VEATRICE is pissed to hell. Kanina pa naglalampungan ang dalawa sa harapan niya.
"Come on baby Tammy, just let me subo subo you the rice" pabebeng saad ni Teresse sa lalaki.
"Teresse busog na ako, kumain ka rin diyan, hindi ka mabubusog kung ako lagi ang aatupagin mo" nakangiting saad ni Thomas dito.
Veatrice nearly rolled her eyes. Alam naman niyang siya ang nag-utos kay Teresse na magpanggap na ito ang babaeng kasama ni Thomas noong nalasing ito pero hindi niya naiintindihan ang sarili kung bakit inis na inis siya sa nkikita niya sa harapan. Well, she know she's not hella jealous, walang kaselos selos sa nangyayari, bakit naman siya magseselos, e ginusto niya ang ginawa.
Naiinis lang siya because anlalandi ng mga taong nasa harapan niya. She can't eat well dahil ang ingay ng dalawa.
"I'm busog naman baby Tammy e, ang cute mo lang kasing ngumuya kaya gusto kong lagi kang sinusubuan"
Hindi niya alam na sa tinagal-tagal niyang nakasama si Teresse sa mansyon nila, ngayon lang siya nainis sa ugaling pabebe nito. Nagsisimula na rin siyang mairita sa matinis nitong boses.
Hindi niya matiis na manatili doon baka ano pa ang masabi niya sa dalawang naglalampungan. Kahit hindi pa natatapos ang pagkain niya tumayo siya at iniwan ang pagkain na nasa mesa. Nawalan siya bigla ng gana.
"Oh? Aalis ka na?" Thomas asked her.
Matipid siyang tumango saka hindi na hinintay na magsalita itong muli, dire-diretso siyang lumabas ng dining area.
She get the keys of her buggati from the center table at lumabas ng mansyon.
Nang makapasok siya sa sariling kotse saka na niya pinakawalan ang hiningang kanina pa niya pinipigilan.
She's pissed and she doesn't know why. Hindi naman siya ganito noon. Noon nakakaya naman niyang tiisin ang pagkaburyo tuwing nagiging thirdwheel siya sa mga kaibigan niya kapag sinasama nito ang mga nobyo, she even saw her friends make out sa mga boyfriends ng mga ito tuwing may hang outs sila sa bar.
And she was so confuse kung bakit parang lumalabas na sa ribcage niya ang kaniyang puso dahil sa inis sa dalawang naglalampungan sa loob ng mansyon. Siguro marami lang talaga siyang iniisip at problema ngayon.
Humilig siya sa upuan ng kaniyang kotse at pumikit. She needs to chill out. She's so stressed out nitong nagdaang linggo.
Suddenly her phone rang from her pocket. Kaagad niyang dinukot mula sa bulsa ang cellphone niya and nang makita ang caller's ID, she instantly answered the call. It was her mother.
"My Gosh mom! Bakit ngayon lang kayo tumawag, I was damn so worried, ilang ulit ko kayong tinawagan pero hindi niyo man lang sinagot! sobrang nag-aalala na ako sa inyo dito! Nasaan ngayon si Kuya?! Kumusta na siya?! Is he well?! Nagising na ba siya?! Damn!" sa sobra sobrang frustration na nararamdanan sa mga nangyayari hindi niya mapigilang magtaas ng boses, she's so stress out about her feelings, family, business at parang nababaliw na siya kaiisip.
"Vea" her mom's voice was soft and it made her calm a little bit "Sorry anak at hindi kita natawagan, naging abala kami ng dad mo dito, your kuya is not yet fine, ang sabi ng doktor your kuya has been suffering from post-sternotomy pain syndrome, it occurs mostly sa mga patients that went through heart surgery, under observation pa ang kuya mo Vea, ayaw lang naming mag-alala ka, naging abala rin kami ng daddy mo sa law firm natin dito, may kaunting complications lang na naayos naman na, I'm so sorry anak, if we failed to inform you, sorry kasi napag-alala ka namin riyan"
"Mom, I understand, sorry rin at nasigawan ko kayo kanina, I was just so frustrated, hindi ko na alam kung ano ang iisipin gayung hindi niyo sinasagot ang mga tawag ko, I thought something bad happen kaya naging ganun ang reaksyon ko kanina" saka siya bumuntong hininga para mailabas ang natitirang frustrasyong nararamdaman "Just please don't do that again mom, kahit ano pa yan, keep me updated"

BINABASA MO ANG
The "SHE" Groom
Ficción GeneralAll that Veatrice ever wanted was to get wed to a man she truly loves in a grandiose church wearing her own designed dream wedding gown. She imagined herself walking in that long aisle towards her groom while tears of joy keeps falling from her eyes...