A Cinderella Story

3.4K 94 11
                                        

A Cinderella Story

--x 

Nandito ako ngayon sa mga bleachers ng school. Pinapanood ko kasi yung crush ko, si Prince Ivan Park, na magbasketball. Pogi talaga! Kahit likod palang niya, nikikilig na ko eh. Kaso, wala namang pag-asang pansinin niya ko. Haloo! Isang hamak na Stefani Ella Cruz, papansinin ng nag-iisang prinsipe ng university na to? That's new. Pero malay mo naman diba? Baka pansinin niya ako. Fighting! Kailangan ko sa kanya magpapansin. Kahit sabihan akong kulangot sa pader basta mapansin niya lang ako, worth it na! So ang first step, bibigyan ko siya ng tubig after ng practice. Sa ganda ko ba namang to, di niya makakalimutan fes ko pagkabigay ko ng tubig, wait.. Wala nga pala akong tubig. Oh well, mamaya pa naman matatapos ang practice, makabili na muna. Bumaba na ako sa mga bleachers kaso biglang..

"Miss, ilag!" at naramdaman kong may isang bilog na bagay ang tumama sa mukha ko. Grabe naman bola to. Napaupo ako sa sahig ng gym. Nahilo ata ako ah. Sa mga slow, tinamaan ako ng bola sa ulo. Susmeng bola, mahal na mahal ako at sumegway pa ata para tamaan ako, at bigla ko nalang narinig ang tawanan ng mga tao sa gym.

 Letsugas barabas hestas patatas eh ano nakakatawa don? Pero nakakahiya! Sana lamunin na ko ng lupa ngayon na! As in now na at mukhang wala atang gusto tumulong sakin kaya tumayo na ako at tumakbo palabas ng gym. Habang papalabas ako nang gym tumingin ako sa kay Prince Charming ko at tumatawa siya. Napangiti na din ako. Napansin niya kaya ako, kahit na sa ganung paraan nga lang.

Bigla naman akong nauntog sa pader habang naglalakad. Nakakadistract kasi yung mukha ni Prince nung tumatawa. Pogi! Mas lalo tuloy nagtawanan yung mga tao sa loob ng gym nang makitang mauntog ako. Double pahiya ako. Tss.  Lumabas na ako nang gym. Nakakahiya grabe lang! Buti nakaalis ako dun ng di kinakain ng lupa. Pero points naman sakin yun diba? Napansin ako ni Prince Charming ko tapos di pa ako gumastos para sa mineral water. Tapos napatawa ko pa siya. Whoo! Yehey!

Umuwi na ako sa bahay. Wala naman na kami pasok kasi hapon lagi yung practice nila. Manunuod muna ako tapos uuwi din ako pagkatapos. Kaso napaaga ako, ikaw ba naman mapahiya eh.

 "Salamat at naaga kang umuwing bata ka. Hoy! Ella! Bilhin mo to sa grocery. Dali at maglilinis ka pa ng bahay. DALI! Layas!" Grabe makautos saka makataboy tong stepmother ko para kong virus eh. Ayun, pumunta na ako sa grocery daw. Hindi ako ampon ah. Namatay kasi yung mama ko nung kapapanganak sakin kaya nag-asawa uli tatay ko. Okay lang naman sakin, para naman may tumayong nanay ko. Kaso lang abuso si stepmother eh, ako pinapagawa ng mga gawaing bahay. Pero ayos lang, pinag-aaral naman nila ko saka etsepwera lang naman talaga ako dito sa pamilya nila. Kaya ayos na ganung turing nila sakin.

Habang pabalik na ako sa bahay namin, may nadaanan akong boutique at may namataan akong damit. 18th birthday na pala ni Prince sa friday, lahat ng nag-aaral sa school namin invited. Palasyo kasi bahay nila eh. Biruin mo, ang daming estudyante dun invited lahat. Ano na nga ba ngayon, ay Wednesday na ngayon. Pumasok ako sa loob at tinignan yung price nung dress at bigla ko namang nabitiwan dahil nakakalula yung presyo. Ano ba yung damit na yun? Ginto? Lumayas na ako sa boutique na yun, ayaw na talaga ako paattend-in sa party eh. Tsk. Umuwi na ako sa bahay. Pagdating ko dun, andun na si Marianne and Lorianne. Ang dalawa kong bruhildang stepsis.

 "HOY ELLA! Kuhanin mo kay ate yung dress namin sa may gate. Dali! I wanna try it na." sigaw sakin ni Lorianne. Binaba ko na yung mga pinamili ko saka kinuha yung dress nila sa gate, buti pa sila may susuotin na. Ako kaya? Makakapunta pa? Naku! Mukhang wala nang pag-asa. Wala naman akong pera nuh. Kung mayaman lang siguro ko. Sana may fairy ako tapos mamagic-in nalang niya yung damit at viola. Makaka-attend na ako sa party tapos yung mga ipis at daga dito sa bahay, magiging driver ko, tapos may biglang baging na papasok sa bahay at itatali ang mga step sister ko. Kaso lang di naman totoo yun. 

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon