17. Sakit

32 1 0
                                    

Nagising ako na humihingal dahil sa isang masamang panaginip. May nag mamay-ari na daw kay Blue at malapit na silang ikasal. Napaiyak ako habang ihinilamos ko ang dalawang kamay sa mukha ko.

Blue, where are you?

Mag aapat na buwan na since huling beses ko siyang nakita yun ay ang first day ko sa ospital. Since nun wala nang Blue. Ni hindi siya tumawag. Tinamaran ko na rin ang bumangon para pumasok naka ilang absent na ba ako dahil wala akong ginawa kundi ang matulala at mag mokmok.

*Ding Dong!*

Sa pagkakaakalang si Blue ang darating ay mabilis kong nilisan ang kwarto at pinagbuksan ang sino mang nasa labas. Laking gulat ko na hindi si Blue ang nakita ko kundi si Trey. Biglang bumagsak ang balikat ko at saka tumalikod. Pinahid ko ang luhang pumatak.

"Wala kabang planong pumasok?" Simula ni Trey.

"Wala na akong gana."

"Yun lang yun? Walang gana? Ano ba sayo ang pag-aaral ng nursing? Laro-laro lang?"

"Bakit kaba nandito?"

"To check on you! Dalawang araw kanang absent, kako baka may sakit ka."

"I'm fine. Papasok ako mamaya."

"Don't kung hindi mo kaya at totoong may sakit ka nga. Pero if your doing this because of that FWB of yours forget it!"

"May pangalan siya!"

"Right! That bastard who happened to disappear without any trace, not even ending your twisted affa--"

*PAK* "Get out!"

"I'm sorry."

"Sorry din pero, I have to stop you from saying those words that will kill me even more. Because Trey, no matter how I tried to forget him and move on with my life, I can't! I really can't!"

"You know I'm here. Please wag mong solohin. Try to reach out."

"Yun na nga ang isang nakakagalit eh. Andyan ka! Wala siya! Ikaw kasama ko at hindi siya pero bakit siya parin ang laman ng puso ko at isipan ko. Bakit siya parin ang hinahanap-hanap ko."

"Tell me what to do para makalimutan mo siya? Gagawin ko ang lahat."

"You did everything Trey. And i am thankful of having you by my side. Ikaw ang compass ko sa mga araw na nawawala ako. But sorry, kasi kahit anong gawin ko hindi ikaw ang hinahanap ko."

"Hihintayin kita mamaya. Aalis na ako."

***

Nilisan ko ang condo ni Kim nang may pagmamadali. Nang makasakay na ako sa aking sasakyan ay doon ko binuhos ang luha na matagal ko nang kinikimkim. Napasuntok ako side window ko at sa sobrang lakas ay nabasag ito at nagdurugo ang kamay ko. Kita ko ang pag agos ng dugo pero wala akong pakialam. I hate to see Kim so miserable.

Bakit hindi pwedeng ako Kim? Bakit?

Pinaharurot ko ang sasakyan hanggang makarating ako sa basement. Pagsakay ko ng elevator ay agad akong dumeretso sa clinic ko para gamutin ang sugat. Palabas na ako sa clinic nang may napansin akong pamilyar na hitsura ng lalaki at tiningnan ko ang pintuan ng nilabasan niya at bigla akong nag isip ng hindi maganda. Pero sapantaha kong yun ay pinagtibay ng lumabas ang isang buntis na babaeng may kalakihan na ang tiyan. Sinundan ko ng tingin ang dalawa hanggang sa tuluyan silang nawala. Mas nasasaktan ako para kay Kim.

It would break her heart more to find out na that bastard fathered an unborn child.

Wala sa sarili ay bumaba ako para e check kung pumasok siya at nakit ko nga siya na may sinulat. Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang kagandahan niya.

Kahit anong gawin ko hindi mo ako nakikita bilang isang lalaking kaya kang mahalin Kim. For you I am nothing compare to that bastard!

Kita ko ang mga hilaw na ngiti ni Kim. Bakas sa mga mata niya ang lungkot. Nag tama ang mga mata namin pero una siyang bumawi. Hindi ko parin siya hiniwalayan ng titig at bigla siyang tumayo at nilabas ako.

"Ano bang problema mo Trey?"

Walang sabi-sabi ay hinatak ko siya at niyakap. She's about to push me kaya mas hinigpitan ko pa. "Trey...."

"Can I be his substitute? I love you, Kim."

"Trey! You're better than that!"

"I'm serious! If that's the way to your heart and to forget him, I am willing to break my rules."

"No! I can't be sorry!"

Iniwan ako ng tumatakbong si Kim. Naiwan akong galit na galit para sa lalaking yun.

You will pay for this bastard!

***

Natapos ang shift ko nang hindi ko na nakita si Trey. Dumaan ako sa office niya pero sarado na ito. Pagkalabas ko ay biglang umulan, wala akong payong at mukhang mahihirapan akong sumakay. Naghintay ako at naghintay pero walang dumaan.

"Miss, bumalik ka muna sa loob. Huwag kang maghintay d'yan dahil malamig." Ani ni mamang guard na concern citizen.

"Ok lang po kuya, sanay naman akong maghintay."

Gusto kong matawa kasi malahugot yung sagot ko. Ganong posisyon lang ako hanggang sa nakaramdam ako nang may katabi at binigyan ako ng coat.

"Kahit kailan talaga pasaway ka eh."

"Tr--ey..."

"Hindi porke't doctor ako at amin ang hospital na 'to at dito ka nagtatrabaho eh libre ka. Wala nang libre ngayon iha!"

Sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya. Bigla siyang nagulat pero niyakap niya narin ako.

"Sorry, Trey... sorry."

"I know. Sorry din. Sobrang mali na ipilit ang sarili ko sayo. Alam kong mas nahihirapan kana. Kung kaibigan lang talaga ako sayo, so be it. Masaya na ako makasama kalang Kim."

"Trey---"

"Hush.... tama na. Andito lang ako, hindi kita iiwan."

Sa isang reataurant kami nag dinner ni Trey. Napadaan kami sa isang mall kaya nagpababa ako sa kanya at nagpaalam na may bibilhin. Naghahanap ako ng pwedeng regalo kay Memeng yung kasama kong nurse. Nakailang libot ako hanggang sa dinala ako ng paa ko sa jewelry section. Sa di inaasahang pagkakataon ay napatulala ako, it was Blue na masayang namimili ng wedding ring kasama niya si Lily. Ang buntis na si Lily. Napaatras ako habang hawak ang puso ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng mga kamay na tumakip sa mga mata ko at unti-unti akong pinaikot saka niyakap.

"That bastard! I'm going to kill him!"

"Trey... ang usapan namin we must end what we have bago magkarelasyon!"

"I should have tell you earlier para aware ka, pero ayoko namang nagmumukhang sinisiraan ko siya to gain you."

"What do you mean?"

"I saw them this morning sa OB. I thought it wasn't him. Now, I am sure it was him. Dito ka lang, at sasapakin ko."

"No! Please Trey, don't hurt him. Walang kami diba? Wala akong right masaktan at ariin siya. Mas tamang ganito para magising ako sa kahibangan kong ito. Let's go home."

Nagsimula na akong maglakad palayo. Wala na akong pakialam kung tulo-ng tulo ang luha ko. Ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar kung nasaan siya. Apat na buwan akong umasa sa wala yun pala masaya na siya habang ako ay nagdurusa. Mas lumakas ang ulan pero hindi ko ramdam ang lamig. Mas gusto ko nga mag numb ang puso ko para mawala ang sakit. Patuloy ako sa paglakad hanggang sa may kumarga sa akin. It was Trey, I know. Umiiyak lang ako ng umiyak. Inihatid ako ni Trey sa condo. Ibinaba niya ako sa kama pero hindi parin ako bumitaw sa kanya.

"Dito kalang please..."

"Kim--"

"Please stay with me. I don't want to be alone tonight."

SUBSTITUTE with BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon