Chapter 16

51 1 0
                                    

Damon P.O.V

Alam ko na ang magiging resulta ng laban kaya umalis na muna ako para bumili ng maiinom nila. Habang naglalakad ako sa hallway ay nabubulungan ang mga studyante na parang mga kinikilig.

Kyahh

Ang gwapo talaga ni Damon.

Ang ganda ng mahaba nyang buhok sa gilid.

Sana pansinin nya tayo.

Ang astig talaga nya.

Kelan kaya ulit natin sya makitang lumaban?

Sana wag syang mapahamak.

Lumiko na ako sa isang pasilyo ng may mabunggo akong isang babae. Buti nalang maagap ako at hinawakan ko sya sa bewang bago sya tuluyang matumba. Nakatitigan kaming dalawa.

Girl sino yang bruhang yan?

Aba malay ko pero masyado syang epal.

Sino sya para banggain ang prince natin?

Humanda sya.

Kumurap ako saka ko sya tinulungang tumayo.

"Ayos ka lang ba?".tanong ko. Syempre ako si Damon kaya nakapang-boses lalaki ako. Hindi na sya mahirap dahil sanay na ako simula bata.

"A-ayos l-lang ako".sabi nya saka umiwas ng tingin.

"Sige mag-iingat ka".sabi ko na maglalakad na sana ng bigla syang magsalita.

"Ikaw ang dapat mag-ingat Damon Crown".napahinto ako at tiningnan sya pero nakatalikod na sya sakin.

Hindi ko alam pero kinutuban ako sa sinabi nya. Kinabahan akong bigla. At isa pa...

Sino sya?

Hinayaan ko nalang at saka mabilis na naglakad papuntang canteen. Nakabili na ako ng maiinom nila Vlad ng makita ko si Brent kasama si Lucas nilapitan ko sila.

"Oh pare nandito ka pala".bati sakin ni Lucas tinanguan ko lang sya at humarap kay Brent.

"Oh tubig para saiyo nasaan si Vlad?".tanong ko sabay abot sakanya ng tubig.

"Salamat. Si Vlad? Kasama si Princess may pag-uusapan yata".sabi nya.

"Sige hahanapin ko nalang sila".sabi ko saka lumakad na.

Ang Red battle field ay malapit lang sa Dormitory kaya dito na ako sa canteen nila bumili.

Siguro dadaan nalang ako sa boy's dormitory. At ano kaya ang pag-uusapan nila Princess?. Ano ang kailangan ng babaeng iyon kay Vlad.

Naglakad lang ako ng may narinig akong nag-uusap kaya nilapitan ko sila. Nagulat ako ng makita ko si Princess na sobrang lapit ng mukha kay Vlad.

"Anong ginagawa nyong dalawa?".tanong ko sakanila.

Bigla namang lumingon sakin si Princess sabay layo kay Vlad. Si Vlad naman parang robot na lumingon sakin. Napataas ako ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito Princess? Boy's dormitory ito, hindi allowed ang sinumang babae dito".sabi ko.

"May tinanong lang ako kay Vlad at isa pa baka nakakalimutan mo na saamin ang school na ito kaya pwede ako pumunta kahit saan".sabi nya.

"Wala akong paki-alam kahit saan ka mag punta".sabi ko saka ko nilingon si Vlad. "Tara sumama ka saakin at may gagawin pa tayo".sabi ko saka nauna ng maglakad sakanya.

"Sige mauna na ako saiyo Princess". Narinig kong paalam ni Vlad kay Princess.

"Sige ingat ka".naininis na talaga ako kaya nilingon ko si Vlad.

"Ano pang ginagawa mo dyan?".

"Ito na nga".sabi nya na naglalakd na papalapit saakin. "Sige".pero lumingon pa sya kay Princess para sabihin iyon.

------

"Saan ba talaga tayo pupunta hah Damon? Kanina pa tayo naglalakad dito ah! Di ka man lang magsalita dyan buti pa si Princess". Pagkasabi nyang iyon ay huminto ako sa paglalakad at saka sya hinarap nilapit ko ang mukha ko sakanya. Mas matangkad sya sakin kaya tumingkayad pa ako.

"Sabihin mo nga may gusto ka ba kay Princess".tanong ko sakanya. Umiwas naman sya ng tingin sakin mas lalo akong nainis.

"Wala".simple nyang sagot. Lumayo naman ako sakanya.

"Hmm sabagay mayaman, matalino at higit salahat maganda sya".sabi ko pero ng sinabi ko ang mga iyon ay parang kumirot ang dibdib ko.

"Ou nga maganda, matalino at higit sa lahat mabait sya di tulad ng iba dyan".sabi nya ng nakangiti kaya mas lalo akong nainis.

"Edi kung ganun mag sama kayong dalawa".sabi ko sabay walk out.

Hmp! Akala nya naman kung sino syang gwapo edi magsama silang dalawa! pakialam ko naman sakanila.

Naglakad ako ng mabilis at siniguradong hindi nya ako masusundan kaya nakarating ako sa mini forest. Habang naglalakad ako ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin at may nararamdaman akong malakas na presensya. Kinikilabutan din ako.

"Hello Damon mukhang naliligaw ka yata ngayon".napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang mala demonyo nyang ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?".tanong ko.

"Ikaw ang kailangan ko".at nabigla ako ng may humampas sa ulo ko napaluhod ako.

Sh*t ang sakit

"Kailangan mong sumama samin sa ayaw at sa gusto mo".sabi nya saka sya humalaklak.

Sh*t isa ka sa mga traydor... Mr. Will.

Diko na kaya nahihilo na ako at pagkatapos ay dumidilim na ang paningin ko.

"Malapit ka ng mawala sa mundo Damon".iyon na ang huli kong narinig bago ako nakatulog.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon