Chapter 23

31 1 0
                                    

Damon P.O.V

Lahat sila ay unti-unting lumingon saakin. Ako naman ay naka- smirk lang. Nakita ko ang lahat ng nangyari. Simula sa pag prepare nila sa gagawin nila hanggang sa pagbuhos nila kina Brent at Vlad.

Lahat sila ay kinakabahan. Masyado kasing halata sa mga mukha nila. Naglakad ako at nilagpasan ko sila Vlad at nilapitan sila Lea na ngayon ay nanginginig na sa takot.

"I-ito s-sya a-ang may gawa".sabi ni Lea sabay tulak sa kasama nya na isang maitim na babae.

"A-anong a-ako? S-sya kaya".sabi naman nito sabay hatak sa isa nyang kasama.

"H-hindi a-ako".at nagturuan na silang lima kung sino ang may kagagawan nito.


"Grabe nahuli na sila".

"Dapat lang iyan sakanila! Masyado silang bully".

"Lagot sila ngayon".

"Kyahh ang cute talaga ni Papa Damon".

Masyado na akong naiirita sakanila. Marami na din ang mga taong nakatingin saamin ngayon at mga nakiki- chismis.


"Tigil".sigaw ko.

Napatahimik ang lahat ng tao. Natakot ata sa sigaw ko. Nilapitan ko naman si Lea na ngayon ay paatras ng paatras at ako naman ay lapit ng lapit sakanya hanggang sa mabunggo na sya sa pader. Napa-smirk naman ako at lumapit pa sakanya.

"Alam ko kung ano ang pinag-gagagawa nyo, nakita ko mismo kanina".sabi ko sabay pakita sa Cellphone ko at i play ang video na kinuha ko kanina.

"Alam nyo bang pwede ko kayong patanggalin dito sa school kahit pa hindi ako ang may-ari ng skwelahan na ito".sabi ko at mapa- smirk ng makita ko na nanglaki bigla ang mata nya. Bigla syang lumuhod sa harapan ko.

"P-please m-maawa ka l-lahat gagawin ko para lang mapatawad mo ako p-please".pagmamakaawa nya. Nagulat ako na ang apat din ay lumuhod sa harapan ko at nagma- makaawa.

"Dapat lang iyan sakanila". narinig kong sabi bigla ni Brent kaya napalingon ako sakanya binatukan naman sya ni Vlad.

"Ou nga sana matanggal na sya dito".sabi naman ng iba pa.

"Pa kick out na yan".

"Sana mawala na sila".

Tiningnan ko naman si Lea na nakaluhod sa harapan ko at umiiyak na.

"Bakit mo ginagawa ito?".tanong ko.

"D-dahil sayo".sabi nya. Napakunot naman ang noo ko.

"At ano naman ang kinalaman ko dito?".sabi ko.

"Matagal na kasi silang may gusto sayo".sigaw ni Brent napalingon ulit ako sakanila at nakita ko na binatukan ulit sya ni Vlad.


"T-tama s-sya. L-lahat ginawa na namin para lang mapansin mo kami pero ang lahat ng iyon ay wala lang para saiyo".sabi nya umiiyak.

"Ou kami ang nagbibigay sayo ng love letter, bulaklak at chocolate and cake na gawa mismo namin at minsan naglalagay ng regalo sa locker mo pero tinatapon mo lang agad iyon at ni di man lang magawang tingnan".sabi ng iba.

Napahinga naman ako ng malalim dahil sa mga bagay na iyon. Sa totoo lang kaya ko nagagawa ang mga bagay na iyon ay dahil para saakin ay awkward dahil nga isa akong babae. Madami talagang nagbibihay saakin, mapa bakla o babae man. Sauna pinapansin ko iyon pero ng tumagal ay nagsawa na ako.

Wala kang pinapansin kahit na sino. Mapababae man o lalaki, lagi kang nag-iisa. Gusto sana naming lumapit saiyo kaso ng minsan magtatangka kaming makipag lapit saiyo ay wala ka man lang reaksyon ni hindi ka man lang nagsalita o tumango lamang kaya ng makita namin na ang dalawang iyan ang malapit saiyo ay di namin napigilan ang magselos sakanila kaya namin nagawa ang mga bagay na ito".sabi ni Lea.

Napansin ko naman na unti-unting nakukuha ang simpatya nila ng mga studyanteng nasa paligid namin dahil ramdam nila kung ano ang nararamdaman nila Lea.

Napahinga naman ako ng malalim. Tsk kaya ayoko ng napapalapit ang mga tao saakin dahil alam ko na masasaktan lang sila ng dahil saakin.

Nagulat silang lahat ng umupo ako sa harap ni Lea at pinunasan ang basa nyang mukha. Nakatitig lang sya saakin. Hinawakan ko ang kamay nya at pinatayo. Ganun din ang ginawa ko sa iba.

"D-damon".bulong ni Lea sapat para marinig ko.

"Wag ka sakin humingi ng tawad kay Vlad at Brent ka humingi ng tawad dahil sakanila ka nagkasala".sabi ko sabay ngiti sakanya.

Nagulat ako ng biglang tumili ang mga babae sa paligid namin.

"Kyahh".

"Ang gwapo ni Prince Damon pag ngumingiti".

"Para na akog nasaa langit".

Sabi nila. Tiningnan ko naman si Vlad na nakasimangot at si Brent naman na ang ganda ng ngiti sa labi. Binalikan ko naman ng tingin si Lea na ngayon ay nakatulala lang.

"Lea".tawag ko sa pangalan nya. Napansin ko naman na bigla syang namula ng sobra. "Humingi ka na ng tawad sakanila at ipangako mo na hindi na ito mauulit dahil sa susunod na may nangyari na naman na ganito ay humanda na kayo saakin".sabi ko at tumango sya.

"Patawad ulit pangako di na ito mauulit".tumango lang ako at sinunod naman nya ang sinabi ko.

Sumunod din ang apat. Yumuko sila sa harapan nila Brent at Vlad at saka sila humingi ng tawad. Pinatawad naman sila ni Vlad. Tiningnan naman namin si Brent.

"Ano? Ayoko nga! Matapos ang hell week na ginawa nyo saakin tapos ngayon ay hihingi lang kayo ng tawad? Ano kayo chicks".sabi ni Brent. Napailing nalang ako.

"Bahala na kayo Brent sakanilang lima tutal naman sainyo sila may atraso".sabi ko na ikinaluwag ng ngiti ni Brent at ikinagulat nila Lea.

"Ang sinuman ang gagalaw sa kanilang dalawa ay maghaharap tayong lahat sa Battle Field".sigaw ko sakanilang lahat at saka umalis na doon.

Ngayon ko lang naalala na may gagawin pa pala ako.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon