6: : CHANGES

450 16 3
                                    


Gabi-gabi hindi ako makatulog dahil sa mga samot-saring damdamin ang nag labasan at hindi ko maintindihan. Isang buwan na rin ang naka raan simula nang maging ka buddy ko siya. Siya parin si Blue na chick magnet at walking virus. Kahit saan ko nalang nakikitang may ka make out. Hinayaan ko na kasi ayokong e entertain ang feeling na selos. Pero kahit e deny ko nasasaktan parin ako. Gusto ko kasi sa akin lang ang atensyon ni Blue.

Binuksan ko ang terace at pinag masdan ko ang langit. Madilim. Ni wala akong nakikitang bituin. Kahit ang buwan hindi ko matanaw sa langit. Simula nang umalis ako ng Pinas noon isa lang ang gusto kung mangyari yun ay makalimot kay Red. Pero hindi ko alam kung bakit ayaw ng puso kong limutin ang ala-ala ng kahapon. Kahit sino-sino ang naging boyfriend ko minsan pinag sabay-sabay ko pa. Gusto kong maka ganti sa mga lalaki. Pero ewan ko ba. Nahihiya akong magbilang nang lalaki dito sa school. Natatakot kasi akong masira ang reputasyon ni daddy.

"Can't sleep?" Nagulat ako kay daddy.

"Ikaw din?"

"No. Nag banyo lang ako nang makarinig ako nang pagkabukas ng pintoan ng terrace mo akala ko may magnanakaw."

"Ok lang ako dad. May iniisip lang. Sige na matulog kana."

"Si Fuentebella pala ang buddy mo. Mag ingat ka diyan. Womanizer yun. Hindi ko ata kayang payagan kang mag over night na siya ang kasama."

"Dad naman ginagawa niyo naman akong bata. Isa pa pwde namang dito ko siya papuntahin kong may dapat pagpuyatan para makita niyo kung may ginawang katarantaduhan."

"Si Red. Are you finally over him?"

"Dad!"

"Come on."

"No! I don't know. I guess not."

"Don't you think mali ang manggamit nang tao? May puso din sila at nasasaktan."

"What are you talking about?"

"I was there at the canteen the other day. Masaya kayong kumakain. Kita ko ang mga titig niya sayo at ang palihim mong tingin sa kanya. Do you like him Kim? Or just using him over his twin?" Natigilan ako sa ka prangkahan niya. "He knows that I'm only using him. As a substitute for his twin brother."

"That's not how I see it, Kim."

"What do you mean, dad?"

"What you didn't realize is that. That playboy is making a way to your heart, and you didn't even know it."

"No. that's impossible." Napailing ako.

"Anak. Believe me you are. Ganyan din ako gaya mo. I court your mom para gawing panakip butas para sa ex wife ko. Graveh ang pinagtiis ng nanay mo sa akin. Hindi ko pinahalagahan ang mga ginawa niya. Until Oscar came in the picture. Dun ako naguluhan. Ayokong agawin niya ang nanay mo. I didnt know what i feel for her. Until she's gone. Can you imagine it? I feel in love with your mom nang hindi ko sinasadya."

"Dad-dy..."

"Noon, kahit anong sabihin ni Jerry na in love ka kay Red ay hindi ako nabahala kasi alam ko na baby love lang yun. At lilipas din pagdating ng panahon. Isa pa hindi ko pa nakita sa mata mo ang mukha ng isang babaeng umiibig."

"Really? Talaga lang huh? Bakit dad? May changes ba ngayon?"

"Pero ngayon....nangangamba ako. I started to see those eyes...the eyes...of a woman falling in love."

"No! Hindi! Not with Blue! Hindi siya ang ideal guy ko."

"Wala akong sinasabing si Blue. Defensive mo naman anak. Napaghahalataan ka tuloy."

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon