Crumpled Paper

2.7K 75 7
                                        

Crumpled Paper

--x

"Gerica pwede bang isulat mo ito sa blackboard? Baka kasi masira ang kuko ko." utos sa akin ng guro kong kakapalinis pa lamang ng kuko. Lecture nanaman. Ganito ba talaga kaboring ang pag-aaral? Kinuha ko ang chalk sa lamensa at binura ang nakasulat sa blackboard. Nang lilingunin ko ang librong kokopyahin ko ay nahagip ng paningin ko si Kiel. Natutulog nanaman siya. Oo, ang paaralan ay ang tinatawag na pangalawang tahanan pero di padin dapat ito ginagawang tulugan. Bakit pa siya pumapasok kung ganyan lang din naman ang gagawin niya araw-araw? 

Alam ba niya na kapag umabsent siya ay hahanap-hanapin ko ang presensiya niya? Umiling iling ako at saka inumpisahan na ang pagsusulat sa blackboard.  Nang biglang may may tumama sa likuran ko. Inis kong nilingon kung ano at saan nanggaling ang bagay na tumama sa akin. Isang crumpled paper na si Kiel ang nagbato. Hindi na ko nakapagtimpi, eto nanaman siya.

 "Ano nanaman bang problema mo? Sumosobra ka na. Pinapalagpas ko na nga ang mga ginawa mo noong nakakaraang mga araw. Bakit ba ganyan ka?" Uumpisahan niya nanaman ba? Tuwing nakatayo ako sa harapan ay binabato niya ako ng mga nilukot na papel. Ayaw niya ba akong nakikita? Hindi naman ako panget at hindi din ako maganda. Katamtaman lang ang itsura ko na hindi naman kasumpa-sumpa. Wala din akong ginagawang masama. Pero bakit lagi nya akong hinahagisan ng crumpled papers?

 "Nakakainis ka kasi." At bakit naman siya maiinis sa akin? Ni minsan hindi ko siya binati o ginulo. Kahit may lihim akong pagtingin sa kanya ay di ako nagpapansin. Hindi ako ganoong klase ng babae. Hindi ako katulad ng ibang nagkakagusto sa kanya na kulang nalang ay lumuhod at sambahin siya.

 "Ang slow mo kasi." Tumayo siya at lumabas ng klase. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto ay binalibag niya ulit ako ng isa pang crumpled paper. 

Ipinapulot nanaman saakin ni ma'am ang mga lukot na papel at inilagay sa isang sako sa classroom. Doon namin nilalagay lahat ng mga papel dahil maari itong ibenta, at ang napagbibilhan nito ay hindi ko alam kung saan napupunta. Kung sa wallet o sa bulsa ni ma'am.

Nahiga ako sa kama pagkadating ko sa bahay. Naiinis ako. Kahit pilit kong isipin kung ano ang ikinainis niya sakin di ko parin talaga maisip. Wala na nga akong ginagawa para magustuhan din niya ko o pwede na rin nating sabihing..  Mahalin niya din ako eh nainis pa siya sa akin. 

 Pumasok ako sa school nang may nakita akong nagkukumpulang tao. Nagdiretso ako sa bulletin board at nakiisyoso din.  Ngunit nang makita ko kung ano ang mga nakasulat doon ay nagsisisi ako kung bakit ko pa iyon pinuntahan. 'Kiel Vicente, Basketball team's most valuable player was dead-on-arrival, 3:20am. Car Accident.' pa-patay na si Kiel? Nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ko man lang naamin ang nararamdaman ko sa kanya ay iniwan niya na ako?  Umiiyak akong pumunta ng classroom. Maaga pang masyado at nasa baba lahat ng estudyante kaya't mag-isa lang ako dito.  Nakita ko ang sakong pinaglagyan ko ng mga papel na iniipon namin kasama na ang crumpled papers na ibinabato sa akin ni Kiel. Pinuntahan ko iyon at inaalala yung mga araw na binabalibag niya ko. Pasensya na, mahal ko eh. Ni hindi ko nga sa kanya nasabi.

Isa isa kong kinuha yung mga crumpled papers at tinanggal ito sa pagkakabilog. Nagulat ako sa mga nakalagay doon.

'I love you'

'sana mapansin mo naman ako'

'gusto kita'

'wag ka namang masunget'

'hoy, mahal nga kita.'

'di mo naman binabasa :('

'Hindi mo ba alam yung mga style ng old school? yung crumpled papers tapos bubuksan?'

'nakakainis ka naman. I love you nga kasi Gerica'

 Naiyak ako lalo sa mga nabasa ko. Nagsisisi ako. Bakit nga ba di ko naisip yon? Hindi ko naisip na buklatin lahat ng papel na ihagis niya. Edi sana masaya ako. Sana naamin ko rin sa kanya. Bakit kung kelan huli na saka ko to naisipan? Ang tanga tanga ko. Inakala kong basura ang lahat ng ito, inakala kong basura ang mga papel na sana ay makakapagpasaya sa akin noon. Sana bukas, magising ako na nagsusulat ako sa blackboard, at may babato muli sa akin ng mga crumpled paper.

--x

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon