Ang sakit ng puso ko hindi ko alam kung bakit. Maybe until now ramdam ko pa ang sakit. Isang linggo na akong di pumasok. Iniiwasan ko si Kim. Sobrang nasaktan ako nang makita ko siyang tinakbo ang old building. At saksi ako sa pag hipo niya sa larawang ni kuya Red. Hanggang ngayon ito parin ang dahilan kung bakit siya nag balik. Dahil na miss niya ito. Kitang kita ko kung paano niya tinitigan ang mukha ni Red. At paano siya umiyak. I try not to cry. When she ask ask me kung mahal ko siya wala akong masagot.
Mahal ko ba siya kaya nasasaktan ako?
Tinungga ko ang laman ng alak at tumagay ulit ako. Sunod-sunod ang tagay na ginawa ko. Ako lang mag-isa sa bahay kaya walang sisita sa akin.
Kim...bakit nasasaktan ako?
Binato ko ang baso at nilaklak ko na lang ang alak. Nang may umagaw nito sa akin.
"Blue! Anong problema mo? Bakit hindi ka pumasok?" sapak sa akin ni Kim na nakapasok ng bahay.
"Wala. Wala lang akong gana."
"Wala kang ganang pumasok pero mag lasing meron? Wow huh!"
"Umalis kana. Sinisira mo ang pag iinom ko."
"Ganun? Hindi mo alam na inisa-isa ko pa ang mga babae mo sa takot kong baka kinulong ka nila sa kwarto nila para maging--"
"Maging ano?"
"Basta! Tumayo ka na d'yan at maligo ka. Amoy suka kana!"
"Wehhh nalego kaya ako kagabe."
"O siya tayo na." At inagaw niya ang alak sa akin.
"Kim..."
"Bakit? Ano ba kasing problema mo?"
"Tell me, anong feeling nang ma in love?" Bigla siyang nalito.
Ang mga mata niya ay nag tatanong. "Bakit na tanong mo?"
"I meet this girl. Ka be-break up palang niya sa boyfriend niya. At first naguguluhan ako sa damdamin ko sa kanya. Sobrang bilis naman ata pero--"
"Mahal mo ba siya, Blue?"
"Paano ko ba malalaman? 'Yun ba yung nagseselos ako tuwing nakikita ko siyang nasasaktan dahil hanggang ngayon mahal parin niya ang lalaking yun at hanggang ngayon hinihintay parin niya ang ex niyang kailan man ay hindi na siya babalikan? Yung bang hindi ako makatulog dahil sa kaiisip sa kanya?"
Biglang tumulo ang luha niya at inagaw ang alak sa kamay ko. "Gago ka in love ka di mo pa alam."
Deretso niyang nilagok ang alak. Hanggang sa naubos ito. "Bakit mo inubos?"
"Gusto ko lang."
"Problemado ka rin ba?"
"Gago ka!" At sinapak niya ako.
"Aray! Bakit ba?"
"Bakit? Nang dahil sa punyetang puso mo na ay ilang quizez akong walang score ng dahil sayo gago ka!"
"Kim, sorry..."
"Sorry? Makukuha ba sa sorry ang sakit huh? Kung alam ko lang---kung alam ko lang sana pinigilan ko---si maam na gawing pair ang bawat activity." Tuluyan na siyang naupo at umiyak. "Gago ka! Nag mahal kana pala sa iba di mo man lang ako sinabihan para naka paghanda din ako."
Nag lakad siya papunta sa bar. At kinuha ang isang white wine. Binuksan at tinungga ito. "Kim, what are you doing?"
"Let's call it a celebration. In love ka at in love din ako pero pareho tayong hopeless kaya magpakalasing tayo!"
BINABASA MO ANG
SUBSTITUTE with BENEFITS
RomanceBlue Fuentebella is the twin brother of Red Fuentebella, Kim's first love. Tanggap niya sa sarili na malayo siya sa kuya niya. Ganon pa man hindi bitter si Blue. In fact, Blue is a happy camper, a playboy and a happy go lucky guy. Until Kim asked hi...