Letter In A Bottle
--x
Andito ako ngayon sa dalampasigan. Naglalakad. Pinapakinggan ang hampas ng mga alon na tila musika sa aking tainga. Nagmumumuni-muni.. Nagbabakasali.. Nagbabakasakali na.. Makatanggap muli ako ng sulat sa isang botelya galing sa isang taong hindi ko kilala.. ... botelya na pinaniniwalaan kong tinangay ng tadhana papunta sakin... Tinangay ng mga alon sa dagat dahil ito'y para talaga sa akin.
** Flashback
Naglalakad ako sa dalampasigan ng may isang bagay na makislap dahil natatamaan ng araw. Nilapitan ko ito at pinulot. Isang botelya.. Botelya na mayroong laman na sulat. "Saan kaya ito nanggaling?" tanong ko sa sarili ko. Wala naman kasing malapit na isla dito sa beach house ko. Kung mayroon man. Malayo. Binuksan ko yung laman ng sulat..
Sana tangayin ng mga alon itong sulat na to. Papunta sayo, sayo na nagiisang lalaking sa buhay ko. Lagi mong tatandaan mawalay man ako sa saiyo, sa iyo ko lang iaalay itong puso ko. Mahal mag-iingat ka ha? Babatayan kita palagi, dito sa itaas. Hindi man tayo para sa isa't-isa.. Hinding-hindi ka mapapalitan dito sa puso ko. Kahit na hinadlangan ng lahat ang ating pag-ibig para sa isa't-isa.. Pero sana, huwag mong isasara ang puso mo para magmahal muli. Wag kang mabubuhay ng puno ng pagkamuhi at paghihiganti. Ang lahat ng ito ay may dahilan.. Lahat ng nagyayari ay itinakda.. Para sa ikabubuti ng lahat. Hindi man para satin, ngunit para sa iba. Paalam mahal ko, nawa'y pagkatapos mong mabasa ang sulat na ito ay patawarin mo na ang iyong sarili. Wala kang kasalanan..
- Maria
end of flashback
Hindi ko alam pero parang pamilyar ang pangalan niya. Narinig ko na ito.. Pero hindi ko matandaan kung kailan at saan.. Kusang naglakad ang mga paa ko. Kusang naglakad papasok ng bahay. Diretso sa silid ng lolo ko. Ewan ko, pero parang may nagtutulak sakin na magtanong sa kanya. Kumatok ako sa kwarto niya..
"Sige, pumasok ka" sagot sa akin ni lo kaya naman, pumasok na ako.
"Lo, kilala nyo po ba si Maria?" Tanong ko, na siyang ikinabigla ni lolo.
"Ma-maria ba kamo?"
"Opo lolo." Bakas sa mukha niya ang lungkot nung sinabi ko iyon. Sa palagay ko'y kilala niya nga si Maria.
"Oo apo. Kilala ko si Maria"
"Kung ganon lolo, maari mo ba akong kwentuhan tungkol sa kanya?"
"Si Maria ay isang anak ng mangingisda dito apo. Isa siyang magandang dalaga, mabait, matulungin at masunuring anak. Sapat na dahilan upang mahulog ang loob ko sa kanya. Nagmahalan kami apo, ngunit hindi pwedeng magtagal ang aming relasyon. Hindi daw kami maaring magkatuluyan dahil mahirap si Maria, at meron nang itinakda ang Papa na babae para sa akin. Isa siyang anak ng mayaman na haciendero.. Ngunit mahal ko si Maria. Nagtanan kami ngunit hindi nagtagal ay natunton din kami ni Papa. Binalaan niya kami na kung hindi kami maghihiwalay ay ipapatay niya si Maria. Ngunit hindi ako natitinag.. Naniniwala kasi akong hindi kayang pumatay ni Papa at kung mapapatunayan kong nagmamahalan kami ay hahayaan niya na kaming mabuhay ng masaya. Pero nagkamali ako. Pinadakip niya si Maria.. Nawalan ako ng koneksyon sa kanya.. Hanggan sa araw ng kasal ko.. Sa araw ng kasal namin ng Lola mo. Nabalitaan ko nalang na ipinagahasa ni Papa si Maria sa mga tauhan niya at pinatay.. Namatay siya apo dahil sakin.. Ako ang kumitil ng buhay niya apo.. Ako." Napansin kong may tumulong luha sa mata ni lolo. Kasabay din ng pag-agos ng sa akin.. Mukhang mali ako.. Hindi para sa akin ang sulat sa botelya.. Para ito kay lolo. Inabot ko sa kanya ang sulat.
"Pa-para saan ito apo?"
"Basahin niyo po." Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sa akin tingay ang bote. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng maykapal.. Hindi ko alam. Pinunasan ni Lolo ang mga luha niya..
"Saan mo ito nakita apo?" Dinala ko si lolo sa dalampasigan ng may makita kaming isang babae, isang magandang babae.
"Kamukhang-kamukha niya si Maria" napilingon ako kay lolo.
"Mukhang tama si Maria, lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan.. Hindi man makakabuti samin, ay makakabuti ito sa iba." dagdag niya. Naguguluhan ako sa sinasabi ni lolo.
"Apo, lapitan mo siya." sabi sa akin ni lolo.Nilapitan ko yung babae.
"Ah, hi miss"
"Hello :)" Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung nginitian niya ako..
"A-anong pangalan mo?" nauutal na tanong ko.
" Ako si Marie." Marie? Napakagandang pangalan.
"Ako nga pala si Simon."
--x
Pinagmamasdan sa malayo ng matanda ang apo niyang si Simon. Kahit papaano ay nagkaroon ng kapatawaran sa puso niya. Dahil sa sulat.. at dahil na rin sa nangyayari ngayon. Alam niya sa sarili niya na hindi man sila naging masaya ni Maria ay nakikita niyang magiging masaya naman ang apo niya sa piling ng dalagang kamukhang kamukha ni Maria. Alam niyang lahat ng nangyayari ay may dahilan. Hindi man para sa kanila ni Maria pero para sa iba.. Hindi man sila nagkatuluyan ni Maria ay alam niyang mayroong magpapatuloy ng pag-iibigan nilang dalawa, at hinding hindi niya hahayaang may pumutol muli nito.. Hinding hindi.
--x
BINABASA MO ANG
One shot stories -compilation-
Teen FictionCompilation of one shot love stories.. Paano magsulat ng love story ang mga single? Go and check this compilation.
