Chapter 20

41 1 0
                                    

Damon P.O.V


Araw ng sabado ngayon at wala kaming pasok kaya nandito ako ngayon sa dorm nila Vlad na naghahakot ng gamit ko. Diko sinabi sa kanila na lilipat ako ngayon dito. Ang kinuha kong kwarto ay iyong tapat ng kwarto nila Vlad kahit kayang-kaya ko naman sa VIP room dito. Mas gusto ko kasi ang malapit lang kina Brent and Vlad. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto nila Vlad at nakita ko si Vlad na papalabas kasunod nya si Princess. Diko alam pero ng makita ko silang magkasama ay parang uminit bigla ang ulo ko.

"D-damon".sabi nilang pareho.

Malamig ko lang sila tiningnan.

"A-ah bakit hinahakot nila ang mga gamit mo dito".tanong ni Vlad. Sumingit naman si Manong.

"A-ah sir naipasok na po ang lahat ng gamit at ok na po ang lahat".sabi nya tumango lang ako. Umalis na si Manong at ako naman ay tiningnan ulit ang dalawang nasa harapan ko.

"Sige".iyon lang at pumasok na ako sa kwarto ko at pabalibag na sinara iyon.

"Pare ano yun?".narinig ko pang sigaw ni Brent sa labas.

Arghh nakakainis ka talaga Vladimir kahit kelan!. Napaka-shunga mo talaga!.

Papunta na sana ako sa sala ng biglang pumasok si Vlad at isinara agad nya ang pinto sabay lock nito.

Sh*t nakalimutan kong ilock.

Humarap sya sakin. Naka cross arm naman ako.

"Ano ang ginagawa mo dito?".malamig kong sabi sakanya at hindi ako nagpapakita ng kahit na anong emosyon.

"A-ah s-sabihin mo nga, galit ka ba saakin?".tanong nya.

"Ou".deretsa kong sabi.

"What? Bakit?".

"Tinatanong mo kung bakit? Sabihin mo nga bakit kayo magkasama ni Princess? Alam nya na ba ang tungkol saakin?".tanong ko. Hanggat maaari ay pinipigilan kong maglabas ng kahit na anong emosyon.

"A-ah iyon ba".sabi nya na napahawak sa batok nya "Akala ko nagseselos ka eh! Tsss".binulong nya lang ang huling parte at diko iyon masyadong nadinig.


"May sinasabi ka ba".napaharap sya sakin at ngumiti ng pilit.

"Wala. Sabi ko na kaya kami magkasama ni Princess ay may ipinapagawa sya saakin".Vlad.

"At bakit naman kailangan sa kwarto nyo pa ni Brent pwede namang sa canteen nalang".

"Eh! Ayaw nyang may makaalam na ibang tao bukod saaming dalawa".napataas naman ang kilay ko.

"Sige kung ano man yan ay wala na akong pakialam pero ito lang ang tatandaan mo Vlad hah! Once na malaman nya ang totoo kong pagkatao o ng kahit na sino ay babalian kita ng buto".banta ko. Napalunok naman sya.

"Y-yes sir".sabi nya.

Tumalikod na ako at pumunta sa mini ref na ipinalagay ko din dito. Pinasadya itong kwarto na para sa isang tao lang. Kumuha ako ng bottled water at nagulat ako ng pagharap ko ay nakaupo na si Vlad sa kama ko.

"What the.. Bakit nandito ka pa?".tanong ko diko na napigilan ang magtaas konti ng boses.

"Wala lang patambay muna dito mas maluwag dito at maganda kaysa sa kwarto namin ni Brent".sabi nya sabay higa sa kama.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang kamay nya at hinatak sya patayo.

"Tumayo ka na dyan di pa maayos ang kwarto ko oh!".sabi ko habang hatak ang kamay nya pero mas malakas sya saakin kaya imbes na sya ang mahatak ko ay ako ang nahatak nya at bumagsak ako malalapad nyang dibdib. Tatayo na sana ako pero nagulat ako ng bigla nya akong yakapin at tumagilid kami ng higa napatingin ako sakanya habang sya ay yakap yakap pa din ako.

"Ano bang trip mo?".tanong ko.

"Alam mo bang natakot ako ng araw na iyon, akala ko ay mawawala ka na saakin".sabi nya ng seryoso tiningnan ko sya sa mata.

"Paano pag tuluyan na nga akong nawala".tanong ko. Bigla nya akong niyakap ng mahigpit kaya napadikit ang mukha ko sa dibdib nya. Pinakinggan ko nalang ang sobrang lakas ng tibok ng puso nya.

"Hindi ko kakayanin pagnawala ka saakin".doon ako natigilan.

Ano ba talaga ako para saiyo Vlad?.

Niyakap ko nalang din sya. Nanatili kaming magkayakap hanggang sa nagsalita ulit sya.

"Hindi ko alam kung saan nagsimula at kung paano pero isa lang ang sigurado special kang masyado para saakin at di ko kakayanin pag nawala ka... Lahat gagawin ko para makasama ka at manatili ka lang saaking piling".sabi nya.

Sobrang bilis na ng puso ko pero may maibibilis pa pala ang tibok nito.


Ako din di ko alam ang gagawin ko pagnawala ka saakin.


Diko namalayan pero parehas kaming nakatulog sa ganun posisyon.


Nagising kami ng hapunan na kaya napag desisyunan namin na kumain na sa canteen. Naabutan namin na kumakain ng mag-isa si Brent kaya nilapitan namin sya bitbit ang tray na may lamang pagkain.

"Mga pare saan ba kayo nag date at inabutan kayo ng hapunan?".tanong nya. Binatukan naman sya ni Vlad.

"Pwede ba tol mag-ayos ka nga".sabi nito.

Kumain lang kami habang naghaharutan at nagtatawanan. Maya maya ay biglang tumigil si Brent at humarap saakin mg seryoso.

"Kamusta ang sugat mo?".tanong nya.

"Ok lang pagaling na sya".

"Ah!".iyon lang at kumain na kaming tatlo.

Nakilala ko na din pala ang bago kong Butler na si Crisha sya ang tumulong sakanila Brent para mahanap agad nila ako.

"Salamat ulit sa pagliligtas nyo saakin".sabi ko sakanila ng sincere.

"Sus wala iyon".Brent.

Nagtawanan nalang ulit kaming tatlo na parang mga baliw lang.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon