Chapter 25

39 1 0
                                    

Vladimir P.O.V

"Nakapamili ka na ba ng sasalihang team?".tanong sakin ni Brent.

Nandito kami ngayong dalawa sa library at kumukuha ng mga libro na pina-utos samin ni Damon. Nilingon ko sya at bumulong alam nyo na, nasa library kami at bawal ang mag-ingay actually kakasita lang saamin kanina. =_____=

"Depende. Ano ba ang inirekomenda sayo ni Melissa?".

"Mas maganda daw at applicable saakin ang Yellow Warriors".sabi nya.

"Edi doon ka sasali?".

"Maybe".sagot nya na pabulong.

Tumingin ulit ako sa mga libro at nakita ko na ang hinahanap ko.

The Count of Monte Christo.

Kinuha ko ito at humarap kay Brent na ngayon ay tumitingin sa mga libro.

"Ako desidido na sa Blue Warrior".sabi ko na napaharap sya sakin.

"Kasi nandoon si Damon".naka ngisi nyang sabi. Nagkibit balita lang ako.

"Baliw hindi lang dahil sakanya... Iyon din kasi ang suggest sakin ni Melissa".sabi ko.

"Naku palusot ka pa".sabi nya. Napalingon kami sa nag shh.

"Please be quiet".sabi nya.

Tumango lang kaming dalawa. Lumabas na kami sa library ni Brent at nakita namin na papalapit saamin si Lucas. Madalas na din namin syang nakakasama ngayon at kung minsan ay kasama si Princess. Si Crisha naman ay susulpot nalang bigla na parang kabute lang.

"Yow".Brent.

"Pare pinapasabi ni Melissa na kailangan nyo ng makapag- decide ngayon kung saan nyo gustong sumaling team".sabi nya. Naglakad kaming tatlo habang nag-uusap.

"Grabe agad agad?".Brent.

"Pare kayo lang ang wala pang team".sabi ni Lucas.

"Saan ka bang team pare?".tanong ko sa kanya.

"Sa Blue warrior ako".Lucas.

"Eh si Princess at Crisha".singit ni Brent.

"Ganun din". Lucas.

"What? Edi kung saka- sakali ako lang pala ang mapupunta sa Yellow Team".sabi nya.

"Kung gusto mo".sabi ni Lucas sakanya. Hinawakan ko naman sya sa balikat.

"Kung ako sayo pare doon ka nalang".sabi ko sakanya. Nag pout lang sya.

"Ou na sige na tsss".sabi nya.

Wala kasing pasok ngayon dahil weekend na. Pumunta kami sa canteen kung saan naghihintay doon si Damon. Pagkarating namin doon ay nakita ko kaagad sya na nakaupo sa pang waluhang table at napansin ko din nasa harapan nya si Princess at katabi naman nya si Crisha. Napalingon saaming bigla si Damon na naka poker face. Nga pala lagi naman syang naka poker face di nya pinapakita saiba kung ano talaga ang nararamdaman nya, kung masaya ba sya o Ewan. Hay!.

"Bakit ang tagal nyo?".bungad samin ni Damon.

"Eh! Ang hirap kayang maghanap ng mga librong ito".sabi ni Brent sabay baba sa lamesa ng sampung librong hawak nya. Ako din binaba ko na nasa mga sampu din ito.

"Ano yan? Bakit ang dami? Babasahin nyo ba yan?".tanong ni Princess samin.

"Hindi".Brent.

"Ou".Damon.

"What?".sigaw nya kay Damon. Tiningnan lang sya nito.

Umupo ako katabi ni Damon. Si Brent at Lucas naman ay tumabi kay Princess.

"Kami ang magbabasa nito?".tanong ni Brent kay Damon.

"Ou may angal?".tanong nya.

"W-wala".Brent.

Ganito ang sitting arrangement namin.

Ako- Damon- Crisha

Brent- Princess- Lucas

Umorder na kami ng pagkain namin. Habang naghihintay ay nagkwentuhan kami nila Brent at Princess. Si Lucas at Crisha ay nagbabasa ng libro na kinuha namin sa library at si Damon naman ay sumasagot lang kapag tinatanung sya ni Princess.

"H-hi D-Damon".napalingon kaming lahat sa nagsalita. At iyon ay si Lea na may dalang pagkain.

"Hello".malamig na tugon lang ni Damon.

"H-hi sainyo".sabi nya.

"Hello".Ako Crisha and Lucas.

Sila Princess at Brent ay di sumagot.

"Pwede bang maki- share sainyo ng upuan?".tanong nya.

"Nasan ang mga alipores mo?".tanong ni Brent halatang bitter pa din sya hanggang ngayon dahil sa ginawang pa.bubully nito saamin.

"H-hindi kasi sila nagdo- dorm dito kaya di ko sila kasama".sabi nya ng nakangiti. "Ok lang din kung ayaw nyo, naiintindihan ko naman sige".sabi nya papaalis na sana sya pero biglang nagsalita si Damon.

"Sige maupo kana. Makiki- upo lang naman eh!".sabi nya.

"What? Nagpapatawa ka lang diba?".tanong ni Brent. Wag na kayong magtaka kung bakit ganyan ang reaksyon nyan.

Nung sinabi ni Damon na kami na ang bahala sakanila ay nga nga. As in walang nangyari dahil nung pagtalikod ni Damon samin at nawala na sya sa paningin namin ay bigla na namang naging nakakatakot sila Lea. As in grabe tol nakakatakot silang tumingin na mukhang papatay na.

Sabi nila nakaligtas daw kami, pasalamat daw kami kay Damon pero di daw ibig sabihin nun ay tapos na yun.

Pagkasabi nila nun ay umalis na silang lima.

"Mukha ba akong nagbibiro".sabi nya.

Napasimangot lang si Brent. Si Lea naman ang laki ng ngiti sa mga labi at talagang kinapalan nya na ang mukha nya. Sumingit sya at gumitna saamin ni Damon. Napasama ang tingin ni Princess na parang mangangain na ng tao samantalang si Damon naman ay parang wala lang sakanya at kinuha ang libro ng the count of monte cristo.

Maya- maya lang ay dumating na ang order naming pagkain at saka naming sinimulang kumain. Tahimik lang kaming kumain ng bigla kaming napalingon sa nagsalita.

"Damon try mo itong fried chicken masarap yan".malaking ngiti ni Lea sabay lagay ng manok sa plato nito.

"Salamat".Damon.

"Damon ito oh! Try mo itong Fried Pork chop mas masarap yan". Princess sabay lagay ng pork chops sa plato nya.

"Salamat".tugon lang ulit ni Damon saka ulit kumain. Ang order nya kasi ay spaghetti lang.

"Ah damon ito oh! Soft drink masarap yan".sabi ni Lea sabay abot kay Damon.

"Hindi sya mahilig dyan ang gusto nya ay chocolate drink".sabi ni Princess.

"Well according to my source soft drinks ang madalas nyang i partner sa paborito nyang spaghetti".Lea.

"Pwes mali yang source mo".sabi naman ni Princess. At masama nilang tiningnan ang isat isa.

Lumingon kaming lahat kay Damon ng bigla syang tumayo.

"Tapos na akong kumain".yun lang at saka sya umalis sa pwesto namin.

Patapos na din ako kumain kaya binilisan ko nalang ang pagkain ko at sinundan si Damon.

Tatawagin ko na sana sya ng makita ko syang may kausap na isang lalaki. Lalapit na ako ng madinig ko ang pag-uusap nila.

"Magkita tayo sa Red Battle Field Damon".iyon lang at umalis na ang lalaki.

Sino yun?

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon