20: Konsimisyon

29 1 0
                                    


Isang linggo na ang lumipas pero laging laseng si Blue. Iyon ang balita ng may-ari kay Hunter. Halos gabi-gabi na daw itong umuuwing laseng, hindi naman lumilikha ng gulo pero abala daw sa ibang mga guard. Buti kamo at malapit kay Hunter kaya itinawag kaya na alarma ako. Hindi strict si Hunter pagdating sa mga bata kaya ako na ang umako para mag imbistiga.

Hindi ko alam ang problema ng batang yun, tumigil na nga sa babae naging lasenggo naman! Haiszt! Mana talaga kay Trigger sa kapasawayan, paano na lang pala kung ito ang naging asawa ko?

"Mom bakit mo kami pinatawag?" Ani ni Gray na kasunod ang antok na si Indigo.

"Samahan n'yo ako libutin natin ang mga bar, hindi pa nakauwi ang kuya Blue ninyo baka laseng na naman yun."

"Mom, matanda na si kuya kaya na niya yun."—Indigo

"Mom, fourteen palang kami bawal kami sa bar."--Gray.

"Sinabi ko bang kayo ang papasok? Ako ang papasok doon. Maghintay lang kayo sa sasakyan."

"Di kaya'y pagkamalan kang sugar mommy doon?"—Gray na natawa.

"O, baka dirty old cougar ang peg mo."—Indigo.

"Sasamahan n'yo ba ako o walang dagdag sa allowance?" Alam kong effective na bargain ang allowance kaya alam kong wala silang reklamo.

"Indy, naman sinabi ko naman sayo na tayo na diba ang kulit mo!"—Gray.

I drive the car inisa-isa namin ang bar pero wala ni Espiritu ni Blue. Nahiya na ako sa pagpasok kasi tama ang dalawa sugar mommy ang dating ko. Maraming kilay ang tumataas tuwing nakikita ako lalo pa at naka duster lang ako.

"Ito na ang last pag wala si kuya Blue malamang nag hotel na ito kasama ang babae sa—Ouch!" sinapak ko si Indigo. "Mommy naman biro lang eh manapak talaga?"

"Tumahimik ka baka magkatotoo ang sinasabi mo."

"Mom, may condo si kuya baka doon na 'yun umuwi."--Gray.

"Tumawag ako bago tayo umalis hindi pa daw dumating kaya alam ko nasa bar pa yun."

Bumaba ako after mag park. Eyes and ears ko ang dalawa. Malayo palang ay alam ko ng si Blue ang lugmok sa ibabaw ng mesa dahil sa kalasingan. Naawa ako sa kanya kung bakit siya umabot sa ganito.

"Blue? Blue!" Tinapik-tapik ko siya pero hindi siya na gising pero gumalaw lang siya.

"Ma'am marami-rami na po ang na inom niya. Gabi-gabi po siya dito, kaso hindi ko muna ma e uwi dahil may trabaho pa ako. Nanay ka po ba niya?"

"Oo, salamat sa paghahatid sa anak ko. Baka pwede patulong maihatid siya sa kotse ko?"

Maingat na inilagak ng waiter si Blue katabi si Indy na asar-na asar sa baho ni Blue. Tawa ng tawa si Gray kasi nasa passenger seat siya nakaupo.

"Lipat ka sa likod Gray, umupo ka sa kabilang side para hindi ma tumba ang kuya mo."

Tawa ng tawa si Indigo at sambakol ang mukha ni Gray. "Mom, isang libo to huh?"

Inirapan ko siya at biglang na takot. "Limang daan lang ang umento at huwga ninyo akong pinagluluko okay lang sana kung matalino kayo sa klase. Kaso pasang awa ang grades ninyo, tingin ninyo matutuwa akong bigyan kayo ng malaking allowance? hindi na pupulot ang pera. Ano kayo sinuswerte? Pinag hirapan ng tatay ninyo wawaldasin ninyo?"

Hindi na sila kumibo hanggang makarating kami sa bahay alam na nila ang drill. Pag nanunumbat na ako ibig sabihin galit na ako at damay-damay lahat. Sinalubong kami ni Hunter at siya na ang umalalay sa lasing papunta sa kuwarto nito.

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon