The only man I need now is the bartender.
--x
All is fair in love. Hindi porket matalino ka, gwapo/maganda ka eh hindi ka na maloloko. Kasabay ng karapatan nating lahat magmahal, may karapatan din tayo manloko, at maloko. Lagi mong tatandaan ang pagmamahal ay parang magician, Nakakaaliw, nakakatuwa.. Pero darating sa time na malalaman mong niloko ka lang pala. 'Ija, lagi mong tatandaan na huwag ka kaagad maniniwala sa mga salitang bibitawan ng iba. Dahil sa huli ikaw lang ang masasaktan pag natuklasan mo ang totoong pakay nila.'
"Ah miss Stella. 5 minutes nalang po mag start na ang shooting" sabi nung personal assisntant ko.
"Ah, sige susunod na ko." sagot ko at saka ko siya nginitian. Lagi nalang ako natutulala simula nung hulaan ako nung ale na nadaanan ko. Mukhang di naman totoo yung hula nya eh. So why bother? Pumunta na ko sa set. Para matapos na yung shooting,may pupuntahan pa kasi ko eh.. pupuntahan ko yung boyfriend ko. Hihi.
*in three two one. Action*
"Rafael, please don't do this to me I'm begging you."
"Christine, I Don't.Love.You.Anymore."
"Pero ano bang mali, may kulang ba? Sabihin mo sakin! Gagawin ko lahat para mapunan yun. Ano bang ayaw mo? Babaguhin ko lahat. please don't leave me. Please."
"Sorry."
*Cut*
Pagkatapos nung shooting namin sinundo na ko ng boyfriend ko, si Brylle. Dumiretso kami sa restaurant na pagmamay-ari ng tito niya. Hihi. oo, artista ako, pati yung boyfriend ko artista din. Pero di kami magkaloveteam kasi sa ibang network siya. Hindi naman siya makalipat kasi may contract siya dun.
"Ah hon, kumusta na yung premier night ng movie nyo? Sorry di ako nakasama, ayaw kasi akong payagan ni direk. Kailangan na daw kasing matapos nung primetime movie kaya medyo masikip yung sched. Sorry talaga bawi ako next time " sabi ko sa kanya
"Ayos lang yun. Ayun madami namang sumuporta sa loveteam namin ni Dennise. Haha. Ayos nga eh. 10 million na agad yung kita nung movie namin." sagot niya naman sakin. Nung narinig ko yung pangalan ni Dennise di ko maiwasang magselos, pero di ko nalang pinahalata. If he notice it kasi, baka masira pa tong gabi na to eh, minsan na nga lang kami magkita. Biglang may nag-flash na camera? May paparazzi ba? Oo nga may paparazzi. pero bakit parang walang pakielam tong si Brylle dapat tumatakbo na nga kami palayo ngayon ah?
"Brylle."
"why hon?"
"psst brylle. May paparazzi dun sa next table. Let's run na."
"Psh no need hon. Besides they already know naman na our relationship. Don't worry." He's weird huh? Diba pag may magrelasyon na artista, twing may paparazzi tinatakbuhan nila para makaiwas sa issues. Bakit si Brylle he's so kampante with the situation? I forgot to tell you guys na 3 months palang kami. Pero I loved him na eversince I entered showbiz. Nagulat ako nung bigla nya kong hinalikan.
"Shit brylle, what do you think you're doing?"
"Uh, something wrong with that? Masama na bang ikiss ang girlfriend ko?" Ano ba talaga balak nitong lalaking to? ugh. He's acting weird and it annoys me. After eating dinner, hinatid nya ko sa bahay.
"Goodnight Brylle."
"Night." sagot nya then umalis na. Letse! Ganun lang yun? ni hindi man lang nya ko inantay makapasok ng bahay? Shit siya. Ni wala man lang good night kiss? Letse yung lalaki na yun. Nakakainis! Pumasok na ako ng bahay then inayos ko yung gamit ko. Nang mapansin kong naiwan sakin ni Brylle yung Mobile phone nya. 25 unread messages. Inopen ko. Wala namang masama diba? I have the right to open it naman 'cause I'm his girlfriend.
From: Dennise
Babe, where are you na ba?
Shit ano tong babe babe na to? Ah, baka wrong send lang tong si Dennise.
From: Dennise
Babe, Antagal ko na dito sa condo mo you're so tagal.
Anong condo condo pinagsasabi nito? Di na nahiya. Na wrong send pa sa boyfriend ko.
From: Dennise
Brylle Babe! I'm wearing you're favorite panty! :)) Can't wait. Bilisan mo.. <3
Pumitik na ko sa nabasa ko. Letse anong favorite panty at condo yung pinagsasabi nila? Dali-dali kong kinuha yung bag ko, saka yung susi ng kotse ko. Buti nalang at may susi ako ng condo ni Brylle. Pina duplicate ko yung susi nya ng di nya alam. For emergency purposes naman kasi kaya ko pinadupliacate at eto na nga ata yung emergency na yun. Pumunta na ko sa unit nya letse. Binuksan ko at may sumalubong saaking bra sa sahig? Letse. No. No. No. Mapapatay ko kung sino man yung babae nya. Pumunta ko sa tapat ng kwarto nya nang may narinig akong naguusap.
"Babe, kelan ka ba kasi makikipag break Stella ha? Ayan tuloy di natin maisa public yung relationship natin kainis" boses ni Dennise. So tama nga yung mga nabasa ko? Leche.
"Alam mo naman kung bakit ko ginagawa to diba? Konting tiis lang naman. Para to sa career ko.Si stella lang makakapagpasikat sakin." Tama ba naririnig ko? 3 months? Sa loob ng 3 months na yun ginagamit nya lang ako? Kaya pala everytime na may paparazzi he's acting sweet may payakap yakap at kiss pa pero pag wala naman. haha, ang nice lang ng turing nya sakin. Di ko napigilan. Pumasok ako sa loob ng kwarto nya at tumambad silang dalawa sa harap ko na kumot lang ang nagco-cover sa kanilang dalawa.
"Stella.Let me explain" Di ko na napigilan. Napahagugol na ako.
"Ano i-eexplain mo? Wala ka namang ginawa ah." Okay, oo ako na nagpapakamartyr. Eh mahal ko eh. Magbubulagbulagan at magpapakatanga nalang ako.
"Stella sorry. You heard it right? I.ONLY.USED.YOU" malamig na sabi na may pagkadiin.
"Haha, you're kidding right? Nice Prank hon. galing nyong umarte ni dennise muntik na kong mapaniwala" I said. Oo alam ko, niloloko ko lang yung sarili ko. Pero mahal ko eh
"Stella, don't act stupid. I'm breaking up with you. I used you para sumikat ako di mo ba naiintindihan yon?"
"Brylle, please don't do this to me I'm begging you."
"Stella, I Don't.Love.You.Anymore. ah no. Let me rephrase it. I.DIDN'T LOVE YOU"
"Pero ano bang mali, may kulang ba? Sabihin mo sakin! Gagawin ko lahat para mapunan yun. Ano bang ayaw mo? Babaguhin ko lahat. please don't leave me. Please."
"Sorry" And with that line, nagtuloy tuloy na yung agos ng luha ko. Grabe naman yung tadhana. Sobrang maglaro. Ang sakit. Ang sakit,sakit. hahaha, letse. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yung ganito.. Kita mo nga? Ako pa mismo na experience. Ginago ako, pero ako namang si tanga handa paring magpagago. Alak lang makaktulong sakin ngayon. I went to a bar, I didn't put any disguise.So what kung ma issue ako? Basta gusto ko lang uminom.. Ang tanga ko. Pero nagmahal lang naman ako diba?Tangina ang saklap pala nung feeling na naloko ka. Wala, wala akong pakielam sa mundo.. basta the only man I need now is the Bartender.
--x
BINABASA MO ANG
One shot stories -compilation-
Teen FictionCompilation of one shot love stories.. Paano magsulat ng love story ang mga single? Go and check this compilation.
