Prologue

404 3 0
                                    

"Dugo nasan ka na ba?". Tawag ng isang batang babae sa kalaro nya.

Kanina nya pa ito hinahanap. Nag lalaro kasi sila ng tagu-taguan at hanggang ngayon ay hindi nya pa din ito mahanap.

Summer Vacation ngayon at nasa bahay bakasyunan sila. Lagi silang magkasama at naglalaro tuwing bakasyon katulad nalang ngayon.


"Huli ka".narinig ng batang babae na may nag salita kaya agad nya itong pinuntahan at nakita nya ang kalaro nyang lalaki na may hawak na paru-paro.


Tuwang tuwa naman ang batang lalaki dahil sa wakas ay nahuli nya na din ang paru-paro.


Di naman nag dalawang isip na lumapit dito ang batang babae.


"Dugo patingin ako".nakangiti nitong sabi sa batang lalaki.


"Sige".sabay bukas unti-unti ang mga palad ng batang lalaki at nakita nila ang isang dilaw na paru-paro.


Lumipad agad ito. Tuwang tuwa naman ang dalawang bata na pag masdan ito habang umiihip ang masarap na simoy ng hangin ng hapon na iyon. Malapit na ding lumubog ang araw.

Pinagmasdan nila itong lumipad.

Ang lugar nila ay napapaligiran ng mga maliliit na damo at iba't ibang uri ng magagandang bulaklak. May mga puno din.

Tiningnan ng batang lalaki ang batang babae na ngayon ay nakatingin parin sa malayo habang nakangiti. Natutuwa syang pag-masdan ito habang mabilis naman na tumitibok ang kanyang puso. Napangiti sya.

"Nahanap mo ako".di nya namalayan na nasabi nya ito.

Lumingon sa kanya ang batang babae.

"Huh?".

"A-ah w-wala".sabi nya na paiwas sya agad ng tingin dito sabay himas sa batok.

Ngumiti lang ang batang babae. Di naman iyon nakalagpas sa paningin ng batang lalaki kaya napangiti na din sya.

Tiningnan ng batang lalaki ang babae sabay sabing...

"A-Alysha?".batang lalaki

"Bakit?".

"Pangako po-protektahan kita".

Ngumiti lang ang batang babae sabay abot ng maliit na daliri.

"Pangako?".

"Pangako".

At kasabay noon ang pag lubog ng araw.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon