Mister Snatcher

3.8K 94 7
                                    

Mister Snatcher

--x

“Millecent nagtext si Ma’am. Punta daw tayo sa Math Garden.” rinig kong sabi sa akin ng kaklase ko. Tinatamad akong maglakad, pero kailangan. Baka ibagsak ako ni Mrs. Quinto. Kinuha ko ang bag kong walang gaanong laman na notebooks. Karaniwang nilalagay  ko lang kasi dun  ay yung mga gadgets ko at wallet. Marahan kong ibinaba ang bag ko sa ibabaw ng mga bag nilang nakapatong sa sahig sa labas ng Math Building, isa lang ang ibig sabihin nito..

 DAMOLOGY.

Ganito naman talaga sa mga pampublikong paaralan. Di ka nagbabayad ng matrikula pero kailangan mong maging assistant janitor. May kaya kami sa buhay ngunit dito ako ipinasok ng magulang ko para matuto akong makibagay sa iba. Bago ako nagumpisang magdamo ay isinuksok ko ang earphones sa tenga ko. Nasa gitna na ko ng kantang pinakikingan ko ng biglang nagsisigaw si Anne yung kaklase kong babae.

“Kuya bag ni Millecent yan ah!” sigaw ng babae kong kaklase. “Millicent yung bag mo ninakaw!”  Nung marinig ko yun ay dali dali kong hinabol yung magnanakaw. Kunin niya na lahat wag lang yung ipad ko na nasa bag. Nandun lahat ng stolen pictures ng maha.. este ng crush ko.

Malapit ko ng maabutan si kuya. Konti nalang konti nalang.  “Shit!” Nadapa ako.  Tumingin ako sa itaas para magpigil ng luha. Ang sakit kasi talaga, tapos di ko pa nahabol yung kumuha ng bag ko. Nanghihinayang din ako sa mga pictures na nandun.

Hinatid ako ni Dave sa bahay, pinsan ko. Di ko kasi kinayang maglakad.  Nanlulumo akong humiga sa kwarto ko.  Dapat kasi hindi ko iniwanan yung bag ko dun. May E-diary nga din pala sa Ipad ko. Nandoon lahat ng secrets ko. Hindi ko pa naman nilalagyan ng password.

Pumasok ako kinabukasan sa school ng Iika-ika. Dumiretso ako sa locker upang kumuha ng mga papel para mamaya. Pero laking gulat ko ng matagpuan ko ang bag ko sa loob nito. Naiiyak ako sa tuwa. Dali-dali kong binuksan ito upang i-check kung nandoon pa ang Ipad ko.  Nagulat ako ng may Makita ako sa lock-screen na nakasulat na I Love You Too Millecent. Inislide ko para maiunlock ito at may nakita akong isang folder sa ipad na nire-name ng “open this” Binuksan ko yon ng may halong pagtataka, yung notes na application , nandun sa folder na yun.

Hi Millecent, sorry kung kinuha at itinakbo ko yung bag mo. Nabalitaan kong napilay kapa nang dahil sa akin. Hindi ko naman iyon ginusto.

Una sa lahat kaya ko ginawa yon ay dahil may gusto kong aminin sayo. Ito lang ang paraan na naisip ko. Natotorpe kasi ako. Na baka hindi mo ako gusto. Matagal na ko na tong itinatago, matagal na kong nagmamasid sa malayo.. Matagal ng naghahanap ng tyempo para magpapansin at umamin sayo.. Kaso wala talaga eh. Sa twing dadaan ka sa harap ko, nawawalan ako ng dila. Naisip ko na itakbo yung bag mo. Kasi nabalitaan kong nandon ang Ipad mo. Tinakbo ko yung bag di dahil gusto ko yung Ipad, kungdi ikaw mismo Milles. Ikaw. Nang dumating ako sa bahay, binuksan ko itong ipad mo. Natuwa ako sa mga nakita ko. Akalain mo yun? Stalker pala kita? Ang dami kong stolen shots hahaha. Tapos nakita ko yung E-Diary mo. Wag kang magagalit ha?Binasa ko kasi at di ko pinagsisihang binasa ko yun, kasi... Kasi nalaman ko na mahal mo rin pala ako.. So Milles sa panahong nandito ka na sa line na to. Maari bang lumingon ka sa likod mo?

Yan ang nabasa ko sa notes sa Ipad ko, nang maalala ko ang huling line sa notes ay dali-dali akong lumingon sa likuran ko. Ang daming pulang lobo. Ang daming banners na may “I Love You Milles” May 12  varsity players na nakahilera sa harap ng mga tao na mukhang alam ko na kung ano ang role. At siyempre mawawala ba si Dwight?

 “Milles, alam mo bang nabuhayan ako ng loob sa mga nabasa ko? Mahal mo din pala ko akalain mo yun? Uhmm alam mo Millecent,Ang tagal ko nang gustong itanong to sayo..” Isa isang humarap yung mga players.. na alam ko naming ganyan talaga ang gagawin.. At may nakasulat sa harap nila na. CAN I COURT YOU? Siyempre pumayag ako, pumayag na ligawan ako ng lalaking nagnakaw ng puso ko.

--x

 

One shot stories -compilation-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon