side of Charles, ganito pala mairita ang lalaki kapag nagigising ng alanganin, nagiging madaldal at nagmumura.

"I wasn't blaming you, I was just asking" aminado naman siya na kasalanan niya ang nangyari. "Again, nagtatanong lang, bakit dito ka natulog sa kwarto ko kung may guestroom namang available?"

"Aba't hindi lang ikaw ang marunong mang-agaw ng kwarto, kaya ko rin noh" unbelievable pero nakikita ni Thomas si Charles bilang isip-bata buy she found him cute as well ng mga oras na iyon.

"Okay, we'll call it fair now" saad niya saka tinungo ang banyo ng kaniyang silid "umalis ka na dito, huwag mo nang ayusin iyang pinaghihigaan mo, ako na ang bahala diyan" wala siya sa mood na makipagtalo sa lalaki lalo na ngayong parang may pumipitik na kung anong ugat sa utak niya.

Hindi na niya hinintay na sumagot si Charles, pumasok na siya ng banyo upang maligo, kailangang mahimasmasan siya sa pagkakalango.

Nang matapos siyang maligo, nagtapis lamang siya ng tuwalya sa pang-ibabang parte ng kaniyang katawan saka lumabas.

Wala na roon si Charles at gaya nga ng sinabi niya, iniwan nga nitong hindi naaayos ang pinaghihigaan nito.

Nagbihis siya ng pambahay at nagsimulang ayusin ang kaniyang kama at nang natapos ay umupo siya sa king size bed at kinuha ang isang unan upang sana ay palitan ang pillow case ngunit nang mailapit niya ito sa sarili, naaamoy niya ang nakakahalinang bango mula rito. A strawberry scent?

Sininghot pang muli ni Thomas ang kaniyang unan at para siyang naaadik sa bango nito. Thomas saw Charles using that pillow earlier ngunit nakakapagtakang gumagamit rin pala ng pambabaeng pabango si Charles.

Nagtagal ng ilang minuto ang pangsinghot ni Thomas sa unan na iyon bago nagpasyang bumaba sa kusina.

Thomas saw Charles drinking a coffee habang nakasandal sa Island counter. Thomas got so curious if Charles owns that addictive strawberry scent on his pillow.

Wala siyang naalalang ibang taong humiga at nakapasok sa kwarto niya. Ito lang. At mas lalong hindi ganoon ang bango ng  pabango niya.

Lumapit si Thomas kay Charles at inabot ang coffee maker na nasa likuran nito. Naglapit ang kanilang katawan sa ginawa ni Thomas.

The "SHE" GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon