Chapter 4

133 0 0
                                    

Vladimir P.O.V

"Naman bakit mo naman sya sinabihan ng ganun?".sermon sakin ngayon ni Brent.

Tulad ko gwapo din sya at habulin ng mga chicks, kaso wala syang paki-alam dahil naka-focus sya sa pag-aaral.

"Hay! Sa nasabi ko na sakanya iyon eh! magagawa ko?".iyon lang ang masasabi ko. Sa nagtatampo ako sakanya eh bakit ba?.

"Kahit na hay! Ano ba kasing pumasok dyan sa kokote mo at nasabi mo sakanya iyon? Malay mo napaka-dami nya lang talagang inaasikaso kaya sya di makatawag".Brent.

"Ou na! ou na! Talo na ako ok! Hihingi na ako ng tawad sakanya".pag-suko ko.

"Hay! Dapat lang baka di natin alam na may mabigat syang pinag-dadaanan ngayon".sabi nya na ikinatahimik naming dalawa.

Umiihip ang simoy ng hangin ngayon dito sa rooftop.

"Hello guy's".masiglang bati samin ni Michelle.

Sya ang bumasag ng katahimikan.

"Balita ko nandito daw si karibal ah?",sabi nya na ang tinutukoy ay si Alysha.

"Ou".sagot ko.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Ibang iba sa inaasahan ko ah?".nakataas ang kilay nyang tanong na naka-cross arm pa.

Iba si Michelle kay Alysha. Kung si Michelle masyadong energetic at sporty. Si Alysha naman ay masyadong tahimik at mahinhin.

At si Michelle matagal ng may gusto sakin. Si Alysha ay hindi ko alam.

"Tsss".narinig kong sabi ng katabi ko na ngayon ay nakahiga at satingin ko ay matutulog sya.

"W-wala".umiwas ako ng tingin sakanya.

"Wala ka dyan? Nag-away ba kayo? Naku pag-nakita ko ang babaeng iyon ay sasabunutan ko sya ng malaman nya kung sino ang binabale wala nya".sabi ni Michelle.

"Pwede ba Michelle wala syang kinalaman... A-ako a-ang may Mali"pag-amin ko.

Mas lalo nya akong tinaasan ng kilay. Parang sinasabi nya na di kapani-paniwala ang sinasabi ko dahil ni minsan ay di ko pa inaway si Alysha.

"Aminin mo nga Vlad mahal mo pa ba sya?".tanong nya sakin.

Nakikita ko sa mata nya ang pag-asa at lungkot sa sinabi nya. Umiwas ako ng tingin.

"H-hindi ko alam".sabi ko.

Totoo naman talaga. Hindi ko na alam kung mahal ko pa ba sya. Ou inaamin ko na sobra o sa mas tamang sabihin na mas lumakas ang tama ko sakanya ng makita ko sya.

Pero tuwing maiisip ko na kahit kelan ay hindi ko sya kayang abutin na tuwing naiisip ko na hanggang dito nalang ako ay tila nawawalan na ako ng pag-asa sa puso ko. Kaya naisip ko kung dapat ko pa ba syang mahalin at umasa sa milagro na maaabot ko sya o itigil ko na ang kahibangan na ito.

"Kung ganun may pag-asa pa pala ako".nakangiti nyang sabi pero hindi iyon umabot sa mga mata nya.

"M-michelle--". Pinigilan nya akong mag salita.

"Ok lang Vlad, alam ko naman na kahit kelan hanggang kapatid lang ang turing mo sakin".ngumiti sya ng mapait. "Pero sana bigyan mo naman ako ng pagkakataon na mahalin ka kahit di mo na ako mahalin pa balik".sabi nya na parang maiiyak na.

"Michelle".iyon lang ang masasabi ko.

Ginawa ko at talagang sinubukan kong mahalin sya pabalik pero wala eh! Di talaga sya ang tinitibok nitong puso ko. Kung sana sya nalang kaso diko namalayan na naibigay ko na pala kay Alysha ang puso ko. Minsan nga hiniling ko na sana si Michelle nalang ang minahal ko at hindi si Alysha dahil alam ko sa piling ni Michelle ay di ako mangungulila.

Alam ko ang nararamdaman ngayon ni Michelle. Tumayo naman ang katabi ko.

"Masyado kayong ma-drama tara na at baka ma late na naman tayo sa klase, tapos na ang lunch break".Brent.

"Hay! Kahit kelan talaga napaka epal mo".sabi ni Michelle na bumalik na ulit sa pagiging masigla.

Hay! Buhay nga naman.

Napangiti ako.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon