SA tinagal-tagal na pamumuhay ni Veatrice sa mundo, dalawa lang ang kinatatakutan niyang mangyari. Una, ang magkasakit ang sinuman sa minamahal niya sa buhay, she experienced enough, nasaksihan niya ng paulit-ulit na pinapahirapan ng sakit na cancer ang ilang miyembro ng kaniyang pamilya. She doesn't want to witness it again, pero ito nanaman, ang minanahal niyang kambal ang nagdudusa.Pangalawa sa kinatatakutan niya ay ang iwan siya ng mga taong malalapit sa kaniyang puso. And she can't stop herself from worrying too much. Alam niyang pinapagaan lamang ng kaniyang ina ang kaniyang loob. Her mother isn't telling everything.
Kung ano-ano nang senaryo ang pumapasok sa kaniyang utak, she can't sleep. Kung pwede lang, lumipad patungong Germany kanina niya pa ginawa. She wanted to make sure that her twin brother is totally fine.
Sa sobrang pag-iisip, ay hindi niya namalayang nag-uunahan na palang tumulo ang kaniyang luha. Unti-unti na ring kumawala sa kaniyang mga labi ang mga mumunting hikbi. She's exhausted, damn exhausted to everything.
"Are you okay?" kaagad niyang pinunasan ang mga luha saka nilingon ang taong nasa kaniyang likuran.
Nasa hardin siya ng mansyon. After she received her mother's message kaagad siyang dumiretso doon upang magpahangin at upang makahinga, pero mukhang hindi pa rin pala siya makakahinga dahil nandoon na rin si Thomas.
"What are you doing here?" walang emosyong aniya
"This is our mansion, so that's explains why" saad ng binata saka marahang tumawa "Just kidding, I was passing by till I saw you crying here" halos mapamura siya sa kaniyang isip sa kaalamang nakita pala siya ng lalaki sa ganoong kondisyon.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya mapigilang lingunin si Thomas.
Nang lingunin naman niya ito, nakita niya itong nakatitig lamang sa kaniya. Bumilis bigla ang pintig ng kaniyang puso wari ay nagwawala ito sa kaniyang kaloob-looban.
Sa oras na iyon, alam na niya na hindi malalagay sa katahimikan ang kaniyang sarili kapag nandoon si Thomas.
Nakakatawa ngunit sa tingin niya ay gusto niya na ang lalaki, hindi sa ugali dahil hindi niya kailanman gusto ang ugaling pilosopo at pagkamasungit at hindi mawawala ang kinamumuhian niyang pagkamanyakis ng lalaki, kaya nakakapagtakang kahit na ganoon nagkaroon ng epekto sa kaniya ang binata.
Siguro ay nabighani siya nito sa kasikigan ng pangangatawan at napaka-gwapong mukha.
One thing is for sure, hangga't maaga pa at hindi pa lumalala ang kabaliwan niyang ito, pipigilan niya ang umuusbong emosyon para sa binata. She can't let her heart win over her mind dahil alam niya, she knows to well na kapag tapos na ang mga oras niya sa loob ng mansyon ng mga Scott, siya ang talo, siya ang dehado.
Siya lang ang masasaktan!
"It was nothing, pina-practice ko kasing hindi pinipikit ang mata ko kahit malakas ang hangin, kung kaya ko ba" that was the most lame reason she told someone in her entire life. Wala siyang pakialam kung papaniwalaan ba siya ng lalaki o hindi.
"Here" inabutan siya ni Thomas ng isang malamig na canned beer na siyang kinuha naman niya. She opened it at ininuman kaagad.
The guy beside her sip on his canned beer also.
Natahimik silang dalawa. Nakatingala lamang siya sa mga nagkikislapang mga bituin sa langit saka napabuntong-hininga.
Panaka-nakang ininuman ang beer na nasa kaniyang kamay.
"Alam kong hindi tayo malapit sa isa't isa, I know hindi maganda ang unang pagkikita natin. Still, I wanna tell you, that I already forget those not so good encounters we had" malumanay na anito "If you are in pain, you can share it with me, I promise I'll keep it"
BINABASA MO ANG
The "SHE" Groom
General FictionAll that Veatrice ever wanted was to get wed to a man she truly loves in a grandiose church wearing her own designed dream wedding gown. She imagined herself walking in that long aisle towards her groom while tears of joy keeps falling from her eyes...