Chapter 6

84 0 0
                                    

Vladimir P.O.V

Sobra akong kinabahan ng makita kong nasusunog ang mga bahay malapit saamin.

Kumaripas na ako ng takbo. Isa lang ang nasa isip ko ang makita ang tatay ko.

Ng makarating ako sa bahay namin ang nadatnan ko nalang ang sunog na sunog naming bahay. Tiningnan ko ang mga kapitbahay namin na ngayon ay nag-iiyakan.

Tinanong ko si Mang kanor na malapit saakin.

"Mang kanor ang tatay?".tanong ko.

"Anak".napalingon ako sa likod ko ng madinig ko ang boses na iyon.

Agad ko syang niyakap ng makumpirma ko na buhay pa sya at hawak hawak nya ang satingin ko mga damit namin.

"Tay! Salamat naman at ligtas ka".masaya kong sabi.

Sya nalang ang natitirang mahal ko sa buhay. Namatay daw kasi sa panganganak ang nanay ko at malayo daw ang mga kamag-anak ko.

"Salamat din at ligtas ka anak".sabi din nito.

"Tay ano ba ang nangyari?".tanong ko sakanya.

"May na-nadya na sunugin ang mga bahay natin anak pero mabuti nalang at sa awa ng Diyos ay walang namatay".sabi nito.

Niyakap ko ulit sya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sa mga mahal ko sa buhay. Bigla ko naman naalala si Alysha na iniwan ko.

"Tay dito lang kayo pupuntahan ko pa si Alysha na iniwan ko doon sa malayo sa sunog dito".paalam ko.

"Sige anak mag-iingat ka susunod nalang ako saiyo doon sa mansyon".sabi nito at tumakbo na naman ako.

Hingal na hingal akong nakarating sa hardin ng mga Crown. Napansin ko na walang ilaw sa loob at labas ng mansyon nila.Pasalamat nalang ako dahil may dala akong flashlight at dahil na din sa tulong ng liwanag ng buwan. Bigla akong kinabahan.

"Alysha". sigaw ko.

"Arghh".narinig kong may dumaing kaya tumakbo ako at nagulantang ako sa nakikita ko.

Si Alysha na nakahiga sa sahig. Puno ng dugo ang damit nya. Naliligo sya sa sarili nyang dugo at sa dugo ng nakalaban nya. Mas nagulantang ako na may patay na lalaki di kalayuan. May putok ng baril sa ulo nito na sanhi ng pagkamatay nito. May katana itong katabi.

Agad agad kong binuhat si Alysha papunta sa loob ng bahay nila. Binuksan ko ang ilaw at nanghina ako sa nakikita ko. Di ako makagalaw.

Patay lahat ng tao sa mansyon. Puro dugo ang paligid at brutal ang pagka-kapatay sa kanila.

Nagising lang ako ng marinig ko ang sigaw ng tatay ko. At katulad ko nanghina din sya sa nakita nya.

"Mahabaging langit".sambit nito.

Umubo naman si Alysha. Sh*t nakalimutan ko na may sugar din pala sya. Agad ko syang dinala sa kwarto nya at ginamot namin sya ni tatay.

"Hindi naman malala ang mga sugat na natamo nya anak kaya wag ka ng mag-alala".sabi ng tatay ko.

"Tay nangako ako na po-protektahan ko sya at di ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sakanya".sabi ko na nakatingin lang kay Alysha.

Tinapik naman ng tatay ko ang balikat ko.

"Mahal mo talaga sya".sabi nito.

"Opo tatay at satingin ko hindi na magbabago iyon".sagot ko.

Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Matagal na. At kahit na ako ang mahirapan at masaktan ay ok lang basta wag lang ang babaeng mahal ko.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon