Chapter 11

87 1 0
                                    

Vladimir P.O.V

Time check: 6:35pm

Sa wakas na tapos na din ang unang araw ng tutorial namin kaya hinatid na namin ni Brent si Damon sa parking lot. Ang astig nga ng kotse nyang dala eh! isang Lamborghini.

"Wow Damon ang ganda naman ng kotse mo".manghang sabi ni Brent.

"Ah! Yan ba? Madaming ganyan sa bahay eh! Gusto nyo bigyan ko kayo?".tanong nya samin.

Nagningning naman ang mata naming dalawa ni Brent. Aba sino ba naman ang may ayaw sa isang Lamborghini?. Kayo? Tsss... Lamborghini yan tol! mahal ang kotseng iyan. Tumikhim ako.

"Talaga bibigyan mo kami ng kotse?".tanong ko.

"Ou pero sa isang kondisyon".sabi nya.

"Ano iyon?".tanong ni Brent.

"Kailangan nyong manalo sa gaganaping tournament".sabi nya.

"WHAT?".sigaw naming dalawa ni Brent.

"Kalimutan na natin Vlad ang kotse".nag-kunwaring umiiyak si Brent. Ginaya ko din sya.

"Ou nga huhuhu".sabi ko na nagyakapan pa kaming dalawa ni Brent.

"Yuck! Ano kayo bakla? Daig nyo pa mag syota kung mag yakapan ah?".di mo malaman kung natatawa sya o naiinis saming dalawa. Bumitaw na kami ni Brent sa isa't isa. Kadiri nga naman.

"Hay! Ikaw kaya ang paasahin? Tingnan ko lang kung hindi ka mag-inarte".sabi ko.

"Ang arte nyong dalawa alam nyo ba iyon? Tournament lang naman iyon anong kinatatakutan nyo?".tanong ni Damon na naka-cross arm pa ngayon sa harap naming dalawa.

"Wow hah? Ou nga naman tournament nga LANG naman iyon, isang tournament na pwede mong IKAMATAY sa pagsali doon".sabi ko.

"Tsss sus parang iyon lang".sabi nya na parang balewala lang sakanya iyon. "Sige mauna na ako sainyo at maaga pa ang klase natin bukas".pagkasabi nya ay sumakay na sya ng kotse nya at pinaandar. Isasarado nya na ang pintuan ng kotse nya ng may maalala.

"Guy's good luck bukas sa laban nyo hah! Galingan nyo. Sige".nakangiti nyang paalam samin saka sya umalis.

Napabuntong hininga naman itong katabi ko. Tiningnan ko naman sya.

"Alam mo parang ngayon ko lang na realize na sana di na pala ako sumama saiyo dito".seryosong sabi nya.

"So anong desisyon mo? Uuwi ka na saatin?".tanong ko sakanya. Umiling lang sya.

"Hindi. Una sa lahat ay buo na ang desisyon ko na pumunta dito. Pangalawa nandito ang best friend ko at ang Pangatlo ay kailangan kong alamin kung sino si Mario Leonard Hamps".seryosong sabi ni Brent. Tinapik ko nalang ang balikat nya.

"Sana malaman mo kung sino sya".

"Sana nga. Tara na't pumunta na tayo sa bago nating kwarto".nakangiti nya ng sabi ngayon.

"Sige tara na tol napaka drama na natin baka mamaya pagkamalan na naman tayong bakla nyan".natatawa kong sabi.

"Aba! Ang gwapo ko namang bakla nyan madaming chicks ang iiyak pag nagkataon". Mayabang nyang sabi.

"Mas gwapo ako sayo pare".sabi ko. Na inakbayan sya sa balikat at saka kami naglakad.

"Aba't parang sinabi mo na din na gwapo si Empoy".pang-asar nyang sabi.

"Talaga namang mas gwapo si Empoy kaysa sa kamukha mong si Diego".sagot ko.

Nag-asaran lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa kwarto namin sa Boy's dormitory. Ang Danville school ay may dorm na para sa mga studyante na malalayo ang inuuwian may iba pa na taga-ibang bansa talaga. Magkaiba ang building ng mga babae sa lalaki. Pero merong Canteen sa gitna ng dalawang building kung saan doon lang nagkikita ang mga babae at lalaki na nagdo-dorm.

Pumasok na kaming dalawa ni Brent sa loob ng kwarto namin. Maganda ang kwarto na sakto lang sa dalawang tao. Isang double deck, dalawang drawer at isang lamesa. Meron ding air con at C.R. Ok na ito saamin.

Hay! Sana maging maayos ang kalalabasan ng laban namin bukas.

Damon P.O.V


Kararating ko lang sa Mansyon namin. Mas malaki ito sa Baryong Masaya. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nahiga muna ako sa malambot kong kama. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang sinabi saakin ni Dad kanina. Nanggaling kasi ako sa hospital kanina. Pagmamay-ari iyon ng mga Hamps Family.

FLASHBACK


"A-anak kailangan mo ng m-malaman sa madaling p-panahon kung s-sino ang tunay na anak ng mga K-kleinstein Family at k-kailangan mo syang patayin p-para sa ikabubuti ng angkan natin". Hirap na sabi nito.

"Eh Dad baka hindi naman talaga ang mga Kleinstein Family ang tunay nating kalaban".sabi ko.

"N-no. A-and don't forget that, that is my o-order".sabi nya.

"Y-yes Dad".nasabi ko nalang. Nakita ko naman na pumipikit na ang tatay ko. Kaya umalis na ako sa tabi nya.

END OF FLASHBACK

Kleinstein Family?

Isa sa mortal na kalaban ng aking pamilya. Kailangan ko ba talagang kalabanin ang isang pamilya na pinaka-makapangyarihan sa 5 Star Families?. Kakayanin ko ba?.

Pero bukod doon. Hindi lang sila ang kaaway na dapat kong pagtuunan ng pansin.

Nakatulugan ko na ang isiping iyon.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon