Halloween Special

2.6K 47 7
                                        

--x

Mayroon ako sa inyong ik-kwento. Kwentong kapupulutan nyo ng aral. Kwentong makakadagdag ng kaalaman sa inyong utak. Kwentong sisiguraduhin kong hindi nyo makakalimutan. Malalim ang gabi, maliwanag ang buwan.. Tahimik ang paligid. Nakaipon kaming mag-pipinsan sa sala kasama ang aming yaya na mula sa Capiz.  May kandila sa gitna ng lamesa kung saan kami nakapalibot sa kadahilanan ng walang kuryente dahil may inaayos na cable/wires. Masaya kaming nagtatawanan ng nag-umpisang magkwento ang katulong na pangalanan nalang nating yaya Rose..

Kalagitnaan ng gabi, mayroong isang seaman na kadadating lamang sa pilipinas. Naglalakad siyang tutungo sa kanilang bahay. Medyo madilim sapagkat hating gabi na ng dumating ito sa Pilipinas. May isang matandang babae ang nakakita dito at naaninag na walang ulo ang naturang seaman. Kinilabutan ang matandang babae kaya't iniwas nito ang tingin dito.kinabukasan naabutang patay ang seaman, sa kadahilanang nasagasaan ito. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit buhay pa ito ay wala na itong ulo? At kinabukasan ay saka palang ito namatay? kung iniisip mong nagpaparamdam lamang ang seaman, nagkakamali ka. Ayon sa mga matatanda.. Kung may nakakakita sayo na wala ka nang ulo ngunit sa palagay ng may katawan ay mayroon pa..  Hinahabol ka na ni Kamatayan. Oo, tama ka. Hinahabol ka na ni kamatayan. Mayroong mga paraan para maiwasan ito. Maglagay ka daw ng kahit anong pula sa ulo mo, iyan ang tanging paraan. Ngunit kung mamalas-malasin ka at wala kang mahagilap na ganito, wala ka nang kawala.. Wala ka ng pag-asa. May tanong ako sayo. Matapos mong basahin ito..  MAY ULO KA PA BA? LINGON KA SA LIKOD MO BAKA HINAHABOL KA NA DIN NIYA.

--x

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon