Chapter 29 (The Battle part 2)

63 2 2
                                    

Damon P.O.V

Dinig ko mula dito sa loob ang ingay sa labas. Kasalukuyan kasing nagsasalita ngayon ng kung anu-ano si Melissa sa labas, hinihintay ko nalang na tawagin ni Melissa ang pangalan namin ni Albert.  Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina ko pa kasi nararamdaman ang malakas at nakakatakot na presensya na iyon. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, hindi sa laban pero sa bagay na iyon.

"please welcome Damon Crown and Albert Mac Elegante". sigaw ni Melissa mula sa labas kaya naman ng marinig ko iyon ay lumabas na ako.

"PRINCE DAMON".yan ang madidig mo mula sa mga manunuod.

"PRINCE ALBERT".may iba iyan naman ang sinisigaw.

Puro yan lang ang maririnig mo. Mga hiyawan at mga tilian ng mga babae ang nangingibabaw. Seryoso lang ako lumapit sakanila at hinarap ko si Albert na nakangiti at kumakaway pa sa mga fans nya, palibhasa artista sya. Maya-maya pa ay humarap na din sya sakin at nginitian ako ng bongga. Tsss plastik.

Samantalang si  Melissa ay halatang nagpapa-cute saakin pero diko lang pinapansin. Dahil siguro nakaramdam na sya ng pagkapahiya ay nag salita na ulit sya gamit ang pink nyang microphone.

"ok alam nyo naman ang mga RULES sa laban hindi ba?".sabi ni Melissa at tumango lang kami ni Albert bilang sagot.

"so wag ng patagalin pa ang laban! sige umpisahan nyo na".sigaw ni Melissa at saka na sya umalis.

Nagtilian na ang mga tao sa paligid ko. Ang mga lalaki naman ay naghihiyawan. Nag smirk naman itong nasa harapan ko.

"Alam mo, hindi ko pa din lubusang maisip kung bakit ikaw ang boss dito eh ni wala ka nga yatang abs".sabi nya sakin.

"Ano naman ang problema mo dun pare?".tanong ko ng naka pocker face pa din. Sya naman ay napangiti, ngiting plastik.

"Wala naman".nagkibit balikat sya.

Nagtitigan muna kaming saglit ng bigla syang ngumiti sakin sabay suntok ng malakas pero nagulat sya ng sinalo ko ng isa ko lang kamay ang suntok nya. Binawi nyang bigla ang kamay nya at saka dumistansya saakin ng konti.

"Mabilis ka".sabi nya.

"Malakas ka".sagot ko sakanya ng syang ikinangiti nya at sabay sipa sakin pero na block ko lang.

Sumusugod sya ng suntok pero naiiwasan ko lang habang ang mga kamay ko ay nakapamulsa lang. Aaminin ko mabilis syang kumilos at pagnag kamali ka at di nakailag ay pwede mong ikamatay ang suntok nya dahil malakas iyon pilit nya ding sinusubukang tamaan ang mga vital parts ng katawan ko lalo na sa mukha ko pero mabilis ko lang iyon naiilagan.

"Damon lumaban ka".

"Albert  talunin mo na sya".

"Ang boring ng laban kung ganyan lang".

Yan ang maririnig mong sigaw nila.

"Anong problema mo Damon bakit di ka lumalaban? Bakla ka ba pare?".nagulat ako sa tanong nyang iyon kaya di ko namalayan at muntikan na akong masuntok sa mukha ko buti nalang at nahawakan ko iyon bago dumapo sa mukha ko. Napa smirk naman sya at saka lumayo ng konti sabay sipa nya sakin na syang di ko nailagan.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon