Chapter 22

33 1 0
                                    

Damon P.O.V


"Oh? Bakit puro putik yung uniform nyo kanina? San kayo nagtampisaw?".tanong ko sa dalawang ito.

Napapanisin ko lang mga nasa isang linggo na din, tuwing wala ako sa tabi nila ay may kung ano- anong kabulastugan ang nagyayari dito sa dalawa.

Minsan nakita ko silang basa, minsan punit ang damit nila, nung isang araw naman ay nakita ko ang magulo nilang gamit at kahapon ay naliligo sila ng pintura, ngayon nga puro putik ang damit nila.

"Dyan lang sa tabi tabi gusto mo bang sumama?".sabi saakin ni Vlad. Napansin ko naman na sumama ang tingin ni Brent kay Vlad.

"Sabihin mo na kasi".bulong pa nito kay Vlad pero siniko lang sya. Di iyon nakaligtas saakin.

"Ano ang dapat kong malaman?".tanong ko.

Nandito kasi kami ngayon sa kwarto nila. Nakita ko silang pumunta sa kwarto nila kanina na putikan na. Nasa kwarto kasi ako at saktong paglabas ko ay ang dating ng dalawa kaya iyon nakita ko. Nakapag- bihis na sila ngayon at si Vlad ay nakaupo sa kama nya katabi si Brent. Ako naman naka tayo sa harapan nila at nakapamaywang pa.

"Wala iyon".sabi ni Vlad.

"Anong wala? Wala ba iyan? Aba grabe naman kayo magmahalang dalawa nyan".sabi ko.

"Bakit inggit ka kung ganito kami mag mahalan ni Vlad, diba baby".sabi ni Brent sabay akbay kay Vlad.

"Ou nga baby".at ayan nagbakla baklaan na naman ang dalawa.

"Alam nyo nakakadiri kayo! Tigilan nyo na nga iyan".sabi ko na naiinis na sa dalawang ito. Tumawa lang sila.

"Hay nako kung ano man yang itinatago nyo ay malalaman at malalaman ko din yan, makalabas na nga muna".sabi ko sabay labas sa kwarto nila at dumiretso sa kwarto ko.

Naiinis ako! Hindi pwedeng hindi ko malaman kung ano ang nangyayari sa dalawang iyon. Kailangan kong malaman.

Umupo nalang ako sa kama at binuksan itong laptop ko. Agad akong pumunta sa website ng Danville school. Dito ko kasi nasasagap ang lahat ng mga bagong balita tungkol sa mga nagaganap dito sa school.

Agad naagaw ang pansin ko ang isang larawan ng dalawang lalaking nabuhusan ng putik sa may C.R ng mga lalaki at ang lahat ng mga studyante na naroon ay nagtatawanan. Agad na nag-init ang ulo ko. Ang dalawang lalaki kasi na iyon ay walang iba kung hindi sila Vlad at Brent.

Nakakaasar bakit ngayon ko lang napansin na binu-bully sila. At sino ang nasa likod nito.

Ngayon ko lang ito pinagtuunan ng pansin. Ngayon lang kasi ako nakakuha ng libreng oras dahil masyadong busy sa Black Red White Company. Sinabayan pa ng problema namin sa Main office.


Binasa ko pa ang article about sa larawan at binasa ko din ang mga comments ng mga nakabasa at nakakita. Ang likes ay umabot sa 1k plus at 500 plus comments.

Comments

Alam nyo dapat lang yan sakanila.

Tama! Kay bago bago palang nila dito sa school pero makalapit kay Prince Damon ay grabe.

Eww gross.

Sayang gwapo pa naman sana sila.

Maraming gwapo at magaganda dito pero iba si Prince Damon kyahhh.

Madami pa akong comments na nabasa. Mapa-positive man at madaming negative. Ini- scroll down ko at nabasa ko ang ilang comments.

Ang alam ko sila Lea Salvador ang may kagagawan nyan.

Ou nga sila ang may kagagawan ang 5 Bitches Queens.

Grabe nakakatakot talaga sila.

Ang 5 Bitches Queen ay ang mga grupo ng kababaihan na sa pagkaka-alam ko ay kung sino ang nagiging biktima nila ay kusang umaalis sa school dahil sa pangbu- bully nila. Sa pagkakaalam ko ay halos lahat ng nagiging biktima ay mga babae at mga bakla.

Si Lea Salvador ang Campus Princess ng school namin, si Princess kasi ang Campus Queen at ako naman ay ang Campus King (appointed lang dahil sa sobrang dami ng Fans). Silang dalawa ang magkaribal diko lang sure kung bakit pero mukhang may idea na ako.

So sila Lea pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon? Ayos ah!

*smirk*

___________

Vladimir P.O.V


"Aba naman lintek talaga bakit di pa natin kasi patulan ang mga babaeng iyon?".iritang sabi ni Brent.

Ngayon ay naglalakad kami papuntang classroom. Nauna na saamin si Damon. Masyado syang busy nitong mga nakaraang araw. Haist kahit man ako ay gusto ko na ding patulan ang mga babaeng iyon dahil sa pangbu- bully nila saamin pero may isang bagay ang nakakapagpapigil saakin.

"Wag ka ngang makulit".sabi ko. Sa totoo lang malapit na din maubos ang pasensya ko.

"Hay! Sana pala sumabay na ako kay Damon kanina". Brent.

"Hay nababakla ka na naman".sabi ko.

"Palibhasa kasi masyado mong pinaninindigan yun".sabi nya. Napailing nalang ako. Naglakad lang kami at saktong pagliko namin ni Brent ay may biglang bumuhos ulit saamin na tubig na madumi.

Nagtawanan lang ang mga babaeng nasa harapan namin.


"So ganito pala ninyo ginagawa ito".lahat kami ay biglang natigilan ng biglang magsalita sa likod namin ang napaka- pamilyar na boses.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon