Selos
--x
Selos? Yung tipong affected ka kahit wala kang karapatan? Yung tipong mananahimik ka nalang twing makikita mong magkasama sila? At yung tipong kada mararamdaman mo to parang unti-unti kang pinapatay. Ang sakit lang pala talaga sa bangs, yung tipong unti-unting nagigiba yung puso mo ng di nya man lang alam.. yung tipong gustong gusto mo siyang kausapin at sabihing "Tangina, lubayan nyo nga yan." At isigaw na "Letse! Nagseselos ako!" pero humaharang yung katagang hindi tayo, walang tayo. WALA AKONG KARAPATAN. Kaya wala akong magawa kungdi magmukmok at tumahimik nalang. Wala akong magawa. Dahil sa umpisa palang alam ko wala ka ng pakielam..
Naglalakad ako sa hallway nang nakita ko nanaman siya. Nakikipagtawanan, nakikipagharutan. Ang sweet naman nila.. Sa sobrang sweet nila.Nilalanggam ako.. ay hindi pala ako, yung puso ko pala. Ang sakit. Ang sakit kumagat nung langgam nakakamanhid. Gusto kong kamutin pero di ko magawa. Kasi wala akong karapatan. Wala akong karapatang magselos at masaktan.
Napako lang ako dun. Lagi naman..Kada nakikita ko siyang nakikipagharutan sa mga magagandang babae dito hindi na ako makalakad. Laging sumasagi sa isip ko yung.. Ano nga ba naman laban ko sa kanila? Magaganda,sexy,maputi, mayayaman ang mga babaeng nakakasama nya. Eh ako? Hamak pangkaraniwang babae lang. Yung tipong alang pumapansin, pangkaraniwan lang para mapansin ng isang Vincent Conception. Habang pinapanood ko sila. Lumingon siya.. Sa gawi ko. At lumapit siya sakin?
"Hi Rhianne!" Halos lumundag yung puso ko nung marining kong tinawag nya ko.
"Ah eh, H-hello!" Ang gwapo nya talaga. Sapat na dahilan para mas lalo akong mahulog sa kanya.
"Di ka pa papasok? Kanina pa bell ah?" hala oo nga pala. Ilang minuto ko na ba silang tinititigan?
"Busy kasi ko sa panonood kanina, habang nakikipaglandian ka. Pwede ba lubay-lubayan mo na yan? Nagseselos ka ako! Letse ka!" pero siyempre sa isip ko lang yan. As if namang masabi ko yang sa kanya. Mapahiya pako.
"Hehe, k-kasi a-ano. May tumawag kasi sakin kaya di ko napansin yyung bell" sabi ko nalang. Shoot! galing kong gumawa ng kwento!
"Sabay na tayong pumunta sa room?" Pag-aaya niya sa akin. Shit! Vincent wag kang ganyan. Lalo akong naiinlove at lalo lang akong nasasaktan.
Isang buwan na lumipas. Ganun parin alang pinagbago. Siya Landi-ladi. Ako selos selos. Landi. Selos. Ganun lang ang nagyayari araw-araw at kahit na ganun letse lang talaga. Lalong lumalalim nararamdaman ko. Mahal na mahal ko parin siya.
Naglalakad lang ako papunta sa school tutal di naman gaanong malayo yung school namin mula dito sa bahay. Umulan pala kagabi?di ko man lang napansin. Basa yung kalsada. Malapit lapit na ko sa school nang biglang... Natalansikan ako ng tubig shit! Malelate na nga ako, and now what?Mukha akong basang sisiw dito dahil sa letseng kotse nayun.. Nakita kong bumaba yung driver nung kotse..
"Miss uhm sorry, di ko kasi napansing basa yung kalsada kaya pinaharurot ko yung kotse ko. Sensya na" sabi sa akin nung driver na mukhang studyante palang.
"Pasensya? Letse! Matutuyo ba ko ng sorry mo? Crap! Anong gagawin ko?papasok ako sa university ng ganitong basang basa?! Ano nalang aakalain nila ha?na nag swimming muna ko sa resort bago pumasok sa school, na nakalimutang magpalit ng swim wear kaya uniform ang ginamit at para makatipid ng oras eh yun nalang din ang ginamit na pampasok?!" pagdidiwara ko sa kanya. Anong sorry sorry yang sinasabi niya?
"Ey. cool ka lang. Di ko sinasadya. Uhm. Ganito nalang I'll offer you a ride nalang papunta sa bahay nyo para mas mabilis tapos bihis then hatid kita ng school? Sakto. Mukhang parehas naman tayo ng school. Ayan, Mark nga pala transferee. Uhm senior. section A daw ako? Ikaw?" Sabi sakin ni Kuya. Tssk ang daldal naman nito. Feeling close.
BINABASA MO ANG
One shot stories -compilation-
Ficção AdolescenteCompilation of one shot love stories.. Paano magsulat ng love story ang mga single? Go and check this compilation.
