Chained Love
--x
Alam mo ba yung feeling ng may mahal ka? Pero hindi ka mahal ng mahal mo. Tapos yung mahal ng mahal mo, hindi siya mahal? Ang gulo nuh? Parang naglolokohan lang yung mga tao. Ganun! Ganun kahirap ang magmahal. Nakakatakot na hindi ka nila mahalin. Pero kahit ikaw hindi mo naman kayang mahalin yung mga nagmamahal sayo basta basta. Cause people are selfish. We are all selfish. Bakit? We are loving someone who can't love us, and ignoring someone who's loving us. Gusto natin yung mahal natin yung magmamahal satin. Hello? Pano naman yung iba?Yung mga nagtiya-tiyaga na mahalin ka? Maging masaya ka pag nahanap mo na yung tamang tao para sayo. Ang hirap kaya humanap ng tao na masasabi mong 'compatible kayo' Someone might sacrifice, stop loving and look back. Baka may naghahabol sayo. Paano? Here's one.
Here I am, watching him. Hanggang tingin lang ang drama ko eh. Yung tinitingnan kong may tinitingnang iba. Si Jiro. And guess what? Yung tinitignan niya na si Krysta ay may tinitignan din, si Jheremy, which is kanina pa tumitingin sakin. Kami na nagtitinginan. Naman! Drama nang buhay ko eh. Friend ko dati si Krysta, but the hell, nagalit sakin dahil may gusto sakin si Jheremy. I'm Jade Millicent nga pala. Ganda ng name ko no? Dami nga nahuhumaling sakin, siya lang hindi. So, eto nga, forming chain ang tinginan naming apat. Imbyerna talaga! Kung pwede lang pagpalitin ko si Jheremy at Jiro, kanina ko pa ginawa. Speaking of Jheremy, ayun papalapit na sakin at ang bruhang Krysta, sama ng tingin.
"Hi! Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya sakin. Duh! Kasi wala akong kasama kaya ako mag-isa.
"Bakit ikaw, mag-isa rin?" pabalik kong tanong sa kanya.
"Ibig sabihin, tinitignan mo din ako?"
"Asa ka, dude!" Kinuha ko yung gamit ko saka ako tumayo. Pupunta na akong room. Imbyerna na dito! Tinignan ko ulit si Jiro at nakng! Nasa tabi na siya ni Krysta a t ang babae, nakuha pa akong ngitian. Oh let me scratch that, that's a smirk. Umupo ulit ako at sinubukang kumalma sa harap ng mokong na Jheremy na to.
"Oh? Bakit ka uli umupo?" tanong ng mokong.
"Wala lang. Bakit nga pala, lumapit ka dito?" with matching smile pa yan ah.
"Ah eh, makiki-upo?" Ay tokwa! Ano bang palusot yan? Nakaupo na nga siya kanina bago lumapit sakin eh. Kaloka! Yaan na nga. Tumingin uli ako sa kanila. Si Krysta sama ng tingin sakin. Pangiti-ngiti pa kanina. Napatingin din naman sakin si Jiro. My God! Ano gagawin ko? Ngumiti nalang ako sa kanya pabalik. Mukha akong aso.
The bell rang. Pumasok na kami sa room namin. Nasabi ko na bang magkakaklase kami. At ayun, as expected, tinginan na naman kami. Buset lang! Araw-araw ganyan ang ginagawa namin. Kasawa nuh? Pero mas nakakasawa yung pakikinig ng lesson. Hindi naman nagtagal at nag-uwian na.
"Ahm.. Hatid na kita sa bahay niyo, kung okay lang?" tanong sa akin ni Jheremy.
"No thanks!" sagot ko ng di tumitingin.
"Hatid na kita." Pumalakpak naman ang tenga ko nang marinig yun kay Jiro, my loves ko. Pero tengene, pag harap ko, kausap niya pala si Krysta, hindi pala ako at ayung Krysta, pinagseselos ata ako. Pumayag siya, pero syempre hindi ako papayag diba? Kaya in the end? Kaming apat ang sabay-sabay. Buset diba? Since, magkaiba ng way ang aming bahay. Humiwalay na kami ni Jiro, my loves. Kami sa kanan sila sa kaliwa. Ayun, napangiti naman ako pati si Krysta napangiti din. Nagkatinginan kami kaya nagkangitian din kami
"Jade, ahmmm... kaibigan mo si Krysta, diba?" siya, habang naglalakad kaming dalawa. Ako naman? Napatigil, I was expecting na magtatanong siya tungkol kay Krysta. But I don't know that it hurts so much.
BINABASA MO ANG
One shot stories -compilation-
TeenfikceCompilation of one shot love stories.. Paano magsulat ng love story ang mga single? Go and check this compilation.
