Chapter 17

52 1 0
                                    

Vladimir P.O.V

"Sh*t naman wala na bang ibang paraan para ma detect kung bakit nila kinuha si Damon at kung nasaan sila?".tanong ko kay Princess. Nandito kami ngayon sa CCTV room.

Hindi ko kasi agad nahabol si Damon dahil masyado syang mabilis maglakad. Agad na nawala sya sa paningin ko, naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa marinig kong may sumigaw kaya agad akong tumakbo papunta doon at ang nakita ko nalang ang isang itim na kotse sa may di kalayuan sa mini forest at nakita ko ang dalawang lalaki. Yung isa may buhat na katulad sa uniform namin at nakita ko ang mahabang buhok ng binubuhat nung lalaki. Isa lang naman ang lalaki na may ganung kahaba ang buhok at iyon ay si Damon. Agad akong tumakbo papalapit sakanila kaso nakasakay na agad sila sa kotse. Wala na akong magawa kundi ang tandaan ang plate number ng Montero saka ko hinanap sila Brent.

"Pwede ba pare! kumalma ka lang, masyado kang natataranta eh!".sabi ni Brent. Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Tsk ok ok sige sige salamat". tumatango pa na sabi ni Lucas saka nya ibinaba ang cellphone nya.

"Anong sabi?".tanong ko agad.

"Si Mr. Will daw ang may-ari ng sasakyan".sabi nya.

"Sabi ko na nga bat parang pamilyar sya sakin".sabi ko na nag-iisip.

"Pasensya na po pero matagal pa bago maayos itong pagkaka- hack dito sa CCTV".sabi ng nagmo-monitor sa CCTV.  Si Princess namana ay nakatingin ngayon sa may monitor ng kanyang sariling PC.

"Ah ganun ba".me

"Pero pare ano ba ang kailangan ni Mr. Will kay Damon at tinangay nya ito".sabi ni Brent na parang nag-iisip na din.

"Hindi mahalaga sa ngayon kung bakit nya ginawa iyon".sabi ko "mag-focus tayo kung saan nya dinala si Damon". Tumango lang ang lahat.

Knock knock

"Buksan mo Brent". Binuksan naman ni Brent ang pintuan. Pumasok naman ang isang magandang babae na may pagka- chinita.

"Si Damon ba ang hanap nyo?".sabi nya ng naka smirk. Bigla naman kaming lahat napatingin sakanya. "Alam ko kung nasaan sya".sabi nya pa.

Lumapit ako sakanya bigla.

"Nasaan sya?".tanong ko.

"Sumunod kayo sakin".pagkasabi nyang iyon ay tumakbo na kaming lima papuntang parking lot.

Sumakay na kaming lima sa isang Van na itim at ang nag drive si..... sino nga ba sya?.

"Sino ka ba?".mataray na tanong ni Princess na katabi ngayon ni Brent. Ako naman ay katabi nitong si Chinita girl.

"Ako si Crisha May Mendez, 1st year".sagot nya.

"WHAT?".sabay sabay naming sinabi.

"My god bawal ka pang mag-drive pwede tayong hulihin ng mga pulis pag nagkataon". Hysterical na pagkakasabi ni Princess.

"Hay! pwede ba manahimik ka na lang dyan dahil hindi naman makakatulong iyang pag-iingay mo".sabi ni Brent. Napatahimik naman si Princess.

Binilisan naman ni Crisha ang pagda-drive nya sa Van.

Sh*t kasalanan ko kung bakit di ko kaagad sya sinundan. Akala ko nagtatampo lang sya o kaya naman ay nag seselos. Tsk naman!

Ginulo ko ang buhok ko. Napatingin naman silang bigla sakin. Ngumiti lang ako ng pilit saka tumingin sa may bintana.

"Tsk Di ko kakayanin pag tuluyan na syang mawala sakin".bulong ko.

Diko pa naman nasasabi sakanya ang mga bagay na iyon.

Sa kakaisip ko ay mas lalo akong nafu- frustrate. Bigla namang nagsalita si Princess.

"Pagka may nangyaring masama kay Damon, Vlad ikaw ang isusunod kong ililibing ng buhay".banta nya.

"Ou na pwede ba wag mo ng dagdagan pa ang frustration ko".sabi ko.

"Talaga kaw may kasalanan nito kaya humanda ka talaga saakin".sabi nya saka ulit sya sumimangot at nanahimik.

Nanahimik na kaming lahat.

Damon P.O.V

Unti unti akong nagigising. Napansin ko na nakagapos ako sa isang upuan at may sa tingin ko ay saakin nakatapat ang ilaw, base na din sa anino ko.

Arghh sh*t ang sakit ng ulo ko.

"Mabuti naman at nagising kana Damon". Kahit nahihilo ako ay  tiningnan ko pa din kung sino ang nagsalita.

Nakita ko ang isang lalaki na nakangiti na parang demonyo. Napa- smirk ako.

"Mr. Will".

"Mabuti naman at naalala mo pa ako Damon".sabi nya sabay halakhak na parang wala ng bukas.

"S-sayang sa dami ng dugo na umagos kanina dyan sa ulo mo ay di ka pa nagkaroon ng amnesia o kaya naman ay mamatay".sabi nya sabay tawa ulit.

Napa- smirk ulit ako.

"Ang sabihin mo duwag ka lang". sabi ko. Bigla syang patigil sa kakatawa.

"Anong sabi mo".sigaw nya saakin saka tiningnan ako ng masama.

Nagulat ako ng bigla nya akong sinikmuraan ng malakas dahilan para mapaubo ako ng dugo.

"May gana ka pang magsalita ng ganyan, hindi mo ba alam na sa ginagawa mong iyan ay mapapa-aga ang iyong pagkamatay".sabi nya ng nakangisi na parang aso.

"Pwes patayin mo na ako".hamon ko.

"Sorry pero wala iyong thrill".sabi nya sabay lapit sakin at saka sinabunutan ang buhok ko dahilan para mapangiwi ako sa sobrang sakit.

"Alam mo ba na isa akong sadista?".bulong nya sakin. "At papahirapan muna kita bago kita patayin".sabi nya sabay bitaw sa ulo ko at saka tumawa ng tumawa na parang isang demonyo.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon