Chapter 3

126 0 0
                                    

Ang Black, Red and White

Empire ay pagmamay-ari ng Crown Family.

Ang Empire ay nahati pa sa apat. Ang Black, Red and White Empire ang Main at ang may hawak sa lahat. Ang Black Company na sakop ang Telecommunications System. Ang Red Company sa Hotel and Restaurant at ang White Company ay sa Security Agency.

Ang Main Crown Family ang may hawak sa Empire at ang head noon ay ang tatay ko. Ang tatlo ay pinaghati-hati sa tatlo kong tito na mga anak sa labas ng lolo ko.

Alysha P.O.V

Kararating ko lang galing Manila. Nagpunta kasi ako dito sa Baryo Masaya para sa mga documents na kailangan ko.

Nakarating ako ng maaga kaya natulog muna ako at paggising ko ay hapon na.

"Ma'am Alysha naka-handa na po ang iyong meryenda".sabi ni Aling Belen. Ang nanay ni Michelle.

Kamusta na kaya sila?

"Sige po bababa na ako".iyon lang at umalis na sya.

Bumaba na ako para kumain at pagkatapos ay lumabas muna ako ng bahay. Mansion ito para sa iba pero para sakin ay isa lamang itong bahay.

Tiningnan ko ang paligid. Walang nag bago. Maganda pa din sya tulad ng dati. Ang pangunahing hanap-buhay dito ay ang pagsasaka. Maraming gustong pumasok dito na mga Developers pero di ito pinapayagan ng lolo ko. Mahalaga kasi ito para sakanya at sa tatay ko.

Pumunta ako sa lugar kung saan ko sya makikita at hindi nga ako nagkamali nandito nga sya at nakatayo. Nakatalikod sya sakin kaya di nya ako.

Tinawag ko sya.

"Dugo".

Pagkasabi ko nun ay tumibok ang puso ko. Mas lalo itong nagwala nung lumingon sya sakin at nagusot-gusot pa ng mata. Natawa tuloy ako.

Natigilan ako ng bigla nya akong niyakap sabay sabing...

"Na-miss kita".Vlad.

Niyakap ko din sya.

"Na miss din kita Dugo".Me. Nagyakapan lang kami ng matagal hanggang sa lumubog na ang araw.

"Bakit ngayon ka lang dumating?".tanong nya.

Naglalakad na kami ngayon pa balik sa mansion habang magkahawak ang mga kamay namin.

"Ang dami kasi naming inasikaso sa lungsod kaya hindi ako dito maka-uwi".sabi ko ng nakangiti.

Mas lalo yata syang naging gwapo ngayon. Sya ang pinaka-gwapo sa bayan pero satingin ko mas gwapo din sya sa mga taga-Manila. Talo nya pa ang mga Model sa ibang Magazine.

"Kahit na, dapat sinubukan mo man lang umuwi o mag text o tumawag? Ang daming paraan".sabi nya na may halong pagtatampo.

"Pasensya na sa sobrang dami kong ginagawa ay di ko na iyon naisip".huminto kami sa tapat ng malaking pintuan ng mansyon.

"Hay kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraan, eh wala ka naman yatang pakialam saamin".sabi nya sabay lakad palayo sakin.

Tinawag ko sya pero di nya na ako nilingon.

"Dugo".

Hay! Naman! Pambihirang buhay naman oh!.

Sabi ko nalang sa isip ko sabay pasok na sa loob.

Bahala sya sa buhay nya tssss.

Pumasok ako sa library ng lolo ko. Sinigurado ko na nakasara ang pintuan nito.Tiningna ko ang paligid katulad pa din ng dati maayos at maganda, napaka-daming libro dito. Nilapitan ko ang isang libro at saka ito pinihit. Bumukas ang di mo aakalaing pinto.

Pumasok ako sa loob at tiningna ang mga gamit dito. Napaka daming sandata dito ibat ibang klase.

Kinuha ko ang isang loptop saka nag-research at lumabas ang isang nakakagulat na balita.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon