IFILWAG?

2.2K 44 7
                                    

I fell in love with a gay?

--x

Dennice's Point of View

Nagaaway nanaman sila Kuya at Papa. Inumaga nanaman kasi ng uwi papa. Gabi-gabi nalang kasi naglalasing siya, siimula nung namatay si Mama. Sawang sawa na ko sa bungangaan dito sa bahay kaya lagi nalang akong nagpupunta sa mall.. Naglalaro sa Time Zone.

Nawala ako sa mood ng makita ko yung score board. May naka beat ng record ko na 432 sa crazy hoops. Ibang klase.  Hinahamon talaga ako ng kung sino mang epal na yun ng pataasan ng score. Lagi niya nalang kasi nilalampasan yung score na gagawin ko. 

"Tss. 572? Kayang kaya kong ibeat yang score mo na yan." 

Mauubos na yung laman ng card ko pero hindi ko parin matalo. Mahirap pala. Wala na kong extrang pera para makapagpaload ulit. Babalik nalang ako mamaya, uuwi muna ko para kumuha ng pera. Maghintay ka lang scoreboard. Mababago yang highscore mo na yan.. Aalis na sana ko ng may biglang umagaw ng atensyon ko..

"Letse ka ball! Bakit di kita mashoot? Sayang ang beauty ng lola mo! Makiisa ka naman sa akin!" may malanding boses akong nadinig, dun sa gawing dulo ng linya ng crazy hoops kaya pinuntahan ko.   Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa napakagandang scene sa harap ko, kaya tumawa ako ng napagka-lakas na siya namang naka-agaw sa atensyon niya. 

 "Hoy bruhildang mukhang pagong! Ano tinatawa tawa mo diyan?" mataray na tanong sa akin nung bakla at saka ako tinaasan ng kilay. Antipatiko, tsk tsk.

"Aba! Anong bruhildang mukhang pagong? Eh ikaw bakla ka mukha kang.. mukha kang.."

 "Mukhang ano ateng?" bigla akong napaisip. Wala kasi akong maisip na pwedeng ipanglait sa kanya dahil kahit bakla siya, ang gwapo niya pa din.

 "Wala! Nevermind. Paano mo ma sho-soot yang bola kung inuuna mo ang landi? Pumipilantik pa yang mga daliri mo kapag mag sho-shoot ka." pag-iiba ko ng usapan. 

"Aba kung makapag salita tong madita nato parang magaling kang magbasketball ah! Sige nga. i-beat nga itech! " sabay turo dun sa scoreboard, napangiti naman ako sa kanya. Parang ang trying hard niyang magpatinis ng boses. Nakakatawa.

 "256 lang ba ipinapabeat mo sakin? Ang weak naman." pagmamayabang ko at saka ako pumaymewang at saka ngumiti ng nakakasar at mayabang sa kanya.  

"echuserang froglet to. Puro ka kokak, beat mo nalang yan. Baka mamaya hindi kapa makascore kahit man lang 10 diyan" sabi niya sa akin. Naghahamon ata tong bakla na to. Tsk tsk. Watch and learn.

 

"Wow! Ang galing mo bakla! Pwede na yang pangdala ng mukha mo! Kahit pangit ka, may hidden talent ka pala!" pumapalakpak pa siya at inakap ako bigla. Aba, tsansing tong bading na to ah. Gulpihin ko kaya to at anong sabi niya? Pangit ako? Bahala nga siya sa buhay niya diyan. Lalayas na sana ko ng bigla niya kong haltakin pabalik.. Oh? Ano problema nito?

 "Echos lang ateng! Alam mo namang parehas tayong beauty queen. Rafael nga pala. Raffy nalang para mas babae. Ikaw anong pangalan mo?" Nagbeautiful eyes siya sa akin at kumaway-kawway na parang beauty queen.. Ang landi niya talaga. 

 "Dennice." at iyan ang puno't dulo ng storya.

Naging close kami ni Raffy. Araw-araw na kaming nagkikita sa Timezone, ahit may pagkabakla siya, ang sweet niya kahit na may pagkahalong kamalditahan yung ginagawa niya. Na naging dahilan ng pagkahulog ko. I fell inlove with a gay.. At hindi yon tama. Kaibigan ko lang si Raffy. Maling mali na mainlove ako sa kanya.. Masasaktan lang ako kasi bakla siya, at babae ako. Hindi kami talo. Hindi niya ako gusto kasi parehas kami.. Kaya kailangan kong umiwas. Oo, ilang araw ko na siyang iniiwasan, dahil naduduwag ako. Naduduwag akong masaktan. Naduduwag  akong marinig yung salita na "Sister! Hindi tayo talo! Fafa din ang habol ko." naduduwag akong marinig yung salitang, "etsusera ka! Sorry ka ate pero babae din ako. Yuckiness ka!" naduduwag ako sa mga salitang madidinig ako at sa mga mangyayari, kapag umamin ako at kapag hindi ako umiwas.

 

 Someone's Point of View


Alam mo bang nagkagusto ako sa babaeng hindi ko man lang kilala? Nagkagusto ako sa kanya dahil sa basketball. Araw-araw ko siyang tinitingnan.. Ang cute niya kasing mainis tuwing nakikita niyang nalalampasan ko yung mga scores niya. Natutuwa ako sa itsura niya tuwing ibe-beat niya yung score ko.  Ang babaw diba? Ewan ko. Tinamaan eh. Tinamaan ako sa simpleng pagsulyap-sulyap ko sa kanya. Pero nainlove ako sa kanya kasi may mabuti siyang puso..

Lagi ko siyang nakikita sa bahay ampunan kung saan ako nanggaling bago ako ampunin ng isang mayaman na pamilya.Lagi siyang nakikipaglaro sa mga bata don. Lagi siyang tumutulong. Yung mga ngiti niya habang nakakatulong sa kapwa? Priceless. Nakakainlove. 

Alam ko din yung problema niya sa pamilya.. Nag research kasi ako ng mga bagay tungkol sa kanya. Patay na pala yung Mama niya, tapos gabi-gabing naglalasing yung papa niya. At siya yung sinisisi kung bakit nawala yung Mama niya. Lagi ko siyang sinusundan sa park, lagi kong nakikita yung pagpatak ng luha niya.. Alam mo yung feeling na parang gusto mo siyang icomfort? Hindi ko yon magawa kasi hindi niya naman ako kilala. Kakaiba siya. Mukha siyang matapang sa panlabas pero sa loob mahina siya. At dun mas ako mas lalong tinamaan sa kanya.

Hanggang sa isang araw.. Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko at nagpanggap akong bakla. Nagpanggap para mapansin niya. Hindi ko alam pero natuwa ako kasi kahit papano nalaman niyang nag e-exist ako. Nakakatuwa na kahit ganito ako sa paningin niya, isang bading eh nakakasama ko pa din siya. Nga pala! Nakalimutan kong magpakilala.. Ako nga pala si Rafael. Pero mas gusto kong tinatawag na Raffy kasi yun yung tawag ni Dennice sakin, yung babaeng mahal ko. 

 Pero nagdaan ang ilang araw.  Iniiwasan niya na ako. Hindi ko alam kung bakit. Naiinis na ba siya sa akin?  Hindi ko talaga alam. Wala naman akong ginawa, pero bakit? Naghahanap ako ng tiyempo para umamin sa nararamdaman ko, at kung ano yung tunay kong pagkatao. Gusto kong sabihin sa kaya na hindi talaga ako bakla. Bahala na kung magalit siya sakin.. Basta ang gusto ko lang, malaman niyang mahal ko siya. Bago pa man ako mawala.. Bago pa man ako kunin ng langit.. Nadiagnose kasi ng mga doctor na may cancer ako at  kailangan yung gamutin sa America. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako pagkatapos non. Hindi ko alam. 

--x

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon