PERFECTLY UNKNOWN
--x
Is it a sin living in your own nature? I mean, kasalanan bang ipakita ang totoong kulay mo? Kailangan bang baguhin ang sarili ko para sa iba? Hindi bat dapat tanggapin ka nila kung ano ano ka kung mahal ka nila? Pero masasabi mo bang yun ang totoong kulay mo kung hindi ko pala kilala ang sarili ko, If you're PERFECTLY UNKNOWN to yourself.
Laurice' POV:
"Jared Enzo Silver Hurley! Where are you going again?!" Sigaw ko sa magaling kong asawa. Paano ba naman kasi aalis na naman siya. "Nasa hospital si dad. Nakipag-away na naman sa kung sino." Haaaay! Sabi ko na nga ba.
"Diba kanina lang yung pinsan mo yung na-ospital?"
"Si dad naman ngayon. I need to check him. Sige alis na ako." Hinalikan niya lang ako sa pisngi at umalis na. Sa totoo lang sanay na talaga ako sa ganyan. Pamilya sila ng warfreaks, ano magagawa ko? Expect fights everyday, that's all. But, masarap din na isa na ako sa pamilya ng kinatatakutan right? Pero ang masaklap lang.. Wala nang time si Enzo sakin. Alam ko namang 19 years old palang kami at 1 year palang kaming kasal kaya ayos lang na hindi umaktong mag-asawa dahil bata pa kami. Pero can't he act sweeter than that. I mean, at least umakto naman siyang boyfriend ko. 5 years ko siyang hinintay. 14 y.o ako nang nag-propose siya sakin. Tiniis kong huwag makipaglaro sa mga lalaki hanggang sa mag-18 ako dahil fiancée ko nga siya. Pero ngayong kasal na kami wala pa ding pagbabago kaya nagsasawa na ako. Puro family pa din ang iniisip niya. Ghad! Kaya wag niya ako sisisihin kung may iba na ako. Bata pa naman ako nuh. Duh! Kung siya family niya ang iniisip niya, yung ibang tao nalang iisipin ko. A cassanova will always be a cassanova. Can't change me, I'm sorry. Laurice Emerald will always be Laurice Emerald.
"Hello, babe." Tawag ko sa kabilang linya. My new playmate, Chris Aguilar. Isa ring cassanova. So how was it? Playing each other. "Let's have a date, honey. Wala yung asawa ko eh. Boredom's killing me here."
"F*ck! Di ka pari pala tumitigil Laurice?!" Narinig kong may nagsalita kaya agad akong humarap sa pinto at nakita ko Enzo.
"Oh god! Enzo, let me explain." Lumapit ako sa kanya pero tinaboy niya lang ako.
"Hintayin mo na lang yung annulment paper sa bahay niyo." With that, umalis na siya. Ghad! What the hell did I do?! I messed things up.
"Hey Laurice. Ano? Tayo naman pakasal?" Narinig kong sabi ni Chris sa kabilang linya.
"F*ck you!" Pinatay ko na yung tawag and started packing my things up. We're over. Siguro tama lang 'to. Wala naman kaming patutunguhan ni Enzo, so it's better to seperate. Though, masakit parin talaga dahil after all, may pinagsamahan kami. Months passed away. And I think matatagalan pa yung annulment paper. But Enzo is currently working with it. Ako, well, ito may bagong boyfriend. Duh! Move on with your life. Di porket nawalan ka ng asawa di ka na mabubuhay. Pero ang problema, hindi ko naman mahal yung boyfriend ko. Well, let's just say. Parang naisip ko na na my life has no direction simula nang nawala si Enzo. Hindi ko siya sobrang mahal para mawalan ng saysay yung buhay ko. Pero, duh! Asawa ko siya at naghiwalay kami, kahit papaano ang baba na ng tingin ko sa buhay ko. Kaya nga ito ako ngayon, pag di ako nakahanap ng totoong mamahalin, I'll stick with my current boyfriend forever. Eh kesa naman sayangin ko yun.
"Babe, let's have a dinner." Text sakin ni Zin. Yeah right. His name isa Zin Adrielle Diaz, ang boyfriend ko. Nagbihis na ako dahil siguro maya-maya dadating na siya. Dress and heels, I think it's enough. Then, tama nga ako. Pagkabihis ko dumating na siya at diretso na kami sa restaurant. Habang kumakain kami, may waiter na nagbaba ng ice cream sa table namin. Nabitawan ko yung knife and fork na hawak ko, muntik pa ako mabilaukan eh.
BINABASA MO ANG
One shot stories -compilation-
Fiksi RemajaCompilation of one shot love stories.. Paano magsulat ng love story ang mga single? Go and check this compilation.
