His cold stares

2.5K 73 3
                                    

His cold  stares

--x

"Okay! Let's take a break!" Sigaw ni Mrs. Santiago samin. Isang magaling na guro sa Schleiden High at siya yung organizer ng play namin.

 "Bella, pronounce the words clearly, okay?" komento niya sakin pagkababa ko ng stage.

 "Alright, ma'am." sagot ko dito bago kuhanin yung bote ng tubig na inaabot niya. Yan ang hirap sa lead role, ang daming puna sayo and you really need to give a better shot, even though practice palang 'to.

"Hopefully, makahanap sana tayo ng better na gagananap na partner mo." napangiti ako ng sabihin niya yun.

 "Meron po akong kilala. He's really good at acting pero hindi ko alam kung papayag siya. But I'll try to convince him. For the play's sake." tumango naman siya sa kin, sign na pumapayag siya sa idea ko dahil malaki ang tiwala niya sa akin.

 Natapos yung practice namin ng maayos. Mas naging maayos naman ngayon yung mga gusot. But still, nakakapagod parin. Lumabas na ako ng auditorium. Nakita kong papauwi na yung mga estudyante. Buti nalang excuse kami sa last subject namin dahil sa practice sa play kaya baka abutan ko pa siyang lumabas. Pumunta na ako sa gate at chineck bawat isang lumalabas kung siya na yun. Alam ko kasi ganitong oras yun umuuwi eh. Mukha naman akong stalker nito. Tsk tsk! Matapos ang ilang minuto, nakita ko na siyang lumabas ng gate kaya hinabol ko siya.

"Light!" Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin at nakaramdam agad ako ng lamig nang mapatingin ako sa kanya. Bakit ba kasi ganyan siya tumingin, parang lumulutang ako sa dagat ng yelo. And cold lagi ng mga mata niya.

"Bakit?" Tanong niya sakin at sumabay ako sa lakad niya. Di man lang kasi siya tumigil sa paglalakad kahit may kausap siya.

 "Hmm.. Alam kong magaling ka umarte but you're always wearing that cold look on your face." sabi ko sa kanya habang ineexamine yung mukha niya.

 "Ano naman sayo?" Malamig na sagot niya saka inayos yung pagkakasukbit ng gitara niya. Inirapan ko nalang siya, at itinuloy yung sasabihin ko sa kan. ya

"As you know, may play ang school.. And I just want to ask if---"

"Hindi ako interesado sa play." Sagot niya kahit di pa natatapos yung tanong ko saka naglakad paalis. Talaga nga naman! Hindi pa ako tapos may sagot na siya and I should say, that makes him even more attractive.Tsk tsk but sorry Light, I always get what I want. And you're one of those I really want.

Pumunta muna ako sa restobar ng isa sa mga friends ko. And yes, I'm only 17 years old, minor. Who cares, hindi naman ako iinom. Ayoko lang umuwi sa bahay. Umupo ako sa isa sa mga stool kung saan may magandang view ng mga nagpeperform. Umorder lang ako ng pineapple juice. Whatever! At least nakakapasok ako dito kahit ganito lang iniinom ko. Di naman ako rebelde kaya di ako iinom nuh. Then something caught my eyes. Lumapit pa ako sa crowd para makita yung nagpe-perform. And right, tama nga ako. Si Light yung nagpe-perform sa stage. Strumming his guitar while singing. Bagong hobby ng g*go. Napangiti na naman ako. Pogi talaga ng hinayupak.

Habang nagpe-perform siya, napatingin siya sa crowd, sakin. Bumalik nalng ako sa stools pero ramdam ko pa ding nakatingin siya sakin. Kinikilabutan kasi ako, para na naman akong nasa gitna ng malamig na yelo. Pagkatapos niya makapagperform nang ilang kanta bumaba na din siya. Mukhang pauwi na siya. Wala sana akong pakialam kahit anong gawin niya kaso tumigil siya at humarap sakin nung dumaan siya sa harap ko.

Ano ba talagang problema niya at lagi niya akong hinahamon ng titigan?! Gusto ba talaga niyang mas lalo akong mahulog sa kanya? Eew! Ang cheesy ko, di bagay. Nagpatuloy siya maglakad nung may lumapit saking lalaki. Letche! Panira naman ng scenario yung mga malalanding lalaking 'to. Sinundan ko nalang siya sa labas at lumakad sa tabi niya. Kasi naman, lagi siyang naglalakad, ayaw man lang huminto kahit may napapansin o kinakausap. Walang manners. Lalo tuloy akong na-i-inlove. 

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon