Chapter 24

30 1 0
                                    

Someone's P.O.V


"Kumusta sya?".tanong sakin ni Boss. Nakatayo ako sa harapan ng mesa nya habang si Boss naman ay nakatalikod saakin at nakatingin sa mga building na sa harapan nya.

"N-nakaligtas sya boss".sabi ko.

"Wala talaga syang kwenta kahit kelan".sabi nito ng mahinahon ngunit nakakatakot.

Pag ganyan sya ay dapat ka ng matakot dahil ano mang oras ay magwawala na yan.

"Ano ba ang nangyari?".tanong nya.

"May tumulong sakanya boss".

"May tumulong?".paninigurado nya. Sa totoo lang kahit na ako ang top1 assassin dito ay may kinatatakutan pa din ako at iyon ay si Boss dahil wala yan kinatatakutan kahit na sino bukod sa isang tao.

"Y-yes boss".

"Sino ang mga tumulong sakanya?".

"M-mga kaibigan nya boss".sabi ko.

"Hah? Kelan pa sya nagkaroon ng mga kaibigan? Sino ba sila".sarkastikong tanong nya.

"Sa pagkaka-alam ko boss nung araw na dumating ang mga transferee boss at ang tagapag mana ng Danville at ganun din ang isang San Jose na anak ng number 1 sa Computer Technology Company boss". Yumuko ako ng biglang humarap sakin si Boss.

"Kung ganun patayin mo silang lahat oras na nagialam sila sayo".sabi nya. Napatingin ako sakanya.

"Paano na sir ang partnership nyo sa mga Danville boss?".tanong ko.

"Wala akong pakialam sakanila... Ang mahalaga lang ay ang mapatay ang tagapag- mana ng Crown Empire".sabi nya sabay ngumiti ng demonyo.

Tumango nalang ako. Lahat talaga gagawin nya para lang makuha ang gusto nya.

"Ito ang tatandaan mo, oras na pumalpak ka din katulad ni Mr. Will ay makikita ng nanay mo si kamatayan at isusunod din kita sa hukay".sabi nya sabay ngiti. Wala naman akong magawa kundi ang tumango.

Kahit na labag man sa kalooban ko ay kailangan kong gawin ito para sa nanay ko na bihag ng demonyong ito.


Vladimir's P.O.V


Kanina pa ako pabaling- baling dito sa higaan ko. Kanina pa kasi ako di makatulog at hindi ko alam kung bakit. Bumangon nalang ako sa higaan at tumayo. Tiningnan ko si Brent sa taas at nakita ko na sobrang himbing ng pagkakatulog nya. Lumabas ako ng kwarto namin at pumunta sa rooftop nitong building.


Binuksan ko ang pintuan at sinarado iyon. Nagulat ako ng makita ko syang nakaupo sa gitna habang nakatingala sa kalangitan nilapitan ko sya.

"Ang ganda ng mga bituin noh?".sabi nya habang nakangiti.

"Bakit nandito ka?",tanong ko sakanya at umupo patalikod sakanya. Sumandal ako sakanya at saka tumingala din.

"Tulad mo... Di din ako makatulog".sagot nya.

Natahimik kaming dalawa. Walang gustong magsalita. Ang lamig ng simoy ng hangin at ang ganda ng mga bituin sa langit. Nakasandal ako sakanya at nakasandal din sya saakin. Naalal ko tuloy ang mga nanyari kanina.

"Grabe ang mga fans mo, nakakatakot".sabi ko. Napabungisngis naman sya ng mahina. Ang cute nya talagang tumawa.

"Haha ou nga eh! Ewan ko ba kung bakit sila ganyan kung alam lang nila".sabi nya na napapailing.

"Bakit kasi nagpa-panggap ka?".tanong ko.

"Kailangan kasi".sagot nya.

Natahimik ako. Ou nga pala. Kailangan nya buhay nya ang kapalit pag nalaman ng lahat na isa syang babae.

"Kahit na ano ang mangyari tandaan mo lang nandito lang ako at po- protektahan kita".sabi ko.


Kahit saakin.

"Salamat".sagot nya.


Ganun lang kami hanggang sa mag- umaga.


___________


Damon P.O.V

Tanghali na ng magising ako, wala kasing pasok kaya ok lang na magpuyat kagabi. Nag-ayos na ako sa aking sarili bago lumabas ng kwarto ko.

Habang naglalakad ako papuntang canteen ay may nakasalubong akong nakayukong babae iniwasan ko sya pero nagbanggaan pa din kami.

"Ay sorry".sabi nya sabay harap saakin.

Teka naalala ko sya ah? Sya iyong nagsabi saakin na mag-iingat ako?.

"Ok lang".sabi ko sabay tango.

"Sige".sabi nya sabay lakad ulit. Tiningnan ko lang sya at nagulat ako na bigla syang huminto sa paglalakad at humarap saakin.

"Mag-iingat ka".sabi nya na may demonyong ngiti sa mga labi nya.


My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon