My Anonymous Lover

2.5K 78 5
                                    

My Anonymous Lover

 --x

I love you too babe

Tinitigan ko ang inukit ko sa puno na nandito sa paborito kong lugar. Paborito ko ito dahil dito ko nakilala ang kasintahan ko. Kasintahan na minahal ko kahit hindi ko pa nakikita. Nakakapag usap lamang kami sa pamamagitan ng mataas na puno na ito at ng matulis na bagay na hawak ko. Ni minsan hindi kami nabigyan ng pagkakataon na mag-usap at magkita ng personal. Iyon ay dahil natatakot ako. Natatakot ako na pag nakita niya ako ay hindi niya ako magustuhan, na baka iwanan niya ako. Handa naman akong tanggapin kung ano siya, dahil sigurado ako sa nararamdaman ko. Mahal ko siya at mamahalin ko pa kahit na ang pag-ukit lamang sa puno na ito ang paraan para maipadama niya sa akin ang pagmamahal na hinahanap ko. Hindi ko nga rin alam ang pangalan niya, at hindi rin ako sigurado kung totoo at tunay ang pagmamahal na sinasabi niya..

Unang araw ngayon ng klase. Tapos na ang christmas break balik aral nanaman. Umpisa ng paghihirap at katapusan ng kasarapan. Huminto ang kotse ko sa harap ng aking paaralan. Ang Schleiden High. Dumiretso na ako sa 4th floor ng highschool building at hinanap ang room 102-B,ang classrroom namin. Pumasok ako sa loob at umupo sa bandang sulok. Isuksok ko sa tenga ko ang earphones at nakinig nalang sa music.  May isang grupo ng lalaki ang pumasok sa classroom. Ang iingay nila. Nakakairita. Dumaan sila sa gawi ko ng biglang.

 Napatayo ako bigla ng maramdaman kong may malamig na inumin ang tumapon sakin.

"Ano ba?!" singhal ko sa lalaking nakatapon nito sa damit ko. Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy siya sa paglalakad. Ni hindi man lang siya nanghingi ng sorry? Anong klaseng tao ba siya? Siya na ang nangbasa siya pa ang may ganang magsungit? Abay kahit first day palang ay hindi ko palalampasin ito.

 "HOY IKAW LALAKI KA! HINDI KA BA MARUNONG MANGHINGI NG SORRY?!! IKAW NA NGA ANG NAKABASA IKAW PA ANG MAY GANANG MAGSUNGIT?!! NI HINDI MO MAN LANG AKO BINIGYAN NG TISSUE PAMUNAS?!HINDI PA NAGUUMPISA ANG KLASE PERO BASA NA AKO? WALA KANG KWENTAAAAAA!!! UGH!" tuloy tuloy na sabi ko sa kanya.

 "Oh, bumili ka ng tissue mo" hinagisan niya ako ng 1000 peso bill.

"Ano tingin mo sakin pulubi?" 

"Ano bang gusto mo?Diba sabi mo kailangan mo ng tissue? Ayan pambili mo. Ang ingay ingay mo, iskandalosa ka."

"Ang --" sasagot na sana ako ng dumating ang isang matanda na naka uniporme,ang adviser namin. Inis akong umupo at inirapan yung pa-cool na lalaki na yon.  Ano bang nagugustuhan ng mga babae sa kanya? Isa siyang mayabang na ewan. Nakakainis talaga yung Brylle na yon! Ano bang problema niya?

 "Nag-enjoy ba kayo sa mga bakasyon nyo?" 

 "Yes sir!" Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko.

 "Mabuti naman, dahil may ipapagawa akong poject sa inyo"

"ayyyyyyyy." bumagsak ang mga balikat ng mga tamad kong classmates.

"By twos. Bubunot kayo ng makakapartner niyo dito sa garapon. Magkakaroon tayo ng elimination para sa Debate. Lahat kayo ay obligadong sumali dahil dito ko kukuhanin ang marka niyo sa recitation." babae ang pinabunot sa harap. Hindi ko na pinili ang papel na kinuha ko. Binuksan ko iyon at inis na tiningnan. Brylle Lopez' tinitigan ko ng matagal ang nakasulat na pangalan sa nabunot ko. Hindi ma process ng utak ko kung sino ang partner ko. 

"Leah Figaroa maari ko bang malaman kung sino ang partner mo?" Padabog kong ibinaba sa lamensa niya ang maliit na papel na hawak ko. Bakit sa dami ng pwedeng maging partner ay siya pa? Bakit iyon pang mayabang na iyon? Nakakainis!

"oh, si Mr. Lopez pala." nakangisi siya at tumatango tango. Alam naman kasi nilang lahat na si Brylle ang worst enemy ko.

"Okay class. Kailangan nyong galingan. Nakasalalay sa inyo at sa mga partners niyo ang marka niyo." 

Inis akong nagpunta sa puno upang tingnan kung may bagong ukit ang kasintahan ko dito.

'babe pwede ko bang makuha ang number mo? gusto ko kasing marinig ang boses mo' 

seryoso ba siya?  inukit ko sa puno ang number ko at umalis na. Bukas ay may practice kami ni Brylle, kaya kailangan kong umuwi at mamahinga upang makapag-ipon ako ng maraming pasensya.

 **Kinabukasan

Nandito kami ni Brylle sa canteen pinag-uusapan namin yung about sa debate. Nagtatalo nanaman kami dahil sa ugali niya. Mukhang kahit kelan ala na kaming pag-asang magkasundo. Walang wala. 

"Umayos ka diyang tukmol ka, kung hindi sasapatusin kita!" pabulong kong singhal kay Brylle. Maguupisa nanaman siya ng gulo. Wala talagang kwenta tong isang to.

"sapatusin mo mukha mo. Naka sandals ka kaya. Kahit kailan ang engot engot mo talaga kaya walang nangliligaw sayo eh" ani niya.

 "At bakit hindi ba ako pwedeng manghiram ng sapatos sa mga tao dito para maibambo ko sayo?! At for your information mister, may boyfriend ako hano! B-O-Y-F-R-I-E-N-D. Kapal ng mukha mo. Walang nangliligaw ka diyan." sagot ko.

"At sinong TBI naman ang nagkagusto sayo? Malamang may sakit yun sa utak! Bulag din siguro yon, kungdi naman Animal lover!At isa pa, hindi ko tinatanong kung ano ang spelling ng boyfriend. " sabad niya.

[A/N: TBI= Tanga bobo inutil]

"Aba sumosobra kana ah! Nakakasakit ka masyado ah! Bakit? Ikaw nga wala ka pang girlfriend, palibhasa Bading ka!"

"Aba loko to ah! at for your information din ginang! May syota ako hano! Tapang ng hiya mo. Kung sayo nga may pumatol eh, sakin pa kaya? Pagka-gwapo kong ito?"

"Ah basta! Nararadar kong mayroon kang 99.9999999% na dugong berde! At hindi akong naniniwalang may girlfriend ka!"

"Gusto mo bang patunayan ko? Teka tatawagan ko. Buti nalang at meron na kong number niya." *ring ring* at tinawagan nga ni Brylle yung Girlfriend niya. Kasabay non ang pag ring ng cellphone ko, sinagot ko ang cellphone ko at nanglaki ang mata ko.

 "IKAW?!" gulat naming sabi at saka kami humagalpak ng tawa.. Sino nga bang mag aakala na ang worst enemy ko pala ang taong minahal ko dahil lamang sa mga ukit sa puno? Sino bang mag-aakala na ang taong kinaiinisan ko  pala ay ang aking anonymous lover. ♡♡♡

--x

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon