Chapter 18

70 1 0
                                    

Damon P.O.V

Tawa lang sya ng tawa na parang baliw.

Sh*t ang sakit ng ulo ko.

Ginalaw ko ang mga braso ko kaso sobra talaga ang higpit ng pagkakatali saakin sa upuan. Nasa gitna din ako ng kwartong ito at sa taas ko ay isang ilaw. Wala na akong choice. Wala din kasi ang mga gamit ko. Tiningnan ko ulit ng masama ang baliw na nasa harapan ko.

"Bakit mo ito ginagawa? Anong atraso namin saiyo?".tanong ko. Napatigil naman sya sa kakatawa nya at saka tumingin sakin ng nakangiti pero naging seryoso din.

"Bakit? Tinatanong mo kung BAKIT?".sigaw nya.

Baliw na talaga sya. Bakit ngayon ko lang kasi napansin ito?. Tsk.

Tiningna ko lang sya.

"Wala ka talagang idea kung bakit ko ito ginagawa?".tanong nya.

"Wala". napangisi naman sya.

"Pwes sasabihin ko saiyo na ang walang hiyang ama mo lang naman ang nang-agaw sa taong mahal ko".sabi nya.

"What? Anong kinalaman nila saiyo? At nakilala mo ang nanay ko?".tanong ko.

Ang alam ko lang kasi ay ang pangalan ni mommy at sa pagkaka-alam ko ay namatay sya dahil sa panganganak saakin.

"Ou".sabi nya na parang naiiyak sa kanyang nakaraan "Ang iyong ina lang naman ang tangi kong minahal at kung hindi lang umepal saamin ang magaling mong ama ay hindi kami magkakahiwalay ni Anne".sabi nya.

"Teka? Ikaw ba si Zake Dan Will na best friend ng nanay ko?".naalala ko na may naikwento nga ang tatay ko tungkol sa best friend ni Mommy.

May gusto daw si Zake kay mommy at obsesses daw ito sakanya. Hindi tinanggap ni mommy ang pag-ibig nito dahil hanggang kaibigan lang daw ang tingin nya dito at mahal na mahal daw nya si Daddy kaya kay daddy sya sumama kahit tutol naman ang pag-iibigan nila sa side ng tatay ko.

"Ou ako nga at wala ng iba".sabi nya sabay ngumiti ulit na parang demonyo.

Nagpakilala kasi sya sakin bilang si Dan Will na isa sa pinaka-magaling na investigator ngayon at sya ang pina-imbestiga ko kaso na nangyaring sunog sa bayang Masaya. Nagulat ako ng bigla syang kumuha ng kutsilyo sa di kalayuang lamesa saka ito itinapat sa mukha ko.

"Dahil masyadong mahigpit ang seguridad ng tatay mo kahit nasa hospital sya ngayon at magaling pa din syang maka detect ng panganib ay ikaw nalang ang pinuntirya ko".sabi nya sabay bato saakin ng kutsilyo na tumama sa kanang braso ko.

"Ah".inda ko. Napangiwi ako sa sakit.

Sh*t ang sakit.

Kinagat ko ang ibabang labi ko saka sya tiningnan ng masama. Nakangiti pa din sya. Kinuha nya naman ngayon ang isa pang kutsilyo.

"Bilib talaga ako sainyong mga Crown ang galing nyo talaga".sabi nya. Humakbang sya papalapit saakin. "Hindi ako nagkamali sa pag puntirya saiyo".sabi nya na itinapat sa mukha ko ang kutsilyo.

"Alam mo ba na kamukhang kamukha mo si Anne yun nga lang boy version pero mukha ngang hindi ka lalaki eh!".sabi nya sabay hugot ng kutsilyo sa braso ko. Napahiyaw ako sa sakit.

"Hahah tama ganyan nga sumigaw ka pa sa sakit Damon".sabi nya sabay halakhak. Unti-unti na namang nanglalabo ang paningin ko. Kinagat ko ulit ang labi ko na nalalasahan ko na din ang dugo nito.

Sh*t mamamatay yata ako sa pagka-ubos ng dugo.

Bigla kong naalala si Vlad.

Sh*t Vlad nasaan ka na ba.

Narinig ko maya-maya ang pagbukas ng malaking pintuan sa kwarto na ito. At narinig ko ang pag takbo ng mga tao dito. Bago pa ako mawalan ng malay ay may narinig akong sumigaw.

"Damon".

Vlad.

At tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

Vladimir P.O.V

"Sh*t ang daming kalaban".sabi ko.

Nandito na kasi kami ngayon sa abandoned building. Napakarami ng bantay at mga armado pa sila. Binigyan kami ng tig-iisang baril kanina ni Crisha. Nagulat nga ako at parang handang handa sya ngayon na makipag-laban.

"Vlad mauna na kayo susunod nalang ako".sigaw ni Crisha na ngayon ay sumugod na sa mga armadong lalaki.

Sumunod naman kami nila Brent at Princess at saka kami pumasok sa loob. Saktong pag-pasok namin ay madaming nakaharang na lalaki na naka business attire pa at ang iba may hawak na katana at ang iba ay baseball bat at kung ano ano pa. Bigla silang lahat sumugod samin. Kanya-kanya kaming tatlo na pakikipag laban. Habang nakikipag laban kaming tatlo ay biglang sumigaw si Lucas mula sa labas.

"Pare takbo".pagkasabi nyang iyon ay kahit mahirap ay tumakbo kaming tatlo sa pinaka malayo kanya kanya kami ng tago sa siguradong di matatamaan ng bomba.

"Sh*t pare saan nya nakuha ang bomba?".tanong ni Brent saamin.

Di nalang namin sya pinansin.

Tiningnan ko ang paligid ko at nagulat ako na madami pa ding kalaban ang natira.

"Pare mauna na kayo ni Princess kami ng bahala ni Lucas dito".tumango ulit ako at saka kami tumakbo ni Princess paakyat sa 2nd floor.

Konting tiis nalang Alysha nandyan na ako ililigtas kita.


Pagdating namin sa 2nd floor ay nakita ko ang isang malaking pintuan kaya doon ako pumunta.

"Vlad sigurado ka bang nandyan sya".tanong saakin ni Princess na nggayon ay nakasunod saakin.

"Di ko alam". Pagkalapit ko sa pintuan ay binuksan ko kaagad ito at agad ko syang nakita. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang sasabog.

"Damon".

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon