Another Chance

2.4K 53 2
                                    

Another Chance

--x

"Ah, Syrille, pwede bang lumabas tayo mamaya?" Tanong ni Josh sakin for the ninth time.

 "Kailan mo ba ako balak tantanan?! Di mo ba naiintindihan na ayaw ko sayo?! Ayoko sana kitang saktan pero ayaw mo din akong tigilan. A-yo-ko sa-yo! Okay?! Nakita mo na ba yung sarili mo sa salamin?! Tignan mo muna saka mo ako ligawan saka ipasa mo muna yung mga grades mo. Pero mas maganda kung wag mo na nga ako kausapin kahit kailan! Kasi mukhang wala ka nang pag-asa."

 "S-sorry." Yun na lang ang nasabi niya at yumuko na lang. Tumalikod na ako sa kanya. Ang sama ko ba? Siguro dapat lang naman siguro sa kanya yan. Para hindi na siya umasa sa akin. Hindi naman kasi siya worth it kung ipaglaban ko pa siya. Umalis na ako tapos nakita ko na nilapitan na naman siya ni Tracy. Nakakaasar talaga tong babaeng to. Feeling niya maaagaw niya sakin si Josh sa pagko-comfort niya na yan?!

 "Oh girl? San ka galing?" Tanong ni Joy sakin pagkaupo ko sa isa sa mga swing dito sa playground, dito kasi kami madalas pumupunta.

"Wala dyan lang. Tsk!" Sagot ko saka sinipa yung bato sa harap ko. Nakakaasar talaga yung Tracy na yun.

 "Whoa! Anyare ba? Mukhang inis na inis ka?" Tanong naman ni Lizzy sakin at naglapitan na silang tatlo.

 "Eh nakakainis kasi eh. Nilapitan ni Tracy si Josh nung sinabihan kong tigilan na ako."

 "Eh gagi ka ba?! It's right that you dumped him. He doesn't deserve you. Tapos ngayon ganyan ka." Sermon naman sakin ni Aura, kahit kailan talaga parang nanay.

"Eh yun na nga eh. May gusto naman ako sa kanya kahit konti, si mama at papa lang yung may ayaw sa kanya."

"Don't forget us. We hate him too. I mean, ang pangit niya maganda ka, look at how you dress pero siya ang baduy ng style, ikaw isang heiress pero siya malay natin baka mahirap lang yun. Di kayo talo, girl." Lizzy

"*haaaay*" napabuntong hininga nalang ako. Pati pala sila ayaw kay Josh. Di ko talaga siya kayang ipaglaban. I can't choose him over my friends and parents.

 (Months After)

 Ilang buwan ng hindi nagpapakita sakin si Josh. Siguro mali ngang sinabihan ko siya ng mga ganung salita. Pero nabalitaan kong pinagbubutihan niya mag-aral ngayon. Nasa top nga ata siya eh. I'm happy for him. Habang naglalakad ako sa grounds ng Schleiden High nakarinig ako ng tilian ng mga babae. Tsk! Siguro gwapo yan kaya nagka-grand entrance dito. Hindi ko na dapat yun papansinin ng may marinig akong usapan na ganito: "OH-MY-GOLLY! Si Josh ba talaga yan?!"

 "What the heck?! Mukha pala siyang anghel?!"

 "Sh*t! Ang swerte niya." At ang pinakamatindi. "Whoa! Bagay na bagay si Josh at Tracy!" Nang marinig ko yun, agad akong sumiksik sa kumpol ng mga babaeng makiri. And there, I stood dumbfounded. Hindi tagala ma-process ng utak ko na si Josh ang nasa harap ko. I mean, maling mali na hinusgahan siya ng parents at friends ko. At sana pinaglaban ko siya dahil ngayon, walang dahilan para hindi siya magustuhan ng mga magulang at kaibigan ko. Dahil ngayon kung meron mang taong perpekto, siya na 'yon. Ibang-iba na yung hitsura niya tapos nakasakay siya sa isang lamborghini, showing na mayaman sila. Napasinghap ako nang bigla siyang napatingin sa direksyon ko. Okay?! What to do? What to do?! At ang mas kinagulat ko ay nang nginitian lang niya ako. Natulala lang ako sa kanya at nang mabawi ko ang lumilipad na isip ko ay napatingin ako kay Tracy na nakakapit lang sa braso niya, at nakita kong ngumiti din siya. Umalis na sila kasabay ng iba pang estudyante at ako nalang ang naiwan dun, parang hindi ko makilos yung mga paa ko. Ilang minuto na akong nakatayo dun at wala talaga akong balak umalis nang nilapitan ako ni Tracy, siya lang at di niya kasama si Josh.

 "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sakin at tumango na lang ako. Pumunta kami sa isang bench at inabutan niya ako ng isang soda.

 "Sorry." sabi niya pagkaupo kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya at saka uminom. May nagawa ba siya sakin at nag sorry siya?

"Sorry, kasi alam ko namang mahal mo rin si Josh pero mahal ko din siya. Sobrang saya ko nga nung nalaman kong ayaw sa kanya ng mama mo. Sorry at sinamantala ko yung pagkakataon nung nasaktan mo siya, di ko kasi matiis na makita siyang nasasaktan eh. Gusto ko sanang humingi nang permiso sayo na mahalin siya. Kasi alam ko namang mahal mo pa siya pero alam kong ayaw lang ng magulang mo sa kanya. So, kaya mo bang maparaya? Para sa kanya din naman to eh." Ngumiti siya sakin at pinilit kong tumawa ng mahina.

"Sino ba nagsabing mahal ko siya?" ani ko bago tumayoo. Ayokong aminin sa kanya yung totoo. Mas masasaktan lang ako. Aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa braso. Tumingin ako sa kanya at nakita ko lang siyang nakangisi. Tumayo din siya saka ako sinampal ng malakas na sadyang kinagulat ko.

"Para yan sa katangahan mo. Akala ko matatauhan ka na nung magkasama kami kanina. Binigyan na kita ng pagkakataon ngayon para ipaglaban siya. Pwede mo naman sabihin na hindi ka pumapayag na maging kami dahil mahal mo siya, pero ano ginawa mo? You denied it. I'm playing cupid here pero wala ka pa ding pakialam. Wag ka mag-alala, this time, totoo ko na siyang aagawin sayo." tumalikod siya. Pinagsisihan ko ang sinabi ko. Mali, mali ang desisyong kong hindi ipaglaban sa dulo yung taong gusto. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero.. tama. Hinila ko sa braso si Tracy.

 "Hold on." pero imbis na kausapin ako, isang sampal muli ang nakuha ko.

 "How dare you talk like that? Like you haven't thrown him away. Remember, chances are given only to those who fight. But you, you only fight when game's over. Hihingi ka ba ulit ng pagkakataon? How selfish you are?! NO. Hindi mo siya kayang ipaglaban, well ako kaya ko." Hinila niya pabalik ang braso niya sakin at tuluyan na akong iniwan. For the secoond time, I lost and I will never win because for the second time, I didn't try to fight. Ngayon alam ko na, you always can't have 'another chance' when you aren't fighting and pursuing. Because chances are only given to those who fight. You can't win by your luck in the game called 'love'.

--x

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon