Love At First Sight

2.2K 42 1
                                    

Love At First Sight

--x

"Hoy! Hoooy! HOOOOOY! JESSICA ROBREDO!"

"Ay kabayo! *poink* Aray!" nagulat kasi ako sa sigaw ni Sophie tapos tumama pa ako sa poste habang naglalakad.

"Ano ba kasi tinitingnan mo dyan at di mo man lang marinig yung sinasabi ko na tatama ka na sa poste?!" singhal niya sakin.

"Eh pano ba naman kasi ayun oh. *Drools*" tinuro ko sa kanya yung ice cream stand sa labas ng school namin.

"Gagi ka ba?! Nasa labas na yan ng Schleiden University. Pano tayo makakapunta?" Hihilahin na sana niya ako pabalik kaso...

"Basta." Lumakad na ako palabas kaso may guard kaya...

"Manong guard. May mga nag-aaway dun, pigilin niyo." Turo ko sa grounds na maraming tao, pumunta naman ang utu-utong guard at saka ako tumakbo palabas ng gate. Dali-dali kaming bumili ng ice cream at pumasok na uli sa school dahil may klase pa kami.Kaso habang tumatakbo kami papunta sa klase namin nakasalubong namin yung guard.

"Teka! Kayo yun ah. Wala naman nag-aayaw. Lagot kayo. Pumunta kayong guida--"

"Takbo!!!" Sigaw ni Sophie sabay hila sakin. Tumakbo kami ng tumakbo dahil hinahabol kami ng guard until matrap kami dahil may pader na. Uh-oh! Inagaw ni Sophie sakin yung ice cream ko saka tinapon sa sahig. Whaaaa! Sayang yun. Gusto ko pa naman ng flavor na yun.

"Bakit mo--" tatalak pa sana ko kaso pinutol niya ako.

"Papalitan ko nalang. Ayan na siya. Kailangan nating umakyat kung ayaw mo malagot." Sinimulan na niyang umakyat sa poste pero nakatayo lang ako dun. Alam niyo kasi, may kaiklian ang palda dito.. Ehh hindi naman ako nagdodoble ng short dahil naiinitan ako.. Kaya paano niyo ako mapapaakyat dyan?!

"Dalian mo aba!" Sigaw ni Sophie na malapit na makaakyat. Whaaaaaa! Ano gagawin ko?! I'm doomed. Bigla-bigla may humila saking gwapong lalaki. Anghel ata ito eh.

Bigla niya pinaghawak yung dalawang kamay niya at nilagay sa harap ko. "Tungtong na kung ayaw mo mahuli." Sabi niya sabay ngiti. Tumingin ako sa guard at uh-oh! Malapit na siya. Buti di siya mabilis tumakbo dahil may katabaan siya at medyo maliit. Tumungtong na ako sa kanya at dahan dahan niya ako tinulungan umangat. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat nang makaakyat ako at tumalon na. Pero bago ako tumalon, narinig kong siya yung pinagalitan nung guard. Kawawa naman siya.

"Haaaay! Muntik na tayo dun." Sabi ni Sophie. Nginitian ko lang siya. "What's with the smile? Creepy." Sabay nag-acting pa siyang kinikilabutan.

"Ewan ko sayo." Sabi ko sabay lakad pauna.

"Hala! Nakasmile ka pa din. Whaaa! Ano nangyari sayo?! Dapat galit ka dahil tinapon ko yung ice cream mo eh."

"OA ka naman. Libre mo na nga lang ako ng ice cream tapos mall tayo."

"Sige. Mayaman naman magulang ko eh. Pero wag ka ngumiti ng ganyan please. Kakilabot eh!"

"Ewan ko sayo. Arte mo."

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Time check: 1:32 am? Potek na yan! Di ako makatulog!! Pag pipikit ako, naaalala ko yung mukha nung lalaki kanina. Ano ba yan?! Nasisira ang beauty sleep ko ng dahil sa kanya. Halos kanina pa ako nakangiti na parang aso.. Bakit ba ayaw mawala ng lintik na smile na to. Ilang weeks na din yung nakaraan since makita ko SIYA. Malay ko ba. Lagi ko nalang siya naiisip. Hindi ko na uli siya nakita kaya except kahapon.

Nung sumakay ako sa kotse nakita ko siya na papalabas ng gate ng school. Then boom, di na naman ako nakatulog buong gabi. Kaya inaantok na naman ako ngayon sa school. Pagewang-gewang na nga ako maglakad eh.

"Hoy babae! Mukha kang zombie. Anyare?!" Dire-diretso lang ako naglakad ng makasalubong ko si Sophie.

"Pwede mo ba ako samahan sa cafeteria? Di ako nakakain dahil sabi ng sabi sakin si mommy mukha daw ako zombie. TT_TT"

"Hehe! Mukha naman talaga eh." Lumakad na kami papuntang cafeteria. Inaantok pa talaga ako, ilang oras lang ba ako nakatulog?!

"Ay sorry!" May nakabunggo ako tapos nalaglag yung bouquet na hawak niya kaya agad ko yun pinulot.

"Looks like we meet again, miss---" Awtomatiko akong napalingon sa nabunggo ko at di nga ako nagkamali. SIYA yun. Kahit minsan ko lang narinig yung boses niya, rumehistro na yun sa utak ko.

"A-ah eh, Jessica."

"hmm.. Jessica. Nice to meet you. Drake nga pala. *Shake hands* Sige una na ako." Naglakad na siya paalis pagkakuha niya ng bouquet sakin.

"Ahh.. Wait!" tawag ko sa kanya kaya naman lumingon ulit siya sakin.

"Yes?"

"Ah.. eh. Thanks nga pala nung tinulungan mo ako ah."

"Wala yun. Sie. I'll go ahead." sabi niya nang nakangiti bago tuluyang umalis. Natulala nalang ako ng makita ko yung ngiti niya. Seriously?! Lagi ba talaga siyang ngumingiti?

Nabalik ako sa katinuan ng may humampas sa kamay ko. "Pupunta ba tayo sa canteen o diyan ka nalang maghapon?!" Nasa tabi ko pa nga pala si Sophie.

"Wag na tayo pumunta, sundan nalang natin yun." Hinila ko siya at sinundan namin yung si Drake daw. Grabe! Ang stalker ko na. Ano bang nangyayari sakin?! Anyways, nang mahanap namin siya, nasa stage siya at may hawak nang mike. Mukhang may sasabihin siya. Lumapit pa ako para marinig kung ano yung sasabihin niya pero nang marinig ko iyon, parang pinagsisisihan kong pumunta pa ako dito.

"Students of Schleiden University. Gusto ko lang ipagsigawan sa lahat ng nandito yung nararamdaman ko. Ayaw niya kasi maniwala sakin eh. Sana maniwala ka na this time..

*Insert Out Of my League song here*

"That's how I feel. Danna Mariano, I LOVE YOU! Will you be my girlfriend?" So... This is how love feels. It really sucks. Umalis nalang ako dun at nagpunta sa field. Umupo ako sa may ilalim ng puno. I think I loved him before I knew it. Yeah, ngayon naniniwala na ako sa love at first sight. Pero kahit maniwala ka naman dun, if you two are not meant to be... You can't be together.

--x

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon