25: Fuentebella Family

55 1 0
                                    


Feeling wife ang drama ko ngayon. Naglinis ako ng buong unit ni Blue pero siyempre hindi lang ako pinatulong din ni mommy Kia sa akin ang tatlong kapatid ni Blue para hindi daw ako mapagod. Masaya silang kasama pwera kay Silver na tulala sa isang tabi.

"Anong problema niya?" Siko ko kay Gray, ang sumunod daw kay Silver.

"In love sa pinsan naming nasa states na."

"Pinsan? Diba incest yun?"

"Hahaha rinig mo yun Sil? Incest kayo ni Abby kaya huwag mo ng isipin yun, I'm sure by now ay mayroon na yung jowa doon." Turan ni Indy at nakatanggap ito ng lumilipad na basahan. Nagpatayan ang dalawa habang si Gray ay nakinood lang at mas nag eenjoy. Hanggang sa dumating si Blue at binigyan sila ng pera saka masayang umalis.

"Lunch na ba? Di kaya'y lugi ang tatay mo sa pasahod niya sayo?"

"Malakas ang backer ko, si mommy."

"Abusado."

"Tara may bibilhin tayo tapos kain tayo sa labas."

"Dito nalang kaya? Tinatamad ako."

"Hindi pwede patay ako kay Kiandra De Jesus Fuentebella na kahit si Miles Hunter Fuentebella ay walang magagawa."

Natawa ako ng tawagin niya ang buong pangalan ng parents niya. Kay siguro minahal ko si Blue ng hindi ko namamalayan kasi parati niya akong pinapasaya, pinangingiti at pag kasama ko siya walang dull moments kasi lahat ay masaya.

Dumating kami sa mall at naghanap muna kami ng makakainan. Nag City Bistro kami at nilantakan ko ang order ni Blue. "Gusto mo pa? Kain ka lang ng kain Kimmy."

"Para mo na ring sinabi na ang lakas kong kumain."

"Siyempre dalawa kaya kayong kumakain ngayon kaya kahit anong gusto mong kainin ay bibilhin ko."

"Paano pag tumaba ako?"

"Wala 'yan, kung nakita mo lang si mommy noong buntis sa tatlo? Sa apat at sa tatlo uli? Nako huwag nalang. I love you forever at hindi yun magbabago kahit tumaba ka, hindi naman katawan mo ang minahal ko although masarap ka."

Kinurot ko siya pero hinalikan ko din siya at yumakap ako sa kanya. Right here right now fit feels right. With Blue by my side is all that I need.

"Bakit?"

Tanong niya dahil pinakatitigan ko siya. "I'm just glad I love you and not Red. I'm happy I'm about to marry you, not someone else."

"Talaga your finally over him? What if makita mo siyang muli? What if darating siya sa kasal natin hindi kaya magbago ang I Do mo?"

"Never! I've been loving you since i love you. Alam ko ikaw ang nasa puso ko at hindi si Red. I already let go of him nong pinuntahan ko ang trophy ninyo sa gym sa office ni sir. Hiningi ko sa kanya na e blessed ang feelings ko sayo kasi alam kong mahal na kita."

"You mean, kaya ka umiyak noon hindi dahil mahal mo si kuya kundi mahal mo na ako?"

"Nakita mo? Bakit hindi ka lumapit sana nagtapatan tayo. Nakuha mo pa tuloy ipakilala sa akin si Lily."

"Dami kong maling akala Kim, sorry. This time I will be honest with my feelings regarding you."

After namin kumain ay naglibot-libot pa kami para matunawan kasi busog na busog ako. Dinala ako ni Blue sa isang jewelry store para pumili ng wedding ring. Busy ako sa pagpili ng mawala si Blue. Nang hanapin ko siya sa paligid ay hindi ko siya makita kaya lumabas na ako at nakita ko siya acrossed me sa harapan ng flower shop may hawak na tangay ng red rose habang nakatingin sa akin. Then he slowly walks towards my way without breaking our eye contact.

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon