It started with a Math Equation
--x
"Hoy Riel may assignment ka? " tanong ng isang lalaking nagngangalang Nathaniel sa isang magandang babae. Ngunit hindi man lamang tumingin ang babae dito.
"Hoy ano ba di mo ba ako papansinin?" tanong uli ng binata dito.
"Ako? Eh hindi naman ako si Riel." sagot ng dalaga dito ng mapansing siya pala ang tinatawag ng binata.
"Eh ano gusto mo? Sabihin ko yung buong pangalan mo?" pang-iinsulto pa niya dito.
"Tsk! Pwede din, just don't call me such names I don't know." sagot naman nito sabay irap. Ang taray ng peg ni ate pero deep inside, kinikilig siya. Matagal na kasi siyang may gusto sa binata sa kabila ng pang-iinsulto nito sa pangalan niya at pagbibigay sa kanya ng mga palayaw.
"O siya. Nicole nalang." pang-iinsulto na naman nito sa dalaga. Sa totoo lang, natatawa siya dahil wala namang nicole sa pangalan ng dalaga.
"What the heck?! San nanggaling yung Nicole?" tanong ng dalaga sabay amba ng kamao sa mukha ng binatang nasa harap niya.
"Hmmm.. Im going to call you Riel if you don't want Nicole." sabi nito na parang nag-iisip pa at nakahawak sa baba.
"Saan mo nakuha yan?"
"Dun sa Gabriel mo.. Tapos call me Niel " -Nathaniel
"So kailangan pa talaga na Rhyme? " -Gabriel
"Bakit, ayaw mo? Mas maganda na ngang pakinggan yun eh.. Saka yun na din endearment naten." -Nathaniel
"Oo na kokopya ka lang eh kailangan na may endearment pa. Basta Christien Ericka Gabriel L. park is the name." sabi nito at kinuha na ang notebook at ibinigay ang notebook sa binata.
"Ahm yung number 5 paano nakuha na 5x2 + 14 xy - 10y2?" tanong padin ng binata kahit nangongopya lang.
"Ayan tingnan mo na lang." Sagot nito na halatang naiirita na sa boses pa lamang.
'Hindi porket may gusto ako sayo.' Isip ng dalaga. Pagkatapos gawin ng binata ang tinatawag na 'pangongopya' sa dalaga ay sabay na silang naglakad sa kanilang room.
"Ms. Park, can you please solve number 5 on the board." Tawag ng kanilang guro kay Gabriel na kanina pa pasulyap-sulyap sa binata. Nagulat ito kaya napatayo nalang ito at pumunta sa harapan. Nawala sa loob niyang hindi pa nga pala naisasauli ni Nathaniel ang notebook niya.
"Huy Niel yung copy ko nasa iyo pa.. Nalimutan kong kunin." Bulong nito habang nakatingin kay Nathaniel.
"Ms. Park are you whispering to Mr. Nathaniel Yoon? " Sabi ng guro ng mapansing bumubulong ang dalaga at nakatingin kay Nathaniel.
"Ahm no ma'am." Humarap na siya sa board at sinubukang i-solve ang Math problem. I really hate Mathematics.
"Ms. Park, mali ang sagot mo. Diba tinuro ko na yan kahapon at tinanong ko kung naintindihan ninyo. Paulit-ulit ko nang diniscuss yan eh pero di mo pa din nasagot. Haaaay! Gusto mo bang ibagsak kita sa recitation?!" Sita ng guro sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang yumuko na lamang.
"Sorry po ma'am." Sagot niya na halata ang panginginig sa boses.
"Ma'am, ako nalang po." Napaangat ng ulo ang dalaga ng may tumayo sa isa sa mga kaklase niya.
"Wag niyo na po siya ibagsak. Ako na po ang magso-solve para sa kanya." Napangiti siya agad ng makitang si Nathaniel ang nagsalita at pumunta sa tabi niya.
"Yiieeee!" Kantyaw ng mga kaklase nila. Napayuko uli siya dahil sa kilig habang sino-solve ni Nathaniel ang equation sa board. Parang nawala ang pagkainis niya dito nung di binalik ni Nathaniel yung notebook niya dahil sa ginawa ng binata na to para sa kanya. Natapos ni Nathaniel ang sino-solve at umupo na sila sa kanilang silya. Matapos ang ilang minuto ay tumunog na ang kanilang bell na hudyat para sila ay lumabas na. Lalabas na sana ang dalaga pero pinigil siya ng binata.
"Sandali lang." Tawag ni Nathaniel sa kanya.
"Oh ano na naman?! Mangongopya ka na naman para sa next subject?!"
"Hindi no. Pero Sorry nga pala dun. Ah.. Pwede ka bang pumunta sa *insert name of building here* mamayang uwian?"
"Bakit naman? May balak ka saking masama nuh?!"
"Wala nuh. Bahala ka nga kung ayaw mo." Sabi ng binata saka umalis na.
Uwian na nila at nagdadalawang isip pa si Riel kung pupunta siya sa nasabing building ng binata. Pero habang naglalakad siya sa hallway, may narinig siyang nag-uusap tungkol sa 'building na dapat ay puntahan niya ayon sa binata'. At dahil isa siyang dakilang chismosa, pinakinggan niya ang usapan ng isang babae at lalaki na hindi naman mukhang estudyante dahil matanda na ang mga ito.
"Ano, nalagay mo na ba?" tanong ng babae sa lalaking kausap nito.
"Opo, ma'am. Pero bakit ba kasi kailangan nating pasabugin yung building na yun?" Sagot naman ng lalaki. Nagulat naman ang dalaga sa narinig niya. Sa isip niya 'Plano bang pasabugin ni Niel ang building kasama ako?' Pero mas nagulat siya sa sagot ng babae.
"Kailangan hindi siya ang magmana ng school na ito. Halika na." At dahil sa narinig niya na yon ay dali-dali siyang tumakbo sa *insert name of building here* Pero laking gulat niya ng may sumabog na party poppers sa ulo niya ng pumasok siya sa building na ito at may nagkalat na petals ng rose sa daan. Sinundan niya lamang ang petals ng rose at nakarating siya sa isang room. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya habang binubuksan niya ang pinto. Tila may mga paru-paro sa kanyang tiyan na nais kumawala. Ngunit mas lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso n sumalubong sa kanya si Niel.
"Riel, pwede mo bang sagutin ang 5x2+14xy-10y2?"
"Ha? Ano namang isasagot ko diyan kung mali nga ako kanina? Ang hirap naman."
"Kailangan sagutin mo yan dahil ako ang nagsagot para sayo kanina. Sige, para mas madali, ipapaintindi ko ang meaning niyan." Dahan-dahang lumuhod ang binata sa harap ng dalaga habang may hawak na pumpon ng bulaklak.
"Will you love me for a thousand times? Will you be my girlfriend?" Tanong niya sa dalaga ng nakangiti. Sa kabilang banda, parang kakawala na sa kanyang dibdib ang puso ng dalaga sa sobrang lakas ng pintig nito. Hindi niya kasi maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. Sobrang saya niya na napagtanto niya na mahal na mahal niya si Niel sa punto na nakalimutan niya na sasabog ang building na ito.
"Yes" Isang malaking pagsabog ang naganap ng sabihin ng dalaga ang matamis niyang 'oo'. Isang trahedya ang nangyari sa kabila ng isang masayang araw para sa kanila. Unti-unti naglahong parang bula ang mga sarili nila at bumagsak nang tuluyan ang gusali sa loob lamang ng ilang segundo.
--x
![](https://img.wattpad.com/cover/2124872-288-k21159.jpg)
BINABASA MO ANG
One shot stories -compilation-
Ficção AdolescenteCompilation of one shot love stories.. Paano magsulat ng love story ang mga single? Go and check this compilation.