Bagong Taon

2.5K 52 0
                                    

Bagong Taon: A new year special

--x

Sabi nila tumalon ka pag New year para lumaki ka, magsuot ka daw ng polkadots sa new year para magong masagana at matagumpay ka sa darating na taon, buksan mo daw ang lahat ng ilaw sa New Year para maging maliwanag ang buong taon ng buhay mo, Buksan mo daw lahat ng bintana, pinto, cabinets at drawers para pumasok ang swerte at sabi nila, ang New Year ang pinakamagandang panahon para magbago. Pero, hindi talaga kita makalimutan. Hindi ako maka-move on. Magkakaroon pa ba ako ng bagong buhay kung ikaw pa rin ang mahal ko?

 "Pransuwa! Pransuwa! Jusmeng bata to. Bumaba ka na nga diyan at tumulong dine!!!" Biglang bumukas ang pintuan ko at iniluwa si mama na mukhang stress na stress. Halata naman eh. Kumusta naman kasi yung pagtawag niya sa pangalan ko, Pransuwa. Kala ko talaga sosyal ang pangalan kong Francoise pero di pala pag si mama ang bumigkas. "Batang to! Tumigil ka na nga sa pag-e-emote. Magbabagong taon na, nagmumukmok ka pa rin diyan." Tumulong ka sa ibaba kung gusto mo makakain mamaya!" Sigaw na naman niya sakin bago isara yung pinto.

 Napilitan tuloy akong bumangon sa kama ko. Nagbihis na ako at bumaba. Mukhang busy ang mga tao at di nila napansing nandito na ako. Kakain pa sana ako ng almusal nang mapansing puno-puno na yung lamesa namin ng mga kalat. Parang magpapa-fiesta si mama kahit 4 lang kaming kakain. Lumapit ako kay kuya Tristan na kasalukuyang gumagawa ng grahams. Ayos! Me favorite.

 Kumuha ako ng mga crackers at tutulong sana ako sa paggawa ng grahams nang tapikin ni kuya yung kamay ko at sinabing maghugas muna ako ng kamay. Naghugas naman ako pero sabi uli niya siya daw ang gagawa nun. Grabe siya! Porket yun ang nakaka-excite gawin. Humanap ako ng pwedeng gawin para makatulong ako at nauwi ako sa pagbabalat ng sangkap na gagamitin sa spaghetti, palabok, malabon at carbonara. Ilan ba talaga kami sa pamilya? 4 lang kami ah pero parang dalawampu kami dito.

 *Boom. Kaboom. Enggk. Boogsh*

 May narinig akong putukan kaya napatayo agad ako sa higaan ko. Aish! Bakit ba na overslept ako. Agad-agad akong tumakbo sa harap ng gate namin habang nakatingin sa langit. Kyaaaa! Ang ganda ng mga fireworks.

 Pagkarating ko sa pwesto nila mama, sinuntok ko si kuya dahil hindi man lang niya ako ginising. New year na pala. Nagsindi din ako ng firecrackers at tumalon-talon na parang tanga. All in all masaya ako nang mapatingin ako sa bahay sa harap namin. Nakita ko na naman siya, si Kyle.

 Napansin kong tumingin siya sakin kaya nagulat ako at lumaki ang mata ko. Pero hindi ko maiwas yung tingin ko sa kanya habang may hawak akong looses. Bigla siyang ngumiti sa akin na siya namang ikinagulat ko lalo. Kala ko guni-gubi ko lang yun, pero hindi ako pwedeng magkamali. Ngumiti siya at kitang-kita yung dahil may hawak din siya looses na nagbibigay liwanag para makita ko ang mukha niya.

 Bakit ba ganyang ang epekto mo sakin Kyle. Nasasaktan na naman ako. New year na, kailangan ko ng baguhin ang buhay ko. Kailangan ko nang mag-move on sayo. Bigla nalang pinisil ni kuya yung mukha ko paharap sa kanya. Mukhang nakita niya na nakatingin ako kay Kyle.

 "Tigilan mo na yan. Sinasaktan mo lang yung sarili mo. New year na." Binigyan niya lang ako ng ngiti na parang nagsasabing 'kaya mo yan'. Ngumiti nalang din ako sa kanya.

 Matapos yung fireworks show, pumasok na din kami sa loob ng bahay. Umakyat na muna ako sa kwarto para magpalit ng dress na polka dots. Di na kasi ako nakapagpalit. Kaso nakita ko yung cellphone ko, may text. Galing sa bestfriend ko... dati, si Zyla.

 Francoise, happy new year. Labas ka. I have something to tell you. -Zyla

Nandito siya sa amin? Sa bagay, dito lang naman din yung bahay nila sa subdivision na 'to saka malapit lang din. Nagpaalam muna ako kila mama na lalabas ako. Nakita ko siya nang tumingin ako sa kanan. Nakasandal sa pader.

 "Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

 "Ah hindi naman. Happy New Year nga pala."

 "Happy New Year din. Bakit ka nga pala napunta dito? Diba dapat nasa bahay niyo ikaw?" Sabi ko sa kanya bago nakisandal sa pader.

 "Yeah pero... I came here para... Magsorry at makipag-ayos." Tumingin siya sakin bago ako bigyan ng isang mainit na yakap. Paulit-ulit siyang nag-sorry sakin. "Kasalanan ko kung bakit kayo nag-away ni Kyle. Napakasama ko, winasak ko yung pagkakaibigan natin dahil sa lalaki. Sorry talaga."

 "Tapos na yun Zyla. Ayos na. Pinatawad na kita, hindi ko kasi kayang magalit sa bestfriend ko." Hinagod ko yung likod niya dahil umiiyak na siya. Humiwalay ako sa kanya. "Bestfriend mo pa rin naman ako eh." Ngumiti naman siya nang sinabi ko yun.

 Ilang sandali pa siyang nagtagal dito tapos umuwi na din siya dahil baka hinahanap na daw siya sa kanila. Tinignan ko siyang naglalakad bago ako tumalikod. Sadyang may mga bagay talaga na hindi ko kayang iwan kahit sabihin nilang magbagong-buhay.

 Papalakad na ako ng bahay nang may humawak sa kamay ko at yumakap sakin. Sa amoy pa lang ng pabango niya, kilala ko na siya.. Si Kyle.

 "Sorry." Yun lang yung katagang sinabi niya pero napa-iyak na agad ako. Akala ko hindi na siya magso-sorry. Yun lang naman yung hinihintay ko eh. Akala ko ayaw na talaga niya makipagbalikan.

 Sino ba naman kasi ang magso-sorry kung hindi naman talaga ikaw yung may kasalanan pero nagsorry pa din siya. Sa totoo lang, may kasalanan din ako. Kung hindi ako agad nagalit sa kanya at pinakinggan yung paliwanag niya, edi sana hindi gugulo lahat.

 "Sorry kasi nasasaktan ka lagi sakin. Sorry kasi pinatagal ko pa yung paghingi ng tawad. Sorry sa lahat. Please bumalik ka na sakin." Sunod-sunod niya sabi. Niyakap ko nalang din siya. Napangiti nalang din ako at parang bigla nalang tumigil yung luha ko.

 "Hindi ka pa din nagbabago, ayaw mo pa ding mag-sorry pag di mo kasalanan. Oo na. Apology accepted. Sorry din, pinalala ko pa yung sitwasyon natin."

 "Akin ka na ulit?" Makulit na tanong niya bago humiwalay sakin. Tumingin ako sa ibaba. Nakakakilig pakinggan kaso ayoko talaga ng term na 'akin'. Hahaha.

 "Oo na." Sabi ko sabay takbo papasok sa bahay. "See you sa pasukan."sabi ko pa uli. Nakita kong tumawa siya bago ko isara yung gate.

Masaya akong pumasok sa loob ng bahay namin. Sadyang may mga bagay talaga na hindi mo maiiwanan kahit maygbabago ka ng buhay. Mga mga bagay na kailangan mo pa rin para bumuo ng isang panibagong chapter ng buhay mo. Mga bagay na kailangang manatili para maging kumpleto ang susunod na mga araw. Desisyon mo kung gusto mong manatili nalang silang mga ala-ala o maging parte sila ng kinabukasan mo. Pero mas masaya pakinggan na, may mga dadating sa buhay mo, pero sila pa din ang kasama mo. Pamilya, kaibigan at minamahal.

 --x

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon