Chapter 32 (meet the gangster)

58 0 0
                                    

Vladimir's POV

"Hay! sa wakas weekend na". sigaw ni Brent sabay upo sa upuan nya at saka kinain ang pagkain nya.

"Kahit kelan napaka-ingay mo talaga pare, tingnan mo nakatingin na tuloy saatin ang mga tao dito".sabi ko.

"Hayaan mo sila pare, wala silang paki-alam saakin at wala din akong paki-alam sakanila".Brent. Napailing nalang ako sa inaasta nya.

Nandito kaming tatlo ngayon nila Damon sa canteen, nag-aagahan. Ilang linggo na din ang nakalipas since yung nangyari sa Red battle field. Hindi na muling nagpakita si Frea at hindi pa din magaling ngayon si Albert, pero ok na naman sya. Kung hinahanap nyo naman si Crisha, ayun di pa din sya nagpapakita saamin. 

Naunang natapos kumain si Damon.

"Aalis ka ba? San lakad mo?".tanong ko sakanya. Tumingin sya sakin ng seryoso. Sabagay, lagi syang seryoso lalo na nitong mga nakaraang araw.

"May aasikasuhin lang, babalik din naman ako bago maghapunan".sabi nya sabay tayo. "Mauna na ako sainyo".iyon lang at lumakad na sya.

"May problema ba si Damon?".tanong saakin ni Brent.

"Hay! kumain ka na nga lang dyan at may lakad tayo".sabi ko sabay higop sa kapeng hawak ko.

*****

"Pare tama ba ang lugar na pinuntahan natin?".di nakatiis na tanong saakin ni Brent. "Grabe ang iskinitang ito, medyo masikip at mabaho".reklamo nya pa.

"Pwede ba manahimik ka muna, kailangan nating  puntahan ang taong tinutukoy ni Lucas kaya tayo nandito".sagot ko. 

Nasa Believer's St. kami. Medyo may kalayuan ito sa skwelahan namin pero kailangan naming puntahan dahil dito sa taong kasama ko. Binigyan na kami ni Lucas ng babala tungkol sa lugar na ito na pinamumugaran daw ng mga street gangster at mga taong siraulo at ang iba naman mga taong gusto lang maghanap ng gulo. Hindi alam ni Damon ang ginagawa namin ni Brent, tuwing wala sya at kung saan kami  nag-pupupunta. Actuallly kaming dalawa lang ni Brent ang nakaka-alam ng "LIHIM na MISYON" daw nya sa buhay. Kung anong misyon iyon? Malalaman nyo din naman o alam nyo na?

"At  sino naman ang nagbigay sainyo ng pirmisong pumasok sa teritoryo namin hah?". sabi ng isang nakakatakot na boses mula sa likod namin ni Brent. Unti-unti naming nilingon ang nagsalita.

"A-ah Vlad".Brent

Nakangisi ang mga lalaki ng hinarap namin sila. Malalaki ang mga katawan ng mga lalaki na halatang batak at may kanya- kanyang hawak din silang sandata at napansin ko din na marami silang tattoo sa katawan. Sa tingin ko mga nasa sampu ang kaharap namin ngayon iba pa ang mga nagtatago sa di kalayuan at iba pa ang mga yabag na naririnig namin  na papalapit saamin ngayon. Sa liit nitong iskinitang kinaroroonan namin ay di mo malaman kung paano ka makakatakas sa mga halimaw na ito. Pero ang tumakas ay gawain lang naman ng mga duwag na tao.

"Eh ano naman ngayon saiyo kung nandito kami sa teritoryo nyo at walang nagbigay ng permiso?".seryoso kong sagot. Sa totoo lang hindi ako nakakadama ng takot ngayon, kundi excitement. Kanina pa namin sila ramdam at hinihintay lang namin sila na magsalita. Ngumisi ng parang demonyo ang lalaking pinaka malaki at nakakatakot ang itsura.

"Aba't matapang ka bata".sabi nya.

"Vlad ayusin mo ang pagsagot sakanila, ayokong mapahamak ang maganda at gwapo kong mukha".bulong sakin ni Brent. Napangisi lang ako.

"Hoy! bata anong binubulong-bulong mo sakanya hah! aba't gusto nyo ba talaga ng away?".sigaw nito saamin. Pero parehas lang kami ni Brent na napangisi.

"Naku Boss mukhang gusto nga ng away, kung ako sainyo mga totoy umuwi na kayo sainyo at magtago sa saya ng nanay nyo".sabi ng isa sa mga tauhan nya. Nagsitawanan naman ang iba.

"Baka kayo ang tumakbo sa nanay nyo at mag-iiiyak sa nanay nyo na parang sanggol".sagot ko.

"Aba't Bata hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban nyo".sabi ng isang lalaki sa kanan nito.

"Sino nga ba kayo?".sagot ko. Aba'y malay ko sa mga halimaw na pangit nato kung sino sila?. Masyado akong gwapo para kilalanin pa sila. Tsk! nahahawa na tuloy ako sa Brent na to.

"Kami lang naman ang kinatatakutan sa lugar naito. Kami ang Black Dirty Gang".sagot ng Boss nila.

"Ah! kayo pala ang nababalitaan ko na nagpapakalat ng shabu dito sa lugar at nagnanakaw sa mga subdivision kung minsan ng re-rape ng mga babae at hindi lang iyon, kayo din ang pumapatay sa mga taong nagtatangkang pumasok sa lugar na ito".sabi ni Brent. 

Nakanigiti naman ang Boss nila na parang proud pa sa mga nagawa nila.

"Aba sikat pala tayo boss".sabi ng isa sa mga kasamahan nila.

"Naman! tayo pa".Boss.

=_______=  ako.

"Pero teka may nakalimutan pala ako, Kayo ang gang na pinaka walang kwenta at pinaka mahina sa mga gang na nage-exist sa mundo kaya kayo nagtya-tyaga sa mabaho at masikip na iskinitang ito".sabi ni Brent. Ako naman ngayon ang natawa at sila naman ngayon ang sobrang asar na asar.

"Kayo! mga lapastangan".dinuro kaming dalawa ni Brent. "Boy's sugurin nyo sila, pahirapan nyo muna bago nyo paslangin".sabi ng boss nila saka sya umalis at nagsisugod naman ang mga lalaki.

"Vlad nakahanda ka na ba?".tanong sakin ni Brent.

"ou naman! kanina pa ako nag-iinit at kating- kati ng makipaglaban sa mga unggoy na ito".sabi ko. Saka ako ngumisi sakanya at ganun din sya.

Alam na >:)

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon