19. Lasing

28 1 0
                                    


Akala ko ok na ako at handa na akong magsimulang muli with Trey pero bakit kanina ng makita ko si Blue ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

Halos wala sa trabaho ang utak ko kundi nakay Blue. Hindi ko alam kong papano siya ewasan gayong magkapitbahay pala kami.

"Kim, are you OK?"

"Huh?"

"May sakit kaba? You look troubled. May problema ba?"

"Ha? eh, wala, na miss ko lang parents ko."

"Ganun ba? Masanay kana. Pero bakit hindi mo sila dalawin?"

"Pwede?"

"Sure. Mag file ka ng sick leave at bigay mo sa akin."

"Salamat Trey. I need this break."

"Sure."

Masaya ako kahit papano na makakauwi ako sa amin na miss ko naman talaga ang parents ko. The lie there was the cause of my trouble is no other than Blue and I can't tell Trey about it. I have to consider his feelings.

"Trey!"

Biglang napalingon si Trey sa pagsigaw ko. Nagkatingan ang iba pang nurse at bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili. "Yes?"

"Hehehe ano, txt nalang kita. Sige, mamaya nalang."

Una akong tumalikod at tumakbo sa hiya. Hanggang sa makaramdam ako ng pagtunog ng phone ko and it was Trey. "May sasabihin ka?"

"Ahh--ahm ano, Trey can you sleep mamaya sa condo? Promise tulog lang."

"Hahaha. Woman! Are you testing my patience?"

"Wag nalang pala sige ok lang. Bye."

Ano ka ba Kim ang landi mo. Ano nalang iniisip ni Trey na atat ka? Yucks ka Kim! Yucks ka!

Para akong baliw na pinapagalitan ang sarili ko. Hindi ako hayok. The reason why I ask him to sleep with me sa condo kasi gusto ko magkasama kami para mas mabilis akong ma develop sa kanya at makalimutan si Blue nang tumigil na siya sa akin. Gusto kong bigyan ng time si Trey at makasama siya.

Bakit ba ako praning? Dahil kay Blue? At bakit ba ako papaapekto sa kanya?

Natapos ang shift ko at nakita ko si Trey na naghihintay sa akin kaya ang iba pang nurse ay kinikilig sa amin. Lalo pa't nang makalabas ako ay agad niya akong inakbayan. Tahimik lang ako sa sasakyan. Nang makarating kami sa condo ay nauna akong bumaba. Agad kong hinanap na baka nasa malapitan lang si Blue ngunit wala. Pagpasok ko sa unit ko ay deretso agad akong nagbihis at nahiga. Naramdaman ko ang pagtabi ni Trey.

"Kim..."

"Hmm...."

"I can't stay longer. May naka sched akong operation mamayang 8, kailangan kong bumalik ng ospital."

"OK. Set the alarm. Take a nap first nang may energy ka."

Pagod ang utak ko sa kakaisip buong araw kaya agad akong nakatulog. Nagising nalang akong wala na si Trey at nilalamig na ako kaya pinatay ko ang aircon. Nakaramdam ako ng gutom kaya binuksan ko ang ref kaso wala akong gustong kainin sa stock ko kaya naisipan kong lumabas. Pagkababa ko ay shock akong makita si Blue na lasing na lasing at ayaw pahatid sa guard. Ilang beses na din siya nalugmok pero pinipilt paring tumayo.

Kailan pa naging lasenggo ang gagong to?

"Kim--my... ba-kit mo ako pi-nag-pa-lit- sa pangit na yun?"

Gusto kong matawa at maawa narin kay Blue. Sino bang hindi? Kinakausap niya ang pader at dinuro-duro. "Kim--my! Bakit!"

Nakita ko ang pag iyak ni Blue at paghagol-gol habang yakap ang sarili. Naantig ang puso ko kaya tinayo ko siya. Ewan pag dating kay Blue mahina ako. Madaling ma antig ang puso ko.

"Gago ka! Huwag mo akong sisihin sa kasalanan mo!"

"Kim-mi-ko?"

"It's Kimberly!"

"Hin-in-tay ki-ta lam-mo-ba yun?"

"Gago! Nag hintay din ako!"

"Kim-my!"

"Ano ba Blue! Ang bigat mo kaya! Maglakad ka ng maayos!"

"Kim--mi-ko!"

Halos maubos lakas ko sa kaalalay sa kanya hanggang makapasok kami sa elevator. Agad kong kinapa ang bulsa niya para sa susi at saktong nakita ko nga sa gulat ko kay magkatapat lang pala yunit namin.

Gago! Hindi na talaga nag patumpik-tumpik pa! Naging kapitbahay ko na yung sa harapan pa talaga.

Pagpasok ko palang ay simple lang ang pagkakaayos pero malinis parang hindi lalaki ang nakatira. Agad ko siyang inihiga. Sanay na akong hubaran siya kaya no sweat.

Sa lahat ng beses na hinubaran kita eto lang ata ang walang ka feelings-feelings.

Hindi umabot ng isang minuto ay naka boxer nalang si Blue. At kahit makapikit ako ay nag u-umapaw ang kanyang pagiging yumminess.

Kailangan ko nang umalis. Nagiging manyak na ata ako.

Pero bago ako nakaalis ay agad niya akong hinatak kaya napahiga din ako sa tabi niya.

"Kim-mi-ko di-to ka-lang."

Mabigat ang braso at hita ni Blue. Natatakot din akong magising siya kaya naisip kong patulugin muna siya. Hanggang sa hindi ko namalayan na pati ako ay nakatulog din. Ngising akong nakapulupot sa kanya.

Ohh, my god!

Agad akong bumangon at nagmamadali akong nilisan ang ang kwrto niya. Dahil sa init ng katawan ay naligo nalang ako. Sa gulat ko ay nakita ko si Trey na dumating at nahiga sa kama ko at tulog.

"Gaano na ba ako ka tagal sa loob?"

Tinuyo ko ang buhok ko saka tumabi kay Trey. He look sad. Kinumutan ko siya at natulog ako sa gilid. Nagising ako sa amoy ng pagkain. Pero wala nang Trey. Nag-iwan lang siya ng note na may meeting siyang dadaluhan. Habang kumakain ay naisip ko ang lasenggo kong kapitbahay.

Gising na kaya 'yun?

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon