Chapter 28 (The Battle)

57 3 4
                                    

Vladimir's P.O.V

"Bakit ang dami yatang tao ngayon dito?".sabi sakin ng katabi ko na si Brent sabay turo nya sa paligid namin.

Nandito kami ngayon nila Brent sa Red Battle Field kung saan gaganapin ang laban ni Damon at ni Albert ba yun?. Kahit anong pilit ko na umatras sa laban si Damon ay ayaw nya paring makinig kaya heto ako at walang paki-alam sa paligid basta ako ifo- focus ko ang panunuod ko sa laban nila Damon dahil mamaya ay baka kung ano pa ang mangyaring di inaasahan sakanya, tsk mahirap na!. Pero napansin ko nga na halos buong bleachers na yata ay puno na ng mga studyante at guro.

Napaka laki nitong Battle Field na ito dahil dito din yata kasi ginaganap ang tournament. Syempre di ako sigurado dahil bago pa lang ako dito kaya pagdating sa mga information ay wag nyo na akong asahan dyan.

"Madami talagang tao ngayon dito dahil for the first time ay may humamon ng laban kay Damon".sabi ni Princess na katabi ko.

"bakit wala bang nagtatangkang humamon sa kanya noon?".tanong ni Brent.

"walang hahamon sakanya dahil sya ang leader ng Blue Empire at higit sa lahat ay sya din ang Boss dito sa school".ang sumagot naman ngayon ay si Lea na katabi naman ni Brent.

"WHAT?".sigaw namin ni Brent.

"Bakit di nyo ba alam na simula ng dumating si Damon dito sa school ay sya na ang laging Champion sa Tournament?".tanong ni Princess samin. Parehas kaming napailing ni Brent.

"pwes ngayon alam nyo na".sabi naman ni Lea saaming dalawa.

As in wow? Hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala. Si Damon? as in si Alysha Damon Crown ang Boss ng Danville School? to think na isa syang babae? well di nila alam iyon pero kahit na, ibig sabihin ay ganun sya kalakas? masyado ko yata syang minamaliit.

"hindi ako makapaniwala".bulong sakin ni Brent.

"ako din, masyado yata natin sya minamaliit".sagot ko.

"bakit maliit naman talaga sya ah? 5'5 lang ang height nya tapos tayo mga 6 footer".sabi ni Brent sinamaan ko naman sya ng tingin. Tumawa naman sya, eh kung batukan ko kaya ang isang to?.

"yow mga dude umpisa na ba?".tanong ni Lucas samin na kararating palang at kasunod nya si Crisha na may dalang pagkain.

"hindi pa pare",sagot ko sakanya.

"iyun masarap sana kung may pagkain".nakangiting sabi ni Brent na pinaparinggan si Crisha. Dedma naman si Crisha na umupo sa likod namin katabi ni Lucas.

"dedma ka noh?".pang-asar na sabi naman ni Lea. Sinimangutan naman sya ni Brent.

"pwede ba magtigil ka dyan".sabi ni Brent.

"at bakit naman? gusto mong ma bully ulit?".pananakot naman ni Lea.

"subukan mo lang at si Damon ang makakaharap mo".sabi ni Brent kaya ang napasimangot naman ngayon ay si Lea.

"Pwede ba magtigil na kayong dalawa dyan at mag-uumpisa na ang laban".sabi ko nalang para manahimik na silang dalawa.

Maya-maya pa ay lumabas na si Melissa. Tama si Melissa ulit ang magha-handle sa laban nila Damon dahil nagmakaawa sya kay Ma'am Malakas na sya nalang ang hahawak sa laban. Nung una ay ayaw ni Ma'am Malakas dahil sa pagkaka-alam ko ay fans din sya ni Damon pero ewan lang kung ano ang ginawa ni Melissa at napapayag nya si maam na sya nalang. =_____=

"Good Afternoon Everyone".nakangiting sabi ni Melissa.

Bigla akong napatakip ng tenga ng biglang tumili ang lahat ng mga babae dito at nakisama naman ang katabi kong babae. =_______=#

"Ok! excited na ba kayong lahat?".energetic na tanong ni Melissa.

"OO".sigaw ng lahat.

"Wow ang taas ng energy natin ngayon ah? pero sa klase ay hindi sana ganyan nalang kayo lagi".sabi ni Melissa.

Lahat naman ay umangal sa sinabi nya. Tsk grabe napaka-ingay talaga.

"Hindi naman ah!".nakikisigaw na sabi ng mga katabi ko.

=______=

"bro tama ba tong napuntahan natin? Tinalo pa nila ang ingay pag naglalaro ang mga basketball player sa NBA ah?".sabi ni Brent.

"bro tama ka mukhang mali nga ang napasukan natin".sabi ko.

"OK magsi tahimik muna ang lahat".sabi ni Melissa.

Ayaw paring makinig ng mga tao kaya nagulat kami ng bigla syang sumigaw at nagboses lalaki. Kinilabutan akong bigla.

"Ang sabi ko tumahimik muna kayong lahat dahil pag ako napuno nyo ay di na matutuloy ang laban".sabi nya at parang magic word naman iyon at lahat ay tumahimik bigla. Napangiti naman si Melissa. Nakakatakot.

"Ok di na ako magtataka kung bakit ganyan kayo karami at halos pati labas ng Field na ito ay puro mga student na gustong manuod".sabi nya. "Sino ba namang hindi? for the First time ay may humamon kay Boss at iyon ay walang iba kung hindi si Albert Mac Elegante na syang leader ng Yellow Empire".sabi ni Meliss.

"What?".reaksyon namin ni Brent.

O____O ako at si Brent

Iyong lalaking nakita ko na kausap ni Damon nung isang araw ay ang Leader ng Yellow Empire?

"tae si Leader ang makakalaban nya? naku baka mahirapan si Damon napakalakas kaya ni Leader".sabi ng katabi ko na si Brent.

"Haler wag ka ngang nega".sabi ni Princess.

"ou nga basta ako para sakin ay walan ibang mananalo kundi si Papa Damon".sabi naman ni Lea.

"Tama kayo! ang dalawang Leader ng magkaibang Empire ang maglalaban ngayong araw at syempre diko na patatagalin pa ito dahil kahit ako ay gsto ko na silang panuoring maglaban kaya tatawagin ko na sila".sabi ni Melissa. Nagpalakpakan at nagtiliin ulit sila.

"please Welcome Damon Crown and Albert Mac Elegante".sigaw ni Melissa at sabay na lumabas sila Damon at Albert sa magkabilang panig ng pintuan.

"PRINCE DAMON".yan ang madidinig mo

"PRINCE ALBERT".at yan naman ang ibang mga babae.

Si Damon ay seryoso ang mukha habang si Albert naman ay kumakaway sa mga fans nya na dinaig pa nya ang artista. Sabagay ay mukha talaga syang artista wait? Sh*t artista nga pala sya tsk kaya pala parang pamilyar sya saakin dahil nakita ko na sya minsan sa Tv na madalas panuorin dati ni Michelle.

Humarap na sa isat isa sila Damon at Albert at sa gitna naman ay si Melissa na halatang nagpapa cute na naman kay Damon pero snob lang.

"dedma din sya".nakangiting sabi ni Brent.

"ok alam nyo na naman ang mga RULES sa laban hindi ba?".sabi ni Melissa at tumango lang ang dalawa.

"So wag ng patagalin pa ang laban! Sige Umpisahan nyo na".sigaw ni Melissa.

Nagtilian na ang mga tao.

Please sana wag kang mapahamak.

My Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon