Chapter 19

40 1 0
                                    

Vladimir P.O.V


Nandito na kami ngayon sa Crown Mansyon kung saan kami dinala ni Crisha. 4 days na ang nakakalipas simula ng mangyari ang pangingidnap kay Damon pero hanggang ngayon ay diko pa din lubusang maisip kung paano nangyari ang mga naganap na laban sa pagitan namin ni Mr. Will.


FLASHBACK

"Damon".sigaw ko pagkabukas ko ng pintuan at tumumbad saakin ang walang malay na si Damon habang sya ay nakagapos sa upuan at duguan.

"Mr. Will".sabi ni Princess na kasama ko ngayon.

Napalingon saamin si Mr. Will na may hawak hawak na kutsilyo sa magkabilang kamay at yung isa ay may dugo pang umaagos. Nagdilim bigla ang mga mata ko.

Sinugod ko kaagad sya ng suntok pero nakailag kaagad sya sabay sipa saakin na natamaan ako sa likod dahilan para matumba ako pero kaagad din akong tumayo at hinarap sya. Sinugod ko sya ulit sya ng suntok and this time natamaan ko na sya sa panga.

"Malakas ka bata".nakangisi nyang sabi habang hinihimas nya ang mukha nya

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Damon".sabi ko tinawanan nya naman ako.

"Talaga lang hah? Sige nga, subukan natin ang lakas mo bata".nakangisi nyang sabi.


Naglaban kaming dalawa. Suntok lang ang ginagawa ko habang sya naman ay gumagamit  ng kutsilyo.

Lagi kong naiilagan ang mga a take nya at lagi ko syang natatamaan ng suntok pero napaka-lakas nya at nagagawa nya pa ding tumayo kahit na duguan na din ang mukha nya. Ng pasugod ako ng suntok ay naka tiyempo sya saka nya ako sinaksak sa tagiliran para mapaluhod ulit ako.

"Haha ano ka na ngayon bata?".sabay halakhak sya ng parang demonyo.

Nagulat ako ng biglang may nagpaputok ng baril at nakita ko nalang na natumba sa harapan ko si Mr. Will na may tama na ng baril sa ulo. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon at nakita ko si Crisha na hingal na hingal at sa kanang kamay nya ay may hawak syang 45 caliber na baril.

"Damon".sigaw ni Princess.

Doon lang ako natauhan at kahit hirap ay nilapitan ko sila at walang sabi sabi ko syang binuhat na parang pangkasal.

END OF FLASHBACK

Nandito kami ngayon ni Brent sa kwarto ni Alysha . Nagulat nga din ako ng malaman ko na  ang tatay ni Alysha ay na ospital at nung isang araw lang sya nakalabas sa Hamps hospital. Ok na din naman na ang sugat ko at bukod saakin at kay Alysha na nasaktan ng araw na iyon ay ligtas naman ang iba.

"Pare umuwi ka muna sa dorm natin aba ilang araw ka ng absent".sabi ni Brent.

"Mas mahalaga si Alysha pare kaysa sa mga academics natin".sabi ko "babawi nalang ako".

"Wow naman pare iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig".sabi nya na may nakakalokong ngiti.

Sabay kaming napalingon sa may pintuan at pumasok sila Princess, Crisha at Lucas.

"Oh? Nandito na pala ang mga karibal mo".sabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

Dito kami isinugod ni Crisha ng araw na iyon. Kung nagtataka kayo kung bakit dito dinala imbes na sa hospital ay dahil na din sa sikreto ni Alysha na bawal mabunyag ng ibang tao at kung nagtataka naman kayo kung bakit madaming alam si Crisha about kay Alysha ay dahil sya na ngayon ang bagong assasin butler ni Alysha. Sya ang pumalit kay Ben ang butler dati ni Alysha na sumugod sakanya sa mansyon at dahilan ng pagkamatay ng mga katulong at iba pang tauhan nila.

Pero satingin ko ay hindi nya din alam na isang babae si Damon dahil ang nag asikaso kay Damon dito ay yung Doktor nila na si Ema Santos na syang nagsabi na dapat bukod sakanilang tatlo ni Brent ay wala na dapat maka-alam sa pagkatao ni Alysha.

"Hanggang ngayon ba ay hindi pa din sya nagigising?".tanong ni Princess. Tumango lang ako, tahimik lang si Crisha.

"Ah guy's".sabi ni Brent na nakatingin ngayon kay Damon. Napalapit tuloy kami sakanya at nakita ko na nagigising na si Damon. Bigla akong lumapit at hinawakan ang kamay ni Alysha.

"Damon".sabi ni Princess na nasa tapat ko at hinawakan din ang kamay ni Alysha.

Unti-unti namang iminulat ni Alysha ang mga mata nya. Ilang minuto nya lang kami tiningnan hanggang sa unti-unting nanlaki ang mga mata nya.

"S-sino k-kayo? A-at S-sino ako".tanong nya.

What?

"WHAT?".sigaw nila Brent, Princess, Lucas at Crisha.

Napahinga ng malalim si Brent at Lucas. Si Princess naman parang maiiyak na ewan. Si Crisha naman ay no reaction di pa pala sila magkakilala nito.

"W-wala ka ba talagang natatandaan D-damon?".tanong ko. Tiningnan nya lang ako na parang nagtataka.

"A-ako s-si D-damon?".takang tanong nya.

Di namin namalayan na nakapasok at nakalapit na pala saamin si Ema ang doktor nya.

"Hindi na nakapag-tataka kung bakit sya walang maalala, epekto yan ng pagpalo sakanyang ulo ng malakas".sabi nito napalingon kaming lahat sakanya.

"D-di na ba sya gagaling?".tanong ni Princess na nakahawak pa din ang kamay nya kay Damon.

"Pwedeng ou at pwede ding hindi".sagot nito.

Lahat kami ay napalingon kay Damon ng bigla syang tumawa. Tumawa din bigla si Ema.

Weird.

"Hahaha just kidding guy's".sabi nya na nakangiti pa din at pinipilit na di tumawa.

Bigla namang binitawan ni Princess ang kamay ni Damon saka sya padabog na tumayo.

"Che! Di magandang biro iyon Damon ".sabi nya na naka cross arm.

"Sorry kung nag-alala kayo saakin".

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon