Fame
--x
"Cut! Cut! Cut! Ano ba naman yan?! Di pa po oras ng autograph signing!" Sigaw nung direktor nang may babaeng nasa edad 40+ ang lumapit sakin. Sino ba naman kasi ang hindi sisigaw ng ganyan kung may um-extra habang nagte-taping ng scene para sa isang pelikula. Actually.. She's my mom. Kaya nga ba ako naiinis na dito isu-shoot yung pelikula eh. Kasi naman..
5 years ko nang kinalimutan na may magulang pa ako. 18 years old nang makuha ako sa isang advertisement at sino nga ba ang mag-aakalang magiging isa akong sikat na artista. Kinalimutan ko ang mga magulang ko dahil kahit kaunting pansin sa mga ginagawa ko ay hindi nila pinapansin. Puro nalang si ate. Naiinggit ako kay ate dahil siya lagi ang meron ako, wala. Kaya simula nung araw na binigyan siya ng bagong damit ni mama at ako hindi.. Sinabi ko na sa sarili kong, magsisikap ako at ipapakita ko sa kanila na mas magaling talaga ako kay ate Ryzza at kailangan pantay lang ang trato sa amin noon.
"Ikaw yan diba? Emerald, si mama mo to." Pero bago pa niya ako mahawakan, may mga staff na na humila sa kanya. I feel sorry for her. Matapos ang isang nakakapagod na shooting, pinili ko na dumiretso na sa hotel na tutuluyan namin. Gusto ko na talaga magpahinga. Pero nang makarating ako sa van, naghihintay dun si 'mama'. Gusto niya makipag-usap sakin kaya pumayag ako.. So, we talked while having a walk.
"Kumusta ka naman, anak? Alam mo bang miss na miss na kita? Nagulat na lang ako nang makita kita sa tv." panimula niya.
"Eto, ayos naman. Masaya na yung buhay ko." simula nang mawala kayo. Sana nakuha niya yung gusto ko iparating.
"Haaay. Hindi ka nga talaga naging masaya sa piling namin." Sabi niya na halatang nasasaktan. Hindi nalang ako sumagot at naglakad nalang sa katahimikan. Baka mas makasakit ako kung magsalita pa ako, gusto ko lang silang magsisis, hindi masaktan.
Ilang minuto lang kaming naglalakad sa katahimikan nang gabing ito nang bigla siyang nagsalita. "Malapit nalang dito yung bahay natin, gusto mong umuwi na?" Natin.. Umuwi.. Sa bahay natin. Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko din naman maitatanggi sa sarili kong namimiss ko na sila. Ibang-iba na yung bahay nang makapasok ako. Ang dami na ding nabago. Nagulat sila nang makita ako. May asawa na pala si ate at may isang anak. Sa totoo lang masaya ako kahit hindi sila ganun kayaman, simple lang ang buhay nila pero hindi maitatanggi na masaya sila. *sigh* Hanggang ngayon ba kakainggitan ko si ate?
"Emerald?!.. Emerald!" Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni papa at ni ate. "Kala ko nakalimutan mo na kami. Alam mo bang miss ka na namin? Saan ka ba nagsuot?" Napangiti ako ng mapakla. Balak ko talagang kalimutan sila, pero makakalimutan ko ba ang mga taong 18 taon kong nakasama?
"Candy." Tawag ni ate sa anak niya. "Meet your tita Emerald." Bakit ba sila ganyan umasta? Dapat ata nag-artista din sila. Diba't hindi naman ganito ang trato nila sakin dati?At bakit pakiramdam ko, normal lang ang trato nila sakin? Na parang hindi ako umalis.
"Ey~la" bati naman sakin ni Candy. Napangiti ako sa sinabi nito. Mukhang pati bata kilala ako. Ella.. Tauhan sa isang palabas ko na talagang sumikat sa Pilipinas.
"Tita! Nagdala po ako ng ice cream!" Napatingin kaming lahat sa pinto nang may pumasok roon. Naramdaman kong bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang tumingin siya sakin. Hah! First love never dies..isang kasinungalingan para sakin. Pero mukhang mali na naman ako.
Umupo lang ako sa sofa at pinagmasdan siyang kumuha ng ice cream sa isang tasa. Napatingin siya sakin kaya umiwas ako. Pero mas nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko at ibigay sakin yung ice cream. Wala na akong nagawa kaya kinuha ko nalang yun.
"Bumalik ka na pala, hindi mo man lang pinaalam sakin. Tanda ko pa, ako lang ang nakakaalam na umalis ka noon" Tinignan ko siya. Naalala ko na naman ang masakit na ala-alang 'yon.
BINABASA MO ANG
One shot stories -compilation-
Ficção AdolescenteCompilation of one shot love stories.. Paano magsulat ng love story ang mga single? Go and check this compilation.
