Chapter 10

77 0 0
                                    

Vladimir P.O.V

"Hindi pa ba tayo tapos?".tanong ko kay Damon.

Kanina pa kami nandito sa library nag-aaral. Sa totoo lang kanina pa ako tinatamad mag-aral. Hindi naman kasi halata pero alam ko na ang mga tinuturo nya. Kung tatanungin nyo naman ako kung bakit mababa ang marka ko ay dahil sa ugali ko na laging napapagalitan at napag-iinitan ng mga teacher ko noon.

Bigla nya naman inilapag sa harapan namin ni Brent ang madami at makakapal na libro. Kami nalang tatlo ang tao dito sa library. At sa totoo lang kanina pa ako nababagot.

"Ayan kailangan nyong pag-aralan iyan".sabi nya.

"Seryoso ka?".tanong ni Brent na napangiwi dahil sa dami ng libro na nasa harapan nya.

"Ou naman. It's all about Martial arts. Kailangan nyong matutunan ang lahat ng klase ng self defense dahil kailangan yan. Isa sa requirements ng school para maka- graduate kayo ay ang ma-master nyo ang lahat ng iyan".sabi nya.

"Hay! Bakit? pwede namang makipag suntukan nalang tayo, bakit kailangan pang matutunan ang lahat ng ito".tanong ko.

"Dahil lang naman po ang pinasukan nyong school ay school na kung saan itinuturo kung paano makipag-laban at ipagtanggol ang sarili sa lahat ng gustong makapanakit sainyo".mahaba nyang sabi.

"Sabagay may point din naman ang school na ito, halos lahat ng mga studyante dito ay hindi lang basta-bastang mga anak mayaman, sila din ang mga susunod na tagapag mana". Brent.

Naalala ko naman ang dahilan kung bakit ako nandito.

Nandito ako para protektahan ang aking prinsesa.

Napatingin ako kay Damon na abala ngayon sa pagtingin sa mga libro. Napansin naman nya na nakatingin ako sakanya kaya napatingin sya sakin. Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Nadinig ko naman na nagbuntong hinga sya.

"Bukas may laban kayong dalawa".sabi nya.

Napakunot ang noo ko.

"Laban? Para saan?".tanong ni Brent.

"Iyon ay isang tradition para sa mga tranferee. Kailangan nyong makipag-laban para mapatunayan na karapat-dapat kayo sa skwelahan na ito. Wag kayong mag-alala pwede namang matalo umpisa pa lang naman yan pero dapat sa susunod na pakikipag-laban nyo ay kailangan nyo ng manalo dahil pagnaka-tatlo kayong sunod-sunod na talo ay pwede kayong na kayong i kick out dito sa school".Damon.

"Aba mukhang masaya yan parang gusto ko na tuloy mag bukas". Tuwang tuwa na sabi ni Brent.

Napailing nalang ako. Mahilig kasi yan makipag-away, ako lang ang nakakapag-awat dyan dahil walang nakaka-awat sakanya bukod sakin dahil na din siguro sa sobra syang nakakatakot na halos konti nalang ay makakapatay na sya ng tao.

"Ahm guy's ire- remind ko lang sainyo hah! Kanya-kanyang specialty ang mga students dito meaning may kanya-kanya silang weapon na pwedeng gamitin laban sainyo".Damon.

"What the? Bakit ganito ang skwelahan na ito? Parang itinuturo nila sa mga studyante kung paano ang pumatay ng tao".hindi ko na mapigilan ang sumigaw ng malaman ko iyon.

Paano naatim ng mga magulang ang mga anak nila na ipasok sa ganitong lugar?. Kanya-kanya ng weapon? Ibig sabihin kahit may hawak ang isang studyante ng kutsilyo o barill dito ay ok lang? At higit sa lahat bakit kailangang pumasok dito ni Damon school na ito?.

Dahil may gustong pumatay sakanya?

Sagot ng isang bahagi ng utak ko.

"Cool".sinamaan ko ng tingin ang pasaway na si Brent.

"Hindi naman sa ganun iyon. Syempre may mga limitations ang mga studyante dito, kung gusto mo malaman ang lahat lahat tungkol sa Danville school ay basahin mo ang student hand book lahat ng tanong mo nandoon ang sagot".mahinahon pero seryosong sabi ni Damon.

"Sorry".hingi ko ng paumanhin dahil sa pag sigaw ko.

"Ok lang".sabi nya na nakatingin pa din sakin.

Nagkatitigan muna kami saglit bago sya umiwas na ng tingin.

Ngayon kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang meron sa mundo ng taong mahal ko para maintindihan ko kung ano ang pinag-dadaanan nya at para malaman kung paano ko sya po- protektahan.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon