Chapter 12

83 0 0
                                    

Damon P.O.V

Nagising ako ng hatinggabi. Nakatulog pala ako kanina sa kakaisip sa mga problema ko, ni hindi na nga ako naghapunan dala na din siguro ng pagod ko sa pagtu- tutor kina Dugo.

Bumangon na ako at naghilamos sa C.R pagkatapos ay kumuha ako ng

malamig na tubig sa mini ref. ko

hininaan ko din ang air con sa loob ng kwarto ko. Tinatamad akong bumaba sa kusina kaya pinag-tiyagaan ko nalang ang pagkain sa loob ng ref. Tulog na kasi ang lahat ng mga katulong eh! syempre nakakahiya naman kung gigisingin ko pa sila para lang kumuha ng pag-kain ko alam ko naman na pagod din sila sa trabaho.

Bitbit ko ang laptop ko at tubig ng maupo ako sa sofa habang kagat kagat ko ang pizza. Binuksan ko ang laptop ko at tiningnan ang mga documents na nakuha ko sa mansyon. Binasa ko din ang isang email kung saan doon ako nagulat nung una ko itong nabasa.

To: Father.

Ang inaakalang patay na anak ni Don Sebastian Victor Kleinstein ay buhay at ito ay kanila na ngayong hinahanap.

At merong traydor sainyong pamilya na pwede nyong ikabagsak pag hindi nyo sila makilala sa madaling panahon.

Hanggat maaari ingatan nyo ang susunod na tagapag-mana ng Crown Family.

From: Wolf

The heirs of the Kleinstein Family... Makikila din kita. *smirk*


Vladimir P.O.V


Time check: 12:00am

Kanina pa ako hindi makatulog kaya bumangon na ako at nakita ko naman si Brent na nagbabasa ng libro. Nilapitan ko sya.

"Pare sipag natin ah? Anong binabasa mo?".tanong ko pagkalapit sakanya.

"Itong student hand book pare".sabi nya.

"Sus? Pinagtiya-tiyagaan mo yang basahin? Tol kung ako sayo matulog kana".

"Taena tol napaka- B.I. (bad influence) mo talaga kahit kelan".natatawang sabi nya.

"Hahaha syempre naman tol! Ang dapat natin pagtuunan ng pansin ay yung laban natin mamaya hindi yang walang kwenta".

"Tol maka-walang kwenta ka dyan parang alam mo na ang laman nito ah? Eh! ikaw nga kanina dyan ang tanung ng tanong kay Damon kung bakit kailangan ng studyanteng matutunan ang lahat ng self defense eh!".sabi ni Brent. Inagaw ko naman ang libro sakanya.

"Pahiram nga".

"Taena ka talaga tol".sabi nya.

Hindi ko nalang sya pinansin at binasa ang laman ng libro.

The Rules and Regulations of Danville School.

Tiningnan ko kung gaano kahaba ang nilalaman ng libro at makita ko palang kung gaano kahaba at kaliliit ang mga nakasulat ay tinatamad na ako.

"Tae naman ito pare napaka-daming rules naman nito at puro English pa nakaka- nose bleed".reklamo ko sabay abot sakanya ng libro.

"Tae! kaya tayo nagkaroon ng special class nyan eh! akin na nga at ako na ang magbabasa para sayo hiyang-hiya naman ako sayo eh no?".sabi nya nakinuha ang inabot ko sakanya.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan. Tiningnan nya lang ako.

"Oh ano pa hinihintay mo? Basahin mo na".sabi ko na naka seating pretty pa. Napailing nalang sya.

"Sumbong kita kay Alysha dyan eh!".bulong nya. Napakunot ako ng noo.

"May sinasabi ka tol?".tanong ko.

"Wala po mahal na hari ito na nga po at magbabasa na eh!".sabi nya nalang.

"Good".napangiti ako. Hahaha

Inumpisahan nya naman ang pag-babasa.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon