Soulmate

2.1K 52 2
                                        

Soulmate

--x

"I'm so sorry, Ciela. Please give me another chance." sabi ng isang binata sa isang boses na puno ng pagsisisi.

"Chance?! Another chance?! Para lokohin lang ulit ako?! Wag nalang Jay. We're over." Madiing sagot ng dalaga dito bago tumalikod.

"Sige, hihintayin kita. I love you!" Sabi ng binatang nasa kabilang linya ng telopono bago ito patayin. Naglakad na ang dalaga papunta sa park upang hintayin ang kanyang boyfriend roon. Habang naglalakad siya ay may biglang nagtakip ng mata niya. Naamoy niya agad ang pabango ni Rence, ang lalaking pinakamamahal niya.

"Rence, ang kulit talaga oh." Sabi niya dito habang tinatanggal niya ang kamay nito sa pagkakatakip sa mata niya at humarap dito.

 "Kilala mo na talaga ko." Ani nito bago hawakan ang kamay niya.

"Syempre--"

"--Mahal kita. Alam ko na yun Ciela babes." Putol ng binata sa sinasabi ng dalaga.

"Kapal talaga." bulong ni Ciela.

"Ano?" Sabi ng binata nang hindi niya narinig ang sinabi ni Ciela pero tinanggi lang ng dalaga na hindi siya nagsalita kaya kiniliti siya nito.

"Wala naman-hahaha--akong sinabi eh." Sagot ng dalaga habang pinipigil ang pagkiliti sa kanya ng binata.

"Oh!" Tumigil ang binata sa ginagawa at may pinulot sa lupa. Nang tumayo ito ay may hawak na ito na pulang laso. Kinuha nito ang kamay niya at itinali roon sa hinliliit niya ang laso. Nagtatakang tinignan lang ng dalaga ang binata upang itanong kung para saan ang ginawa nito.

"May nagsabi kasi sakin na kapag mag-soulmate yung dalawang tao, may invicible na pulang laso na nakatali sa mga hinliliit nila sa kamay. Gusto ko lang ipakita na ako talaga yung soulmate mo." Napangiti nalang ang dalaga sa sinabi ng binata sa kanya.

Dumilat ako at nakita ang puting kisame ng kwarto ko. Inisip ko uli yung napanaginipan ko, sobrang weird naman ng panaginip ko na yun. Bakit ba napanaginipan kong nakipag-break si Jay sakin? Saka sino ba yung --Rence na yun? Tumayo na ako sa kama at tinignan ang oras sa alarm clock ng bedside table ko. Shoot! 7:00 am na pala.

Lumakad na ako papuntang banyo pero muli kong tinignan yung orasan.. Parang may mali eh. Pero di ko nalang pinansin dahil late na ako. Bumaba na din ako pagkaligo ko at naamoy ang mabangong amoy ng niluluto ni mama.

"Morning ma!" Bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.

 "Teka! Ayos ka na ba?" Tanong niya sakin nang may pag-alala.

 "Oo naman po. Bakit naman po ako magiging hindi ayos?" Kumuha na ako ng plato at sinimulan nang kumain. Umalis na si mama na parang may binubulong. Weird! Lumabas na din ako at nakita ko si mama sa garden. "Ma, di po ba ako susunduin ni Jay? Dapat andito na siya eh."

 "Jay? Pero wala na kayo." Sabi niya na parang nagulat pa.

 "Ha? Kailan pa kami nagbreak? Ano bang sinasabi niyo, Ma?" Hinipo niya yung noo ko na siya namang ipinagtaka ko.

 "Wala ka namang lagnat." Komento niya matapos hipuin yung noo ko.

 "Ma! Wala naman talaga. Saka nasan na po si Jay?" Naiinip na ako dahil ayaw naman sabihin ni mama kung susunduin ako ni Jay o hindi.

"Sinabi ko na sayo. Wala na nga kayo ni Jay. Di mo ba naaalala na nakipag-break ka sa kanya months ago? Haaay! Batang to." sabi niya bago pumasok sa loob. Ano bang sinasabi ni mama? Break?! Hah! If that would happen. Umalis nalang ako dun at pumasok na sa school. Iniisip ko pa din yung sinabi ni mama. Bakit naman kami magbe-break ni Jay? Eh mahal ko nga yun. Habang lumalakad ako, nakita ko si Jay, napangiti ako, nilapitan ko siya at kumapit sa braso niya. 

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon