Chapter 33 (The Boss)

43 1 0
                                    

Damon POV




"B-boss".nanginginig sa takot na sabi ng isa sa mga tauhan ko.


Nakayuko ang lahat ng mga tauhan ko saaking harapan habang ako naman ay nakaupo sa upuan at pinagmamasdan sila. Ilan ba ang namatay sa laban? Sampu? Isang daan o higit pa?.


"Hindi ba't sinabi ko na walang papatay sainyo? Ano ang nangyari at sinugod tayo ng mga kalaban natin?".nagtatagis na ang mga bagang ko. Nagtitimpi lang ako ng galit.


Nalaman ko kasi na sinugod kami ng mga kalaban namin at ang ilan ay napatay sa mga tauhan ko at halos lahat ng kalaban ay napatay nila. Aaminin ko, malalakas ang mga tauhan ko at kailangan talaga nilang magpalakas dahil mas malakas sakanila ang mga totoong kalaban namin. Nagkataon lang na isang Gang lang ang lumusob sa kanila kaya madali nila itong natalo, pero kahit na!. Mahigpit ko na ipinagbabawal ang lahat ng mga gawain dati ng pamilya ko lalong lalo na ang pumatay tapos anong nangyari? isang iglap uulit na naman sila sa mga dati nilang trabaho?.


At may isa pa akong kinakatakot na baka mangyari dahil sa nangyaring ito.



"Hindi boss, nalaman lang nila na hindi na tayo pumapatay kaya nila tayo sinugod".may naglakas loob na sumagot.


"At paano naman nila malalaman na hindi na tayo pumatay?".tanong ko sakanila pero walang sumagot.


"Sino sainyo ang traydor?".galit na tanong ko sakanila. Napatayo na ako.


Nakayuko lang sila at hindi sumasagot. Nainis ako.


"Ano wala bang mag-sasalita sainyo? wala bang aamin? o lahat kayo gusto nyo ng mamatay?".sigaw ko sakanilang lahat. Napailing ang ibang mga tauhan ko at nanginginig na sa takot ang ilan.


"A-aalamin n-namin boss kung sino ang traydor at ihaharap namin sainyo".may nag lakas loob na nagsalita. Napangisi ako at humarap sakanya.


"Abay dapat lang na malaman nyo kung sino ang traydor kung gusto nyo pang mabuhay".napangisi ako at humarap sakanilang lahat. "osige bibigyan ko kayo ng 24 oras upang malaman kung sino ang traydor saatin at iharap nyo sya saakin kung hindi nyo magawa ang misyon na ito alam nyo na kung saan kayo pupulutin".sabi ko at umupo na, napaalam naman silang lahat saakin bago sila umalis.



Nandito ako ngayon sa headquarters namin. Nalaman ko kasi na sinugod ang isa sa mga hideouts namin kaya pinapunta ko silang lahat dito. Kung nagtatanong kayo kung bakit?.



Ang Crown Family ay isang Mafia. Nagsimula ito noong 1950's sa Italy. Ang una nilang negosyo o illegal na negosyo ay ang Heroin haggang sa naging shabu, illegal trafficking, prostitution, Illegal gambling, Bottlegging, at iba pa (halos lahat na yata), at hanggang sa lumawak at naging makapangyarihan ang aming pamilya. Isa din ito sa Five Families at kasama din kami sa 1,000 na pinaka mayaman sa buong mundo.



Kung dati kami ang makapangyarihan at nangunguna sa Five Families ngayon ay hindi na. Nagsimula ito noong namuno ang lolo ko at sinundan ni Dad at ngayon ay ako na ang susunod na tagapagmana. Humina na kami, at mas mabuti na iyon. Kung dati ay gumagawa kami ng mga illegal na gawain ngayon ay nagtayo na si lolo ng totoong negosyo o Legal na negosyo dahil gusto nya na mabago na ang kasaysayan ng Crown Family kahit na alam nyang mahirap gawin iyon ay pinilit nya. At ngayon gusto kong maipagpatuloy ang nasimulan ni lolo at ni Dad pero may hadlang.



Matagal ng nananahimik ang Crown Family sa tulong ng na din ng Black Red and White Company ay maayos naman na nagpatuloy ang Legal na negosyo namin at nakalimutan na ng tuluyan na isa talagang Mafia ang pamilya namin. Pero talagang may hadlang sa maayos at maganda na naming pamumuhay, at sa tingin ko ang mismong kapamilya pa namin ang hahadlang sa mapayapang pamumuhay na nararanasan na namin sa ngayon. Pero wala pa akong sapat na ebidennsya laban sakanila at sa ngayon ang mahalaga ay malaman kung sino ang traydor saamin dahil sakanya baka mangyari ang kinatatakutan naming lahat.



Vladimir's POV



"Ano buhay pa ba yan?".lingo ko kay Brent na katatapos lang suntukin ang kalaban nya saka nya ito binitawan.



Malaki din pala talaga ang naitutulong ng mga natututunan namin sa school dito sa pakikipaglaban. Aaminin ko medyo madali lang namin silang natalong lahat.


"tulog na sila pare sisiw lang pala".mayabang na sabi ni Brent.


Napailing lang ako sa sinabi nya.


"Ano tutuloy pa ba tayo o hindi na?".tanong ko sakanya.


"sa susunod nalang pare , hindi naman ako nagmamadali".sabi nya.


"baka naman sa susunod eh dumoble sila?".sabi ko sakanya.


"haiyst naku naman ou nga ano? sige tara na nga".sabi nya at nauna ng maglakad. Napailing nalang ako sakanya.



Naglakad na kaming dalawa. Halos lahat ng lalaki na madadaanan namin ay nakatingin lang saamin ng masama. Lumapit si Brent sa isang lalaki.



"Pwede po bang magtanong?".tanong nya.


"Nagtatanong ka na bata".sagot nito at nagtawanan naman ang mga lalaki sa paligid namin.


"Saan ko po matatagpuan si Emilio Gustin?".tanong nya.


"Ah sya ba? nakikita mo ba iyong pintuan na iyon?".turo ng matanda sa isang pintuan na puro kalawang na bakal.


"opo".


"pumasok kayong dalawa doon at sabihin nyo kung sino ang pakay nyo".tumango lang si Brent.


"Salamat po".sabi ko at luamakad na kaming dalawa.


Pumasok na kaming dalawa sa pintuan at nagulat sa nakita.


WTF


O_O


My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon